Kabanata 34Hindi ko alam kung tama ang desisyon kong 'to, pero sa pagkakataon na 'to ito lang ang sigurado, ito ang dapat kong gawin, ito ang tama kong gawin.
Isang buwan na kami dito sa Amerika, at nagpapagaling na si Sophie sa Meningitis niya, oo ng unang linggo, sobrang pinipiga ang puso ko sa sakit, lalo na kung nakikita ko siyang inaatake ng seizures niya, sana ako na lang, sana wag na lang siya, walang kasalanan ang anak ko para maranasan 'to, sobrang bata niya pa. Buti na lang ngayon, hindi na siya masyado inaatake ng seizures, yon nga lang, hindi pa rin stable ang lagay niya. Si Mama ang nag presinta na bantayan si Sophie sa Hospital kaya sumama agad ako kay Kuya para maghanap ng Trabaho at pasalamat na din ako kay Eros dahil pagkatapos ng gruaduation ay pumunta agad siya dito sa Amerika para dalhin ang TOR at Diploma ko. Hindi naman nagtagal ang paghahanap namin ng trabaho dahil nakahanap din kami agad ni Kuya. Kaya ang unang sweldo namin dalawa ay binigay namin sa Hospital pati na rin sa apartment kung saan kami tumutuloy ngayon. Oo, nakalabas na si Sophie sa Hospital pero katulad ng sabi ng Tito ni Eros they need to monitor her, dahil malaki talaga ang magiging pagbabago niya, kaya tuloy pa rin ang medication niya.
Mahirap pero kakayanin ko para sa anak ko, hindi ko siya kayang mawala, ayaw ko siyang mawala.
"Iniisip mo siya?"biglang tanong ni Eros sa akin na pumukaw sa iniisip ko seryoso ko naman siyang tiningnan na ngayon ay busy sa loptop niya. Nandito siya sa opisina ko ngayon at ginugulo ako. Next month pa siya mag tatrabaho sa Elton, kaya mag babakasyon muna daw siya dito, dahil hanggang ngayon naiinis pa din siya sa mukha ni Lecster. Gusto niya na sana pumasok sa seminary ang kaso puno pa ang slot nito kaya mag tatrabaho muna daw siya bilang coach ng Team, dahil kinuha siya mismo ng University.
"Hindi ko na siya kailangan isipin Eros."
"Really? Kahit sabihin ko sa'yo na may girlfriend na siya?"tanong niya ulit.
Tinaas ko ang kilay ko habang nakatingin sa kanya ng seryoso. "I don't care, karapatan niya yon, wala na akong pakialam sa kahit anong gawin niya sa buhay niya." I said coldly.
"Okay, sabi mo eh. Lunch?"
"Tss, uuwi ako sa apartment ngayon, nag promise ako kay Sophie."sagot ko sa kanya.
"Sama na lang ako, na miss ko na rin si Sophie."Aniya.
I nodded. "Ano pa nga bang magagawa ko? Alang naman iwan kita dito?"
"Okay let's go."Aniya sabay tayo niya sa upuan niya ng bigla akong napahawak sa dibdib ko. Agad niya naman akong nilapitan para kumustahin.
"Amerie."
"Eros."sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya na ngayon ay nag aalala sa akin.
"Fuck! Amerie!"Madiin na tawag niya ulit sa akin ng bigla na lang akong natumba and everything turns into black.
Tama na, pakiusap, tama na
Amerie, wake up, Amerie."rinig kong tawag ng kung sino sa akin kaya dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at mukha agad ni Eros ang sumalubong sa akin.
"Na-nasaan ako?"takang tanong ko sa kanya.
"Nandito ka ngayon sa Hospital, hinimitay ka kanina, kaya dinala kita agad dito."kalmadong sagot niya sa akin.
I smiled. "Thank you, pero hindi naman kailangan, ayos lang ako Eros."sagot ko sa kanya.
"Maayos? May maayos ba na nahihimatay ha?"he asked coldly.
Akmang sasagot na sana ako sa kanya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang Isang Doctor na babae halatang isa siyang Pilipina base, sa ngiti at kilos niya.
"Doc, what's the result?"
"Iha, matagal ka na ba nakaramdam ng paninikip ng dibdib? Seryosong tanong niya.
Oo, pero ayaw ko aminin yon, hindi ko puwede aminin yon.
Umiling ako. I smiled. "Ngayon lang po Doc." I lied.
"Pero base sa ginawa namin na test sa'yo ang paninikip ng dibdib mo ay dahil sa matinding Stress. Iha, I suggest you to see a professional and trusted psychiatrist, dahil natatakot akong kung hindi maagapan ang nararamdaman mo emotionally, maging dahilan ito ng pagkakaroon mo ng sakit sa puso. Iha, words can lie, but our eyes? No. Hindi niya kayang mag sinungaling."Aniya na nagpatahimik sa akin.
Pagkatapos sabihin yon ng Doctor ay agad na siyang lumabas seryoso naman akong tiningnan ni Eros na nagpayuko sa akin.
"Iniisip mo pa rin ba ang nakaraan?"tanong niya sa akin.
"Eros, maayos ako." Pagbaliwala ko sa tanong niya.
"Amerie, hindi ka okay! Puwede ba for once, mag pakatotoo ka, tell me! Iniisip mo pa rin ba ang nakaraan?!"malamig at ma awatoridad na tanong niya sa akin na nagpatulo ng luha ko.
I pursed my lips and looked at him. Kahit tumutulo ang mga luha ko ay pilit ko siyang tinitigan. Alam kong naiinis na siya ngayon. Alam kong gusto niya na umamin ako, pero paano ko yon gagawain? Paano ko sa sasabihin sa kanya na Oo. Araw-araw akong dinadalaw ng nakaraan, araw-araw kong tinatanong ang sarili ko bakit kailangan ko masaktan ng paulit- ulit ng dahil sa walang kuwentang pag-ibig, araw-araw ko sinisisi ang sarili ko kung bakit nagkasakit ang anak ko, kung hindi ko inuna ang walang kuwentang nararamdaman ko kay Lecster, hindi sana magkakasakit ang anak ko, hindi sana siya umiinom ng napakaraming gamot ngayon. At gabi-gabi kong napapanaginipan ang kawalang hiyaan ni Aladin sa akin, ayaw akong patulugin ng mga alaalang yon, ayaw akong pakawalan, ayaw akong palayain. Hirap na hirap na ako, oo, pero paano ko aaminin yon sa kanya? Paano?! Sukong suko na ako, nanghihina na ako, at pagod na akong mabuhay, ayaw ko na, hindi ko na kaya.
"Amerie."mahinang tawag niya sa pangalan ko na nagpahagulgol sa akin. Agad niya naman akong niyakap.
"Shh, I will not pressure you to tell me, don't worry, I understand. Basta nandito lang ako, I'm here, I will help you, tutulungan kita, magiging maayos din ang lahat."
"Hi-hindi ko na alam, hindi ko na ka-kaya, ayaw ko na...."
"Shh, don't say that, may anak ka pa, kailangan ka niya, marami kaming naniniwalang kaya mo, alam kong kaya mo, pero kung hindi mo kayang gawin para sa sarili mo, gawin mo para sa anak mo. At para sa taong mahal mo. Para kay Sophie Amerie. Para sa kanya."Aniya na nagpatahimik sa akin.
Hello Readers, green ni Eros 'no? Pero sasabihin ko na ng maaga. May sarili po siyang story last installment po siya ng Yesterday. Ganito lang talaga ang character niya, at a little spoiler hindi lang dito sa MYH ganito si Eros, pati na rin sa mga susunod na story Hehe. Mas sobra nga lang dito... So yun lang naman anyway hintayin niyo sa mga Kabanata 38 ack. Mas ma iinlove pa ako sa kanya. Kasi. Basta...... HAHAHAHA. Enjoy reading good morning.
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...