Kabanata 12

752 21 1
                                    

Kabanata 12

Pilit kong kinalimutan ang sinabi sa akin ni Lecster kahapon, buti na lang talaga bumalik siya sa activity noong tinawag siya ng isang Values Major, kundi nahimatay ulit siguro ako sa kaba habang kausap siya. At dahil buong magdamag akong nandoon sa clinic, kaya hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa kanila sa labas

"Juls, sigurado ka na bang okay ka na?"takang tanong ni Ate Recel sa akin  habang tahimik kaming naka upo as dalampasigan at nanonood sa mga kasama namin na naliligo sa dagat. Kakatapos lang ng third activity namin at mamayang gabi na kami uuwi kaya binigay na 'to ng Principal sa amin para magsaya.

"Yes ate."nakangiting sagot ko sa kanya.

"Ako curious lang, mag shota na ba yang si Lecster at Glaiza?"tanong naman ni Ate Cherry na ikinatingin namin lahat sa kanya.

"Ha? Bakit mo nasabi?"takang tanong sa kanya ni Ate Janice.

"Tingnan n'yo."Aniya sabay turo niya sa dalawang tao na ngayon ay nakasakay sa jetskie. "May mag friend bang ganyan? Tss, sure ko nag jerjer na yan."Saad niya na ikinatawa lang ng mga kasama ko habang ako ay tahimik pa rin na nakatingin sa kanila Lecster.

Gusto mo pala ako ha? Sinungaling, playboy nga naman, kulang na kulang sa Isang putahe.

"Bakit kayo natawa?"takang tanong ni Ate Cherry habang tumatawa pa rin sila Shayra.

"Kasi naman ate, Jerjer talaga?" Tanong sa kanya ni Shayra .

"Oo, tsaka tingnan niyo kulang na lang dukutin nila ang isa't isa."sagot niya na mas lalong ikinatawa nila.

"Baka nga, pero kever sa kanila, ligo na lang tayo."wika ni Ate Recel sabay tango nilang lahat maliban sa akin.

"Ikaw, Juls? Ayaw mo?"tanong ni Mary Ann sa akin.

"Kayo na lang muna, mamaya na ako."

"Sigurado ka?"paninigurado naman ni Alexa sabay tango ko sa kanya.

Sabay-sabay silang pumunta sa dagat habang ako naka upo lang sa dalampasigan ng biglang naramdaman ko na may tumabi sa akin na ikinatingin ko dito.

"Ikaw na naman?"

"Ouch, grabe ka sa akin, akala ko ba friend na tayo Amerie?"Aniya sabay hawak sa dibdib niya kunwaring nasasaktan sa sinabi ko.

"Sinong nagsabi sayo?"

"Ako, malamang, magiging daddy na nga ako ni Sophie, kaya dapat friend na tayo."Aniya.

"Sino naman nagsabi sayo na pumayag ako? Tsaka for your information Eros  Kaya kong alagaan at palakihin ang anak ko ng mag-isa, hindi niya kailangan ng Tatay."

"Pero paano na ang kaibigan ko, umamin na siya sayo diba?"tanong niya na ikinatigil ko.

"A-anong sina-sabi mo?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Yun o! Nautal, so umamin na nga?"

"Umamin? Nagjo-joke lang yon, imposibleng magustuhan niya ako at isa pa, playboy ang kaibigan mo, kaya niya paikutin ang mga babae sa palad niya kung gugustuhin niya."sagot ko sa kanya.

"Paano kung totoo?"

"Totoo man o hindi, alam kong hindi n'ya ako matatanggap oras na malaman niya ang tungkol sa Anak ko. So tell me, bakit ko? Pag aaksayahan ang inamin niya, kung sa huli alam ko na ang kalalabasan nito."

"Ganyan ka ba talaga? Ganyan ba talaga ka baba ang tingin mo sa sarili mo?"takang tanong niya.

"What do you mean?"

"Kahit Single Mom ka pa, kahit color blind ka pa, kahit kulang ka pa sa height, mayroon at mayroong tao ang tinadhana sayo ng taas, taong tatanggapin ka sa gitna ng pagkukulang mo, taong ipaglalaban ka sa lahat ng mga taong hadlang sa inyo, taong mamahalin ka ng buo, higit pa sa inaasahan mo."sagot niya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon