Kabanata 18
Maaga akong nagising kinabukasan dahil magkakaroon ng meeting ngayon sa BEN at kasali kami, gustuhin ka man na hindi pumunta para maiwasan si Lecster ay alam kong hindi kong hindi puwede.
"Juls, matanong ka namin ha, friendly question lang. Anong score niyo ni Lecster?"biglang tanong ni Ate Recel sa akin habang tahimik namin inaantay ang mga teachers kami pa lang Science, English, Math at Filipino ang nandito sa library kung saan gaganapin ang meeting.
"Wag niyo na kasi tanungin, baka nahulog na ng tuluyan."biglang sagot ni Alexa sa tanong ni Ate Recel na ikinailing ko na lang.
"Pero seriously Juls, gusto mo ba siya?"tanong naman ni Ate Jane na ikinatahimik ko.
"Hindi naman kami puwede, at isa pa, nagbibiro lang yon, nagbibiro."
"Eh, bakit mo nasabi na hindi kayo puwede ever?"tanong naman ni Ate Cherry.
"Oo nga, mas blooming ka nga ngayon, dahil yan sa kanya 'no?"tanong din ni Ate Janice.
Gusto ko man sumagot sa mga tanong nila mas pinili ko na lang nanahimik dahil ayaw ko na humaba ang usapan na 'to na tungkol lang naman sa Lecster na yon.
"Good morning mga Ma'am."bati ni Eros sa amin na siyang unang pumasok sa pintuan kasunod niya naman ang mga Mapeh Major at Values Major.
"Good morning Sir."bati rin sa kanya ni Mary Ann.
"Best friend tabi tayo ha."paalam ni Eros sa akin sabay upo niya sana sa tabi ko ng bigla siyang unahan ni Lecster sa pag upo.
"Tabi."
"Tss, seloso naman bro."asar niya dito na ikinatahimik ko na lang.
"How are you?"malumanay na tanong ni Lecster dito sa tabi ko ramdam ko naman ang mga kamay ng mga kaibigan ko sa likod ko na ikinailing ko na lang.
"Lunch later?"Yaya ng katabi ko sa akin akmang sasagot na sana ako sa kanya ng bigla akong unahan nila Mary Ann at Alexa sa pagsagot.
"Whoah, sana all lunch date, diba Ann?"nakangising tanong ni Alexa.
"Yeah, matagawan ko nga yong akin, ng may ka lunch date din ako."Ani naman ni Mary Ann.
"Gusto nila ako."biglang saad nitong katabi ko na ikinatingin ko sa kanya.
"Paki ko?" Mataray kong tanong sa kanya.
"Gusto nila ako para sayo, ikaw ba kailan mo ako magiging gusto para sayo?"nakangiting tanong niya na ikinaiwas ko ng tingin ko sa kanya.
Hanggang kaya ko pa, ako ang iiwas, hindi ako puwedeng mahulog, dahil alam ko sa huli ako lang ang kawawa at hindi na yon puwedeng maulit pa, hindi na.
Dumating na ang mga teachers at ang diniscuss lang nila ay dapat daw kasama kami sa magaganap na birthday party ni Ma'am Helen ang Principal ng Ben na magaganap sa Isa sa pinaka magandang pasyalan dito sa Malaybalay, hindi pa nila sinabi kung saan, basta surprise daw. Tahimik lang kaming nakikinig sa mga plano nila hanggang natapos na ang meeting kaya dali - dali akong umakyat sa room ko para ipagpatuloy ang paggawa ko ng exam para sa darating na exam week nila.
"Ma'am."tawag ng Isang student ko sa akin sabay tingin ko sa kanya.
"Yes Arnel?"
"Tawag ka ni Sir Lecster Ma'am."Aniya sabay tingin ko sa harapan na ikinatawa nilang lahat.
"Ayiie, si Ma'am, crush mo Sir Ma'am no?"Tanong ni Precious sa akin sabay iling ko.
"Ma'am d'yan nagsisimula lahat sa deny."Saad niya na ikinangisi ko na lang.
"Tss, ang bata niyo pa, dami niyo ng, alam, kung ako sa Inyo mag study na kayo malapit na exam niyo."
"Pero crush mo si Sir Ma'am?"tanong ulit ng isa kong student na lalake.
"Hi____."
"Wag niyo I pressure si Ma'am niyo, baka layuan ako lalo."putol ni Lecster sa sasabihin ko na ikinatawa ulit ng mga bata sa pangalawang pagkakataon.
"Aweee, si Sir namula, crush mo si Ma'am Sir?"biglang tanong ni Dan sa kanya ni ikinaseryoso ng tingin niya.
"Crush, is just paghanga, itong nararamdaman ko, sobrang lalim na para sabihin kong crush ko lang siya."Aniya na ikinatahimik ko. Akmang tatalikuran ko na sila ng biglang nagsalita si John na ikinatingin ko sa kanya.
"So, Sir? Anong level kana?"
"Level? 0 pa, wala e, ayaw pa ako papasukin sa buhay niya.
"So, susuko na Sir?" Tanong naman ni Annie.
"Nah, hindi ko alam ang salitang pagsuko, I will never give up. Never!"
Lecster!
Hindi ko alam kung paano ko natagalan ang oras na yon Kasama sa loob ng Isang silid aralan ang taong nagpapagulo ng isip ko, ginugulo niya ang isip ko, ginugulo niya ang puso ko, at hindi ko maintindihan kung bakit, pero unti-unti na akong nahuhulog sa kanya na alam kong delikado at ikakatalo ko. Dahil alam ko oras na papasukin ko siya sa buhay ko, ay yon din ang oras na pinapayagan ko na naman ang Ibang tao na durugin at saktan ako na siyang ayaw ko ng mangyari, na siyang hindi na puwedeng mangyari.
"You know what, you will never know, if you will never try."
Agad akong lumingon sa likod ko kung saan nanggaling ang boses na yon.
"Tss, ano na naman kailangan mo sa akin Eros ha? Kung mang-aasar ka wala akong oras, busy ako."Ani ko sa kanya sabay gulo niya sa buhok ko.
"Busy? Sa pag-iisip kung bibigyan mo ba ng chance ang kaibigan ko o hindi?"
"Of course not! Talaga naman na hindi ko siya bibigyan ng chance, kaya wag na siyang umasa."
"Bakit?"takang tanong niya sabay tingin ko sa kanya ng seryoso.
"Alam mo na ang sagot ko sa tanong mo na yan."
"Yeah."
"So, bakit ka pa nagtatanong?"tanong ko sa kanya.
"Because I don't understand, yeah, I know your reasons, pero I don't see anything wrong, oo nga, at single mom ka, pero walang masama sa pagiging single mom, at kung malaman man niya yon, nasa kanya na yon kung tanggap ka niya o hindi, kung tanggap niya, totoong mahal ka talaga niya, pero kung hindi, e, di friendship over kami."Aniya na ikinatahimik ko.
"Ha? Bakit?"
"Kasi kung hindi ka niya kaya tanggapin sa kabila ng pagkakaroon mo ng anak, hindi ko siya puwedeng maging kaibigan, ayaw kong maging kaibigan ang taong hindi kayang magmahal ng buo, at pagsinabi mong buo, kahit sino ka pa, ano ka pa, kahit may anak ka pa, at pati pamilya mo tanggap niya. But knowing Lecster, alam ko, seryoso siya sayo at alam ko matatanggap ka niya, matatanggap niya si Sophie dahil Ikaw ang nanay nito."
"I don't know what to say."sagot ko na lang sa kanya na siya namang totoo may parte sa puso ko na gustong maniwala at mayroong parte din dito na ayaw ko na masaktan, tama na. Napapagod na akong sumugal.
"Tss, don't worry Julia, matanggap ka man niya o hindi, ready akong magiging instant Daddy ni Sophie sabi ko nga sayo diba, hindi ka na lugi sa akin sa gwapo ko ba naman na 'to plus na lang na yummy pa."Aniya na ikinailing ko na lang habang nakangiti.
Ang green ni Eros, sobrang sarap maging kaibigan at Kuya, pero yong story niya talaga soon. Siya ang last installment ng Yesterday at ang masasabi ko lang ay HAHAHAHAHAHA.... Anyways happy reading. Xoxo.
Follow niyo po ako sa mga Social Media Accounts ko.
Facebook: LuckyAvigail Moon Wp
Twitter: LuckyAvigail
Wattpad: LuckyAvigail
Thread: LuckyAvigailHart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...