I wonder kung bakit kailangan maging ganito ang buhay ko, masasabi kong simula bata, kakambal ko na si kamalasan, pero iniisip ko na lang walang mangyayari sa akin kung uupo lang ako sa sulok, at tatanungin ang mundo kung bakit ganito ako, bakit ganito ang buhay ko.
"O, iha, nandiyan ka na pala, kumain kana?"tanong ni Ate Marie sa akin pagdating na pagdating ko sa lugawan.
Sila, itong mga taong 'to ang isa pa din sa pinapasalamat ko sa Diyos, without them, hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ipambubuhay ko kay Sophie.
"Oo ate, sa bahay."nakangiting sagot ko sa kanya.
"O, sige, doon ko na lang muna sa mga customers ha, kami na lang muna dito ni Nanay."Aniya sabay tango ko. Agad agad akong lumapit sa mga customers na bagong dating para sana kunin ang orders nila, pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana dahil kahit saan nakikita ko ang mukha ni Lecster.
"Uy! Amerie."tawag ni Von sa akin na siyang ikinatingin ni Lecster sa pwesto ko kaya no choice ako kundi lumapit sa kanila.
"Ah.."
"Do you know each other?"malamig na tanong ni Lecster sa akin ni hindi niya nilingon si Von sa tanong na yon.
"Ahz yes, couz, nagkita kami kanina, hinatid ko siya sa kanila."kalmadong sagot sa kanya ni Von pero ni hindi niya pa rin ito nilangon dahil ang mga mata niya ay seryosong nakatingin pa rin sa akin.
"Ah, eh, salamat pala ulit ha, anong sa inyo? Libre ko na."sagot ko kay Von ng nakangiti ng hindi tinitingnan si Lecster.
"Sigurado ka? Seseryosohin mo talaga ang sinabi mo?"hindi makapaniwalang tanong niya sabay tango ko.
"Oo na..."
"Tss, magbabayad kami Amerie, may pera ang pinsan kong yan, singer yan, kaya magbabayad kami."putol ni Lecster sa sasabihin ko na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.
"Pero..."
"He's right Amerie, itabi mo na lang ang pera mo, tsaka it's my honor to help you, tulad nga ng sinabi ko sayo kanina, likas sa pamilya namin ang matulungin."saad naman ni Von. Kaya imbis na kumontra pa ako sa kanilang dalawa at kinuha ko na lang ang order nila, dahil pakiramdam ko ay malapit na akong matunaw dahil sa matatalim na mata ni Lecster na siyang hindi ko maintindihan.
Bakit siya ganyan makatingin? Anong kasalanan ko sa kanya?
"Sige, kukunin ko lang ang order niyo, pakihantay na lang ha."wika ko sa kanila sabay ngiti ni Von habang tahimik lang si Lecster.
"
So, pag pinsan ko nag yaya sayo, payag ka agad, pero kung ako, sasabihin mo kinakaawawaan kita?"
"Teka, paano ka nakapasok dito?!"takang tanong ko kay Lecster na ngayon ay nandito sa bodega kasama ko.
"Answer me, Amerie."
"Teka nga, hindi kita maintindihan, naka sabay na naman ako sayo noong una diba? Tsaka, ang dami ko ng utang sayo. At bakit ka ba nandito? Bakit ka pumasok? Wala dito ang order niyo, at baka makita ka pala ni Nanay, ano pang isipin nila."sagot ko sa kanya sabay lapit niya sa akin na ikinaatras ko.
"Wala akong paki sa iisipin ng iba, alam mo yan, ang gusto ko malaman, e, bakit ka sumakay agad ng niyaya ka ng pinsan ko, pero pag ako nag Yaya sayo, ang dami mong excuse ha?!"
"Ano naman ang paki mo?!"
"May paki ako Amerie, he's my cousin, I know him! Alam kong paglalaruan ka lang niya, never siyang may sineryosong babae."Aniya na pinagtaka ko.
"What the?! Sino naman may sabi sayo na paglalaruan niya ako? E, ni hindi nga kami nag usap ng matagal ng hinatid niya ako dahil nagmamadali ako."saad ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin ng seryoso.
Hindi ko maintindihan ang mata niya, ramdam ko na marami siyang gustong sabihin pero pinipigilan niya lang, ramdam ko at alam ko, pero bakit ba? Anong pakialam niya?!
"Stay away from him Amerie, hindi siya makakabuti sayo.*
"Bakit Ikaw makakabuti?! Maka sabi ka ng playboy ang pinsan mo, e, isa ka rin naman playboy, tss, no wonder mag pinsan nga kayo."seryosong tanong ko sa kanya.
"Tss, pag sinabi kong iwasan mo siya, iwasan mo siya. At sa sinabi mong playboy ako, yes, noon, pero simula ng araw na yon, simula ng umaga na yon, tinigilan ko na Amerie, tinigilan ko na."
Aniya sabay labas niya sa bodega ng hindi lumilingon sa akin na siyang ikinatigil ko.
Ano naman kung tinigil niya? Tss.
Kinabukasan dahil nga wala akong schedule buong araw sa BEN, ay ginawa ko na lang ang mga paper works na kailangan ko tapusin bago kami umalis mamayang gabi para sa Welcome Party ng school sa amin, ayaw ko na sanang sumama, pero dahil pinilit ako nila Alexa, wala akong choice, mabuti na rin daw yon at maka pag relax ako kahit papaano sabi ni Mama ng nagpaalam ako sa kanya kagabi.
"Nandiyan na si Sir."pukaw ng mga estudyante ko sa iniisip ko na ikinatingin ko sa pintuan.
"Good morning everyone."bati ni Lecster sa kanila sabay tingin nilang lahat sa akin bago magsalita.
"Good morning daw Ma'am."ani nila na ikinatingin ko sa kanila ng seryoso na ikinangiti ni Lecster.
"Okay, hayaan niyo na si Ma'am, mukhang bad mood, anyways ready na ba kayo?"
"Sir, bad mood, lambingin mo na lang po, baka, maging okay pa."biglang sabi ni Jaspher Isa sa mga students ko na ikinatawa ng mga kaklase niya.
"Later everyone, ako ang bahala."sagot ni Lecster na mas lalong ikinangisi ng mga bata na siyang ikinataas ng kilay ko sa kanya.
Seriously? Sakyan ba naman ang mga bata?
"Anyways for our lesson today, before we start I just want to ask anyone from the class. Dahil arts nga ang topic natin ngayon, para sa inyo kaya ba ng Isang tao ipalabas ang totoo nilang nararamdaman gamit ng arts?"
"Sir!"
"Yes, Maine?
"Yes Sir, katulad na lang ng writing arts din naman po yan diba?"tanong ni Maine sa kanya sabay tango nito. "Gamit ng pagsusulat puwede natin ilabas ang totoo natin na nararamdaman para sa tao, like kung gaano natin sila ka gusto at kung gaano sila ka halaga sa atin."
"That's good answer Maine, good job."
"Sino pa? Anyone?"
"Sir!"
"Yes, Dan?"
"Hindi po 'to sagot Sir, pero puwede po mag tanong?"
"Of course, puwede? Ano yon?"
"You po, as a man, paano niyo po ipapaalam sa Isang tao ang nararamdaman niyo. I am asking this po kasi kayo po ang nasa tamang edad na, at puwede niyo po kaming maturuan sa tulong ng karanasan niyo."
"Okay, I understand the point, at maganda ang tanong mo. So to answer your question Dan, isa lang ang gagawin ko, ipapakita ko sa kanya na dapat ako lang, kasi kaya kong iwan lahat ng nakasanayan ko para sa kanya, kaya kong gawin lahat para sa kanya, at higit sa lahat ipagdadamot ko siya sa iba dahil ipaparamdam ko sa kanya na nandito ako kaya dapat ako lang."sagot niya na ikinatili ng mga students ko na siyang ikinakabog naman ng puso ko ng mabilis para itong nasa karera sa sobrang bilis.
Hindi ko alam kung assuming lang ba ako, o, talagang bulag na ako, para masabi na habang sinasabi ni Lecster ang mga katagang yon ay seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko na para bang sinasabi niya na para sa akin yon.
What the?! Anong ginagawa mo sa akin Rigor!
Ito talagang pagiging Professional Tambay ko ang dahilan kung bakit ako active sa pag uupdate, tsaka sayang ang idea sa utak ko, anyways good evening sa lahat sana makahanap na ako ng trabaho, dahil nakakapagod na maging tambay with a degree.
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...