Kabanata 36

680 21 6
                                    

Kabanata 36

"Magiging maayos din ang lahat, maraming naghihintay sayo, maraming naniniwala sayo.

Sa ilang taon na nasa Amerika ako, isa lang 'to sa palaging sinasabi ng Doctor ko. Maniwala at Magtiwala. Dahil may pag-asa pa at maraming taong nagmamahal sa akin na naghihintay sa muling pagbalik ko.

At hindi ko inakala na dadating din ang araw na 'to. Araw ng pagbabalik ko. Marami na ang nagbago sa Malaybalay, yan ang unang nakita ko pagbaba na pagbaba namin ng sasakyan. Sa apat na taon na nawala ako, hindi ko na inaasahan na makakabalik pa ako dito, sa lugar kung saan nagsimula ang lahat ang lugar na akala ko kailanman hindi na muling matatapakan ng mga paa ko. Pero totoo nga siguro talaga ang kasabihan na kung nakatadhanang mangyari, mangyayari at mangyayari yan, kahit ayaw mo pa at gusto mo pang pigilan.

"Tita, Kuya. Rest assured na maayos po ang mga pintuan na nandito, at may iniwan din po akong security sa labas, if ever na may taong umaaligid dito."Saad ni Eros sa amin pag dating namin sa Penthouse niya.

"Eros, maraming salamat. Noon pa man, ikaw na talaga ang tumutulong sa amin."sagot sa kanya ni Mama na ikinangiti niya.

"Tita, like what I said before, wag niyo na po isipin yon, kaibigan ko po si Amerie at parang anak ko na rin po si Sophie kaya wala pong problema.", Aniya sabay tingin niya kay Sophie na ngayon ay natutulog habang karga ni Kuya.

"Thanks Eros, bukas na lang tayo magkita para pumunta sa Pulis, I think may pupuntahan pa kayo ni Julia."Saad naman ni Kuya sa kanya na ikinatingin ni Eros sa akin.

"Samahan mo 'ko, pupunta akong boutique."

Halata ang gulat sa mata niya. Pero ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon sabay labas namin ng sabay sa Penthouse.

"Seriously? Ngayon na talaga maghahanap ng damit? Hindi ba puwedeng sa susunod na araw na yan Amerie?!"tanong niya sa akin pagsakay namin ng sasakyan niya.

"Busy ako, tsaka gusto ko ako mismo ang pumili ng damit, baka kung ikaw pumili, maging katawa- tawa lang ako sa kasal ni Ma'am Joy."Sagot ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "Really huh? Wala kang tiwala sa magiging date mo? O, baka gusto mo lang makabalita sa ex mo?"

"What ever Eros, I know may girlfriend na siya at isa pa move on na ako. Okay?" Sarcastic kong sagot sa kanya na ikinangisi lang ng mokong.

"Okay, sabi mo eh." Sagot niya na lang sabay paandar niya ng sasakyan niya.

"Magkaibigan pa naman kayo hanggang ngayon diba?"bigla kong tanong sa kanya na ikinatingin niya sa akin.

He smiled sabay tango niya sa akin.

"Kaibigan ko pa rin siya, don't worry."Aniya.

I nodded.

"Silly, wag mo na isipin yon, yes, nagkasagutan at nagkagalit kami ng mga panahon na nasa Amerika ka na, kasi nagpapaniwala na siya sa sinasabi ng iba tungkol sayo, pero hindi ibig sabihin no'n na tinigil ko na ang pagkakaibigan namin, I know, I believe, balang araw pagsisisihan niya rin yong mga bagay na nasabi niya tungkol sayo."

Pagkatapos sabihin yon ni Eros ay nagpatuloy na siya sa pag drive, kaya hindi ko na siya ginambala hanggang makarating kami sa boutique.

"Anong kulay ng susuutin mo?"taka kong tanong sa kanya pagpasok namin sa loob. Akmang sasagot na sana siya ng biglang nag ring ang phone niya kaya sinagot niya muna ito habang nagpatuloy pa din ako sa pag pili ng dress ng bigla kong narinig ang pangalan ng taong kaytagal ko ng hindi nakita sa kausap ni Eros.

"Yeah, I guess so? Baka si Glaiza kasama ni Lecster."biglang sabi ni Eros na ikinatahimik ko.

So, si Glaiza ang girlfriend niya? Good for them!

"Nah, maybe, hindi na ako pumunta diyan, I am busy right now. Yes, with my date sa wedding ni Ma'am."Saad ulit ni Eros na nagpatingin sa akin sa kanya na ngayon ay nakatingin din sa akin.

"Don't worry bro, makikilala niyo rin siya, wag muna ngayon, busy pa kami. Bye."

Pagkatapos makipag usap ni Eros agad siyang lumapit sa akin ng nakangiti.

"Si Jericho, tinatanong kung kasama ko ba daw ngayon si Lecster."Aniya sabay iwas ko ng tingin sa kanya.

"Wala akong pakialam, hindi kita tinatanong."Mataray na sagot ko sa kanya sabay patuloy ko sa paghahanap ng damit ng biglang bumukas ang pinto ng boutique kung saan pumasok ang isang lalaki na hindi ko inaasahan na muling makita. Halata ang gulat sa mata niya ng nakita niya ako samantalang kaba at takot naman ang nararamdaman ko ngayon. Bakit ba ako natatakot? Wala akong kasalanan, kaya bakit ako kinakabahan?

"Amerie."sambit niya sa pangalan ko.

"Von."

Agad naman siyang lumakad palapit sa akin, ng biglang humarang si Eros sa gitna namin.

"So, all this time? Alam mo kung nasaan siya?"Von asked coldly.

Kalmado naman siyang tiningnan ni Eros bago sumagot.

"Mind your own business Von."sagot ni Eros sa kanya.

"Mind? Pinsan ko ang niloko niya, tapos Mind my own Eros? Seriously? Ikaw, kaibigan mo ang pinsan ko, then, girlfriend mo ang kapatid ng pinsan ko.  Tapos itong cheater na 'to ang kakampihan mo? O baka Ikaw ang pinalit niya kay Lecster? Tell me, Are you a Third Party Eros?! Kaya, ba parang ang dali sa'yo kalimutan si Yef ha?!"seryosong tanong ni Von kay Eros.

Okay lang na ako 'yong sabihan niya ng masama. Pero, para kwestyunin niya ang pagmamahal ni Eros sa girlfriend nito. Naririndi ako. hindi niya alam, kung ano ang pinagdaanan ni Eros., para pagdudahan niya/nila.

I took a deep breath.

"You know what? Von, I respect you, I really do, pero puwede ba? Stop meddling, wala kang alam, isipin mo na kung anong gusto mong isipin. Pero ito lang ang masasabi ko. I never cheated to your cousin." Huminto muna ako sa pagsasalita sabay tingin sa soot niya na Uniform. "Pulis ka na man pala,diba? Sa pagkakaalam ko, ang Pulis, marunong makinig sa dalawang panig at marunong ka din dapat maghanap ng totoong ebidensiya sa inaakusa mo sa akin, hindi yong one sided ka lang, kung sino yong nandito yun na agad ang pakikinggan mo. Hindi mo pa alam ang kuwento ko. Hindi mo pa naririnig ang side ko. So be fair, pero if para sayo nag cheat ako, fine, believe that, I don't care, hindi ko na kailangan magpaliwanag sayo, hindi ka si Lecster at isa pa, kung sa marites mo lang naman nakalap ang impormasyon na yan, aba! You are not deserving to be called Police Officer." Putol ko sa sasabihin ni Eros na ikinatigil niya.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko, at alam kong na offend ko siya sa mga salitang binitiwan ko. Pero wala akong pakialam. Nasaktan din ako sa sinabi niya kaya patas lang.

Umigting ang panga niya sabay seryoso niya ng tingin sa akin.

I smiled.

"Wala akong kabit! Pero if kasalanan na pala na piliin yong taong pinakamamahal ko sa pag alis ko noon, sa kadahilanan na alam kong hindi ako matatanggap ng pinsan mo oras na makilala niya ang buhay ko. Edi, I admit, I'm guilty Mr. Officer." Wika ko sa kanya bago tuluyan humarap sa sales lady ng boutique.

"Babalik na lang ako bukas, nawalan na ako ng gana ngayon, thank you Miss."

"Amerie."tawag ni Eros sa akin paglabas namin ng boutique. Ngiti naman akong humarap sa kanya.

"So, I am a cheater now?"

"Jul...."

"Grabe naman pala ako Eros 'no. Anyway it's really good to be back. Welcome Back to me, Welcome back cheater Amerie! Welcome home!"

May spoiled na rin ako sa magiging work ni Von. Hehe. Pero ayaw kong I ispoiled yong relationship status niya HAHAHA. Anyway. Ito na talaga. Abangan niyo sa kasal. Kasi. Basta...... Happy reading....

Hart Moon

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon