Kabanata 2

1K 24 1
                                    

Unang araw na ng Internship namin, at katulad ng nakasanayan namin ni Alexa sabay kaming pumunta sa BEN, dahil kami lang dalawa ang magkalapit ng bahay, mas maaga sa nakasanayan kami pumunta sa BEN, 6:15am nandito na kami agad, dahil sa shifting lang ang pasok ng mga estudyante dito.

"Napasa na kaya ang letter natin?"biglang tanong ni Alexa dito sa tabi ko.

"Baka."sagot ko na lang sa kanya.

"Tss, mga feeling kasi, sana nga talaga pinasa na nila, tutal sila naman ang nag volunteer na magpasa dito kasi kung wala pa, kakalbuhin ko talaga ang Glaiza na yon tss."Aniya na ikinangiti ko na lang sa kanya, magsasalita pa sana siya ng biglang nagsaditingan na ang Science at English Major kasama ng nag iisang Math Maior na naassign dito sa BEN.

"Kanina pa kayo?"takang tanong ni Ate Cherry sa amin.

"Medyo, yong iba nakita niyo na?"sagot ni Alexa sa kanya.

"Wala na naman? Malamang late na naman yon, sila pa naman nag volunteer sa letter, napasa na kaya nila?"tanong naman ni Ate Janice.

"Napasa na nila yon, for sure, siyempre sila nag volunteer mahirap naman kung hindi nila ipasa."saad naman ni Ate Recel sabay tango ko na lang.

Ilang minuto pa kaming naghintay ng bigla ng dumating si Mary Ann kasabay ng mga Values Major maliban sa Mapeh na hanggang ngayon wala pa. For God sake, hindi ba nila alam ang salitang Time is Gold, lalo na yong Glaiza na yon, akala ko mo kung sinong maganda mas late naman.

"Good morning mga Ma'am!"bati ng Values Major sa amin lahat sabay ngiti namin sa kanila.

"Kayo pa? Nasaan ang Mapeh?"takang tanong ni Alexa sa kanila.

"Hindi rin namin alam, si Ma'am Mary Ann lang ang nakasabay namin sa gate kanina."sagot ng babae na bumati sa amin kanina.

Naghintay pa kami ng mga ilang minuto hanggang dumating na ang mga Mapeh Majors ng sabay sabay.

"Tss, feeling importante rin e."bulong ni Alexa dito sa tabi ko na ikinatingin ko sa kanya.

"Shh, hayaan mo na baka traffic."

"Traffic? Tss, lumang style."Aniya na ikinatahimik ko na lang.

"Sorry, medyo traffic lang."saad ni Lecster sa amin sabay tango nila ate Cherry habang ako tahimik lang na nakatingin sa kanilang lahat, pero mukhang namamalikmata ulit ako dahil tingin ko ang tingin ng mga mata ni Lecster ay wala sa amin lahat, dahil sa nakikita ko ngayon sa akin lang siya nakatingin, pero tulad nga ng sinabi ko, namamalikmata lang siya, dahil bakit niya naman ako titingnan? Sino ba naman ako diba?


Ayos ka lang merie?"takang tanong ni Mary Ann sa akin na ikinatingin ko sa kanya.

"Ah, oo, tara na, para hindi tayo ma late."sagot ko na lang sa kanya sabay lakad papasok ng Ben.

Pagdating namin sa Principal agad niya kaming kinausap sa mga dapat namin sundin at gawin, pati na din sa mga bagay na hindi namin puwede gawin at pagkatapos sinurrender niya na kami sa mga Master Teachers ng bawat subject kaya ito kami ngayon maghihiwalay hiwalay na.

"So, kita na lang tayo sa lunch later?" Ate Cherry asked na ikinatingin ng lahat sa kanya.

"No problem sa amin, sa Inyo?"takang tanong ni Ate Recel sa mga Values at Major Subject.

"Kung okay sa inyo, okay din sa amin."sagot ni Lecster sabay tingin niya ulit sa akin na pinagtaka ko. Bakit ako na naman ang tinitingnan nito? E, hindi naman ako yong nag Yaya sa kanila.

"You okay Juls?"tanong ni Alexa sa akin.

"Oo."

"Sigurado ka? Sumasakit na naman ba yang mata mo?"takang tanong niya na mukhang ikinagulat ng mga kasama namin.

"Mata? Bakit?"tanong ni Shayra.

"Ah, wala color blind lang ako."sagot ko sa kanya sabay tango nila.

Ilang minuto pa kaming nag kuwentuhan hanggang sa dumating na ang mga Master Teachers kung saan inaasign na kami sa mga Grades namin at ako doon talaga na assign sa fourth floor na ayaw ko, pero no choice ako dahil bawal tumanggi at hindi puwede tumanggi.

Pinakilala ako ng Cooperating ko sa Grade 8 Melon na si Ma'am Marny Ballos sa mga bata hanggang isa isa ng dumating ang mga subjects nila, napagalitan pa sila ni Ma'am Leigh ang Master Teacher sa English dahil sa ingay nila. Pagkatapos ng kanilang English ay ang pagdating ng kanilang Mapeh na ikinagulat ko dahil kasama si Lecster ng Teacher nilang babae.

Sa dami nila siya pa talaga na assign dito, seriously?

"Good morning everyone."bati ng Teacher nila sa kanila agad nila itong binati pabalik sabay tingin nila kay Lecster ng nagtataka kaya agad ngumiti si Ma'am sa kanila.

"Anyways bago tayo mag simula let me introduce to you your Student Teacher for 4 months.  He is Lecster Jade Rigor. I hope na galangin niyo siya katulad ng pag respeto niyo sa akin naiintindihan?"

"Yes Ma'am."

"Then good, sige for now, iiwan ko muna si Sir Jade sa inyo para makilala niyo ang isa't isa."rinig kong paalam ng Teacher nila sa kanila.

"Good morning class, ngayong napakilala na ako ni Ma'am Cristy sa inyo. Baka may gusto kayong itanong sa akin o malaman tungkol sa akin? Na puwedeng makatulong sa inyo sa mga panahon na kasama niyo ako you can ask now."

"Sir!"tawag ng Isang student ko sa kanya sabay ngiti niya dito.

"Yes?"

"Single ka po?"tanong ng student ko sa kanya na halatang ikinagulat niya.

"Maybe yes, maybe not."sagot niya na ikinagulat ko.

Puwede ba yon? Puwedeng single siya, puwedeng hindi?

"What do you mean Sir? Tanong din ng Isang student ko.

"What I mean is, single ako, dahil hindi pa ako committed sa isang tao, pero may tao ng naka kuha ng atensyon ko."sagot niya na ikinatigil ko.

"So Sir, posible niyo pong ligan yon?"tanong ulit ng Isang student kong lalaki.

"Depende, kung papayag siya."nakangiting sagot niya dito habang ang mga mata niya ay nakatingin sa akin.

Totoo ba 'tong nakikita ko? O namamalikmata lang ako?

"Anyways, sa Mapeh, sa akin, as a teacher wala na kayong tanong?"tanong niya ulit sa klase sabay tango ng mga bata.

"Okay, so puwede na tayo mag start?"

"Wait lang Sir, may tanong lang po ako last. School mate niyo po si Ma'am Julia?"tanong ng President nila sabay tingin ng lahat sa akin kaya agad akong ngumiti sa kanila.

"Yes."

"E, Ikaw Ma'am? May boyfriend ka na po?"biglang tanong ng Isang student ko na babae sa akin sabay tingin ko sa kanya habang nakangiti.

"Wala, at wala na akong balak pa."sagot ko sa kanya sabay iling niya.

"Sayang Ma'am, bagay pa naman kayo ni Sir Lecster."Aniya na ikinatigil ko sabay tingin ko kay Lecster na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.

What the heck?! Kailan pa kami naging bagay, e tao kami?!

Sa bagay tama nga naman si Amarie, tao nga naman sila. Good morning everyone here's my another update, sana mamaya o bukas ulit enjoy reading.

Hart Moon

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon