Lumaki akong si Kuya at Mama lang ang nakasama kaya masasabi ko talaga na I already experience the worst in my life. Yong tipong araw-araw problema ko kung saan ako kukuha ng baon, kung saan ako kukuha ng pamasahe para sa school kung anong uulamin ko sa tanghali, kung saan ako kukuha ng pambayad sa mga school fees. Minsan sumagi na rin sa isip ko na sumuko sa buhay dahil pakiramdam ko, wala akong karapatan maging masaya, wala akong karapatan tuparin ang mga pangarap kong imposibleng maabot ko dahil sa hindi kaya ng pamilya ko tulungan akong tuparin ito.
"
Tapos na klase mo?"gising ni Alexa sa imahinasyon ko na ikinatingin ko sa kanya.
"Yup, nandiyan na si Mary Ann? Kain na tayo."
"Sabay sabay daw sila ni Ate Cherry pupunta dito, ikaw bibili ka pa ng ulam?"tanong niya sabay iling ko.
"Hindi na, may baon naman akong hotdog."sagot ko sa kanya sabay iling niya.
"Ilan?"
"Isa."
"Tss, anong gusto mo? Ako na lang bibili."tanong niya sabay iling ko.
"Wag na, tsaka kaunti lang naman kanin ko."sagot ko sa kanya akmang sasagot pa sana siya ng Isang boses ang sumingit sa usapan namin.
"Nandiyan na sila?"tanong ni Lecster kasama ng mga ka Major niya at ng Values.
"Wala pa, dito rin kayo kakain?"tanong sa kanya ni Alexa.
"Tss, kung kami lang, hindi kami dito kakain."rinig kong sagot ni Glaiza sasagot na sana sa kanya si Alexa ng unahan ko 'to sa pagsagot.
"Edi sana, hindi na kayo pumunta dito, wala naman pumipilit sa inyo na sumabay sa amin."Saad ko sa kanya n ikinataas ng kilay niya.
"What the?!"
"Glai stop!"pigil sa kanya ni Lecster na ikinatahimik niya na lang.
Ilang minuto pa kaming naghintay lahat hanggang dumating na ang iba sa amin.
"Let's eat na."Saad ni Ate Cherry sabay tango namin.
"So, kumusta first day everyone?"tanong ni Ate Recel sabay ngiti namin lahat Isa Isa sumagot ang mga kasama ko samantalang tahimik lang akong kumakain.
"Juls, are you okay?"tanong ni Shayra sa akin sabay tango ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya ng biglang dumating ang principal na nagpatigil sa pag uusap namin lahat.
"Good afternoon everyone, happy eating." Bati ng Principal ng Ben sa amin.
"Good afternoon Ma'am."sagot namin sa kanya habang nakangiti.
"Continue eating okay, nandito lang ako para I announce that this coming Saturday to Sunday is the welcome party ng School para sa inyong mga intern sa CDO Opol beach resort kaya inaasahan namin na makasama kayo lahat, yes, hindi siya compulsory, pero gusto namin na nandoon kayo lahat kasi para sa inyo ang magaganap na party."Aniya na ikinatigil ko sa pagkain.
"So, may kailangan po ba kaming ihanda na money Ma'am?"Ate Cherry asked.
"Sa entrance, sa hotel, all set wala na kayong dapat isipin, pang allowance niyo na lang."sagot niya na ikinangiti nilang lahat.
"Sasali ka?"takang tanong ni Alexa sa amin habang papalabas kami ng campus nauna na kaming nag out sa mga kasama namin dahil medyo malayo layo pa ang uuwian namin na siyang naintindihan naman nila ng nagpaalam kami sa kanila.
"Depende."sagot ko na lang sa kanya.
"Uuwi kana?"tanong niya ulit sabay iling ko.
"Mauna ka na lang lex, may pupuntahan lang ako saglit."sagot ko sa kanya.
"Sure ka? Okay ka lang talaga?"paninigurado niya sabay ngiti ko.
"Don't worry okay lang, may bibilihin lang talaga ako."saad ko sa kanya sabay tango niya.
Nang nakasakay na si Alexa ay doon naman ako sumakay ng single motor patungo sa Lugar na pupuntahan ko.
"O, Julia, napaaga ka ata ngayon?"salubong ni Nanay Senyang sa akin sabay ngiti ko.
"Napaaga lang po ng labas sa school Nay, sige po, kukunin ko lang po yong walis at duspan ko."paalam ko sa kanya sabay ngiti niya.
"Sige, hintayin na lang kita dito sa labas."Aniya na ikinangiti ko.
Sampung minuto din ang nilakad namin ni Nanay papunta sa barangay ng Maamo para mag walis ng biglang huminto si Nanay sa pagwawalis sabay tingin niya sa akin na pinagtaka ko.
"Bakit po?"
"Ikaw ba, siguradong ipagpapatuloy mo pa rin ang trabaho mo dito? Tumutulong ka din sa lugawan tuwing 4 ng hapon, hindi ka ba napapagod?"tanong niya sa akin sabay ngiti ko.
"Wala pong salitang pagod sa taong may pangarap Nay. Tsaka may binubuhay po ako, kaya hindi po ako puwede sumuko."sagot ko sa kanya.
"Pero, nandiyan naman ang Kuya at Mama mo, alam na ba nila tong ginagawa mo?"
"Hindi po, tsaka hindi na po nila dapat malaman, ayaw ko naman po iasa sa kanila lahat Nay."
"Hays, ka talagang bata ka, sige na tama na yan, Tara na sa lugawan para maaga kang maka uwi."Aniya sabay ngiti ko.
Pagkatapos namin mag walis ni Nanay sa Barangay ay agad na kaming dumeritso sa lugawan ng anak niya ni Ate Marie para tumulong.
"Ate, ako na po diyan."Saad ko kay ate sabay kuha ko sana sa kanya ng sandok ng hindi niya ito binigay sa akin.
"Ako na lang dito Jul, doon ka na lang muna sa mga customers na bagong dating, kunin mo na lang kung anong order nila."Aniya sabay turo niya sa dalawang lalaki na naka upo.
"Sige po."sagot ko sa kanya sabay lapit sa dalawang lalaki pero mali ata ang paglapit ko sa kanila dahil Isang pamilyar na tao ang aking nakita.
"Lecster!"
"Ms."pukaw ng katabi ni Lecster sa akin sabay tingin ko sa kanila.
"Ah, yes Sir, sorry, ano pong order niyo?"takang tanong ko sa kanila habang hawak hawak ang papel na susulutan ko ng order nila kinakabahan ako ngayon, lalo na at ramdam ko ang tingin ni Lecster na halatang nagtataka pero hindi ko yon pinahalata sa kanila.
Ano ba kasing ginagawa niya dito? Diba mayaman siya?
"Yon lang po ba lahat Sir?"tanong ko sa kasama niya pagkatapos niyang sabihin ang order nila.
"Yes, that's all."
"Okay sir, pahintay na lang po."sagot ko sa kanya sabay alis ko sa harap nila.
Pagpasok ko sa kusina ay doon lang ako huminga ng maayos dahil kanina habang nasa harap ako ni Lecster kulang na lang tawagin ko ang Hari ng lupa para hilingin na kainin niya na lang ako dahil sa sobrang kaba ko. Natapos na ang ship ko sa lugawan ni ate Marie at akmang sasakay na ako ng motor ng biglang may pumigil sa kamay ko na ikinagulat ko.
"Ikaw."
"Sumabay kana sa akin."Aniya sabay iling ko.
"Wag na, marunong akong mag commute."sagot ko sa kanya.
"Sige na, itago mo na lang yang pamasahe mo, para..."
"Tss, bingi ka ba? Sabi ko, wag na at please kung naawa ka sa akin pagkatapos mong malaman ang trabaho ko dito, wag, dahil hindi ko kailangan ng awa ng kahit sino, kaya ko."seryosong saad ko sa kanya na ikinatigil niya agad niya naman nabitawan ang kamay ko na hawak niya kaya agad agad akong sumakay sa motor na kanina pa naghihintay sa akin.
Alam kong nagulat siya sa inasta ko sa kanya kanina, pero kung kinakaawawaan niya lang ako kaya gusto niya akong tulungan kanina, pwes hinding hindi ko kakailanganin ng tulong niya. Kahit kailan.
Same Julia, ayaw ko din na kinakawawaan ako, pero ano sa tingin niyo nasa isip ni Jade ngayon? Any reaction? Anyways happy reading. Xoxo.
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...