Kabanata 37
Gusto ko sanang umatras sa pagpunta sa kasal ni Ma'am Joy ngayon na gaganapin dito sa Camaguin, ang kaso wala na akong kawala lalo na at nagdala si Eros ng masusuot ko sa kasal pati na din sa reception, pagsundo niya sa akin kahapon ng gabi, pagkatapos nila Kuya pumunta sa Police.
"Are you ready?"tanong niya sa akin.
Kadadating lang namin ngayon dito sa Camaguin, at mamayang hapon na ang kasal ni Ma'am Joy, pero ito ako sobrang kinakabahan. Tama ba na pumunta ako dito?
"Tss, sabi ko naman kasi sayo, hindi na ako sasama."sagot ko sa kanya pagbaba namin ng sasakyan. Seryoso niya naman akong tiningnan bago sumagot.
"So what? Magpapadala ka na lang sa sinasabi ni Von? Edi, parang pinatunayan mo din na cheater ka."Aniya.
I smiled.
"Every choice, every action has consequences. Eros ." Sagot ko sa kanya sabay hawak niya sa kamay ko na ikinatigil ko.
"But, you have no choice, nandito na tayo, at kanina ka pa hinihintay ng mga kaibigan mo."sagot niya sabay lakad namin papasok sa resort kung saan nandoon na kanina pa ang Ibang bisita pati na din sila Ma'am.
Wala na akong choice, tama si Eros, wala akong kasalanan kaya dapat hindi ako nakaramdam ng ganito. Pero hindi ko maiwasan, hindi ko mapigilan lalo na at alam kong sa araw na 'to, makikita ko na ulit siya.
"Amerie......"sigaw ni Alexa sa akin pagpasok namin sa resort.
Agad-agad naman napatingin sa'min sila Ate Cherry at iba pa na ngayon ay nandito din sa entrance.
"Gaga! Kanina pa kami dito, bakit ngayon ka lang?"takang tanong ni Alexa sa akin paglapit niya sa amin ni Eros.
"Traffic."walang gana kong sagot sa kanya.
"Amerie, buti naman nakabalik kana. How's Amerika?"tanong naman ni Ate Cherry.
"Amerika pa din po."nakangiting sagot ko sa kanya na ikinatawa nila Shayra.
"Akala namin matatagalan pa, bago ka makabalik."Saad naman ni Ate Recel.
"Hindi...."
"Gusto na kasi niyang magpakasal Ma'am kaya gano'n."biglang putol ni Eros sa sasabihin ko kay Ate Recel. Halata naman na nagulat sila Ate sa sagot ni Eros kaya agad kong pinalo si Eros sa braso niya na ikinangiti lang ng loko.
"Aray! Harassment yan huh."angal niya.
Kumunot ang noo ko. "Sino ba kasing nagsabi sayo na gusto kong magpakasal? Kanino?" Mataray kong tanong ko sa kanya sabay lapit ng labi niya sa tenga ko para bumulong.
"Sa akin."
"Baliw!"sagot ko sa kanya ng nakangiti sabay turo niya sa isang lalaki na ngayon ay malamig na nakatingin sa gawi namin. Kasama niya si Glaiza na ngayon ay nakahawak sa balikat niya.
Matalim ang mga titig niya na ngayon ay naka sentro sa amin, halatang nagulat siya na nandito ako. Pero ngumiti na lang ako sa kanya sabay tingin ko ulit sa mga kaibigan ko. Hindi ako puwede magpadala sa kanya.
"Ases, don't tell me, kayo na?"tanong ni Shayra na ikinatingin ko sa kanya.
"Hindi ah."
"Mas bagay kayo, at mas tanggap niya si Sophie Juls ."Ani naman ni Ate Janice.
I smiled. Sabay tingin ko kay Eros na ngayon ay nakangiting nakatingin din sa akin na mas lalong ikinatuwa ng mga kaibigan ko.
"O, tsa, pumunta na kayo sa magiging room niyo."Ani ni ate Jane. Akmang sasagot na sana sa kanya si Eros ng biglang Isang boses ng lalaki ang sumingit sa usapan namin.
"So, you're back?!" Malamig na tinig niya. Kitang-kita sa mga mata ng mga taong nakapalibot sa amin ang gulat at tila walang pakialam si Lecster do'n. Dahil ang mga mata niya ay nanatili pa din na nakatingin sa akin. Galit. Yan ang nararamdaman ko ngayon sa mga titig niya. Pero hindi ako puwede magpatalo ngayon, ayaw kong matalo sa kanya.
"Yes."I said coldly.
Seryoso naman siyang tumitig sa akin sabay tingin niya kay Eros.
"At alam mo 'to?! Don't tell me, alam mo kung saan siya all this time?!" Tanong nito.
Umigting naman ang panga ni Eros bago seryoso din na nakipagtitigan sa kaibigan niya.
"She's my date bro. So yes, absolutely yes." Aniya.
"Tss, ni hindi mo man lang sinabi sa akin?!"Galit na tanong ni Lecster dahil sa sagot ni Eros. Kaya bago pa sumagot si Eros ay inunahan ko na siya.
"Ginawa niya lang ang gusto ko, wala siyang kinalaman sa pag alis ko. Kung yan ang gusto mong marinig? Now? Puwede na ba kaming umalis?"tanong ko sa kanya sabay tingin ko sa mga taong nakatingin na sa amin ngayon.
"Unbelievable!"Aniya habang taas kilay na nakatingin sa akin.
I smiled sabay lakad ko palayo sa kanya. Sumunod naman ang mga kaibigan ko sa akin pati na din si Eros na dala ang mga gamit ko. Pero bago pa ako makapasok ng tuluyan isang maarteng babae na ang humarang sa daan ko.
"So, you're here huh. The cheater, anong plano mo?"
I smiled. "I have no plans Glaiza, don't worry. If takot kang maagaw sayo ang boyfriend mo. Don't worry, sayong-sayo na siya, hindi ako bumalik sa Pilipinas para sa kanya."Mataray na sagot ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo niya habang nakangiting nakatingin sa akin. "Good, then, wala tayong problema. Dahil sa akin na si Lecster, kaya wag ka ng umeksana."Aniya.
Inis na inis na ako. Halos mapudpod na ang ngipin ko sa inis na nararamdaman ko ngayon. At mukhang naramdaman naman yon nila Alexa dahil agad silang tumabi sa akin pati na rin si Eros na ngayon ay hinawakan ang kamay ko para pakalmahin.
"Glai, stop, wala siya dito para manggulo sa inyo, she's here with me, she's my date."Saad ni Eros sa kanya sa kalmadong tono.
"Oh my God, bagay, tutal alam mo naman about sa pagiging single Mom niya right? Pero seriously Eros? Sa low class talaga?" Mataray na tanong nito. Akmang sasagot pa sana si Eros ng unahan ko na siya.
"Being a Single Mom is not bad, alam mo bakit? Atleast nabubuhay ko ang anak ko, napapakain sa tatlong araw at nakakatulog sa malambot na kama. At isa pa, umalis na ako diba? Lumayo na ako, boyfriend mo na siya right? So why? Bakit ka ganyan Glaiza? Tell me, are you afraid?! Takot ka ba na malaman na mahal pa rin ako ng boyfriend mo?!"Tanong ko sa kanya na halatang ikinagulat niya pero tumawa lang siya na parang baliw. Tila sinasabi niya sa akin na mangarap na lang ako ng gising.
"Seryoso? Itatanong mo yan? Sorry to disappoint you, you cheated to him, kaya wag ka na mag expect na mahal ka pa niya kasi hindi na, get that? Hindi ka na niya mahal. Hindi na." Sagot niya.
I smiled. "So, there's nothing to worry about dear. Okay? Dahil same lang, patas lang. Hindi ko na rin siya Mahal." I said bago tuluyan lumakad palayo sa kanya.
Ang bigat ng puso ko pagkatapos kong sabihin yon sa kanya, dahil alam ko sa sarili ko, alam ko sa sarili ko, na mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Kahit alam kong ayaw niya na sa akin. Mahal ko pa rin si Lecster hanggang ngayon.
Ang cold ni Lecster, bakit naman gano'n man? HAHAHAHA....Abangan niyo sa Kabanata 38 kasi, secret at sa Kabanata 39. Kasi basta... Happy reading. Good morning.
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...