Kabanata 32I don't know what to feel right now, nanginginig ako, natatakot. I text Lecster earlier na magkita kami ngayon sa Makbie, I want to tell him about my daughter now, tama sila Alexa at Eros, mas mabuting sa akin manggaling kesa kay Glaiza, kesa sa ibang tao. Bahala na kung anong maging kalabasan, bahala na kung matanggap niya ako o hindi basta sasabihin ko na sa kanya ang totoo. I love him, kaya ko 'to gagawin, sana nga lang pagkatapos nito, sana nga lang, matanggap at mahalin niya pa rin ako, kasi hindi ko na alam kung kakayanin ko pang mawala siya sa buhay ko. He gave me hope, siya ang naging pag-asa ko sa madilim kong mundo, dahil sa kanya, nagkaroon ako ng pag-asa na may taong magmamahal at tatanggap pa rin sa akin sa kabila ng mga nangyari sa nakaraan ko. He deserves to know the truth.
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo anak?"tanong ni Mama habang abala siya sa pag papainom ng gamot sa anak ko. Dalawang araw ng nilalagnat si Sophie at hindi namin alam kung bakit, kulang naman ang pera namin para dalhin siya sa hospital lalo na ngayon na wala pang sweldo si Kuya at ako.
"Ma, babalik ako agad, gusto ko lang talaga sabihin na sa kanya, bahala na kung anong maging resulta."sagot ko sa kanya.
She smiled.
"Hindi kita pagbabawalan kung buo na ang desisyon mo, basta lagi mong tandaan na, talikuran ka man ng buong mundo, may ako, kuya at anak ka na handa kang yakapin at tanggapin ng paulit- ulit ha, nandito lang kami para sayo."Aniya.
Tumango ako sabay upo ko sa tabi ni Sophie na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.
"Mama- Am-Am."Aniya sabay ngiti ko.
"Yes love, bibili si Mama, wait for me okay, babalik ako agad."
"Opo Am-Am."
Pagkatapos kong magpaalam kay Mama at Sophie agad na akong pumunta sa Makbie, sumakay na lang ako ng bao-bao para mapadali ang pag punta ko dito. Pagbaba na pagbaba ko ng bao- bao binalot ng kaba ang puso at isip ko, natatakot ako aaminin ko, pero kailangan kong lakasan ang loob ko, dahil pagkatapos nito ay babalik na ako sa Anak ko. Babalik na ako sa pamilya ko.
"Lecster, tanong ko lang."rinig kong boses ng Isang babae, mula sa gilid ng Isang sasakyan. Boses na kilalang kilala ko. Agad akong nagtago sa likod ng sasakyan para silipin kung tama ba ang hinala ko. At tama nga ang narinig ko si Lecster at Glaiza, magkausap, wag mong sabihin na sasabihin niya na?
"Glai, puwede mamaya na? Magkikita kami ni Amerie."sagot sa kanya ni Lecster sabay taas ng kilay ng babae.
"Wait lang kasi, promise sandali lang."pigil ni Glaiza kay Lecster ng akmang tatalikuran siya nito.
"Fine! What?"
"Magmamahal ka ba ng taong may anak na? Tapos tinago niya 'to sayo, na may anak siya, sinagot ka niya akala mo talaga single siya pero may anak na pala." seryosong tanong ni Glaiza kay Lecster na ikinagulat ko. Tila nagulat naman si Lecster dahil sa tanong ng babae, base sa kilos niya halatang hindi niya yun inaasahan.
"What do you mean?" Takang tanong ni Lecster.
"Sagutin mo na lang kasi, ano? Magmamahal ka ba ng taong niloloko ka lang in the first place?"
"No!" Sagot ni Lecster na nagpatigil sa akin.
Hindi, hindi niya ako kayang tanggapin, sa kanya na mismo nanggaling, hindi niya ako kayang tanggapin.
Ang sakit mong mahalin Lecster, sobrang sakit.
"So, hindi?" Ulit na tanong ni Glaiza.
"Hindi ko kayang magmahal ng taong niloloko ako___ Pe......"
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...