Kabanata 28
I still can't believe na kami na ni Lecster, oo, marami pa rin akong takot, marami pa rin akong pangamba, pero sa kabila ng lahat ng yun masaya ako, kasi alam kong mahal rin ako ng taong mahal ko.
Limang araw na lang kami dito sa BEN at nextweek ay balik Elton University na kami, kaya ngayon pa lang masasabi kong mamimiss ko talaga ang mga batang nakasama ko dito sa apat na buwan, masaya ako kasi tinanggap nila ako ng buong puso, masaya ako kasi nirespeto nila ako at masaya ako kasi marami sa kanila ang nagsisimula ng magsabi na mamimiss nila ako kung sakaling wala na ako dito next week.
"Anong ibibigay niyo sa mga bata?"tanong ko sa pinto kong mga kaibigan habang kumakain kami ng lunch dito sa ALS room.
"Ako, candy lang, kulang sa budget."sagot ni Ate Janice habang tumatawa.
"Me, maybe keychain na lang na may mga quotes."sagot naman ni Ate Recel.
"Ay! Lahi ra jud!( Iba talaga) yayamanin si Cherry eh. Sana lahat."nakangiting sabi ni Ate Recel na nagpangiti sa amin.
"Eh, ikaw Shy? Isa ka din ma effort diba?"tanong naman ni Ate Jane kay Shayra.
"Chocolates lang, yung tag 3 para mabigyan ko sila lahat."sagot ni Shayra.
"Ako rin, para walang magtampo."saad naman ni Mary Ann.
"Me 3. Pero with a twist mas marami makukuha yung makakasagot sa tanong ko."Ani naman ni Alexa.
"Eh, ikaw Juls?"takang tanong naman ni Shayra sa akin.
"Secret yan siyempre. Hindi niya nga sinabi agad sa atin na sila na ni Lecster eh."sagot ni Alexa na nagpatingin sa akin sa kanya.
"Hindi naman, sasabihin ko naman talaga."sagot ko sa kanya sabay ngiti nilang lahat.
"Pero Juls, ikaw ba talagang sure na sure na d'yan? Yung as in sure?"tanong ni Ate Cherry sabay tingin ko sa kanya.
I nodded while smiling at her.
"Edi, no problem, kung masaya ka naman, edi happy na rin kami."Aniya na nagpangiti sa akin.
"Yes, wag ka lang umiyak, dahil sa kanya, dahil baka masipa namin siya pina twerk."Saad naman ni Alexa na nagpangiti sa akin.
Akmang magsasalita pa sana si Mary Ann ng biglang Isang boses ng lalaki ang pumukaw sa atensyon namin.
"Good afternoon mga Ma'am."bati ni Lecster sa amin.
"Ayon! Sinundo na, sana all na lang talaga."nakangiting sabi ni Ate Recel habang nakatingin sa akin.
"Ah, hihiramin ko lang muna siya sa inyo ha."nakangiting paalam ni Lecster sa kanila sabay tango nilang pito.
Taka naman akong tumingin kay Lecster.
"Bakit? Anong meron?"tanong ko sa kanya.
He smiled. "You'll see later. Ano tara na?"
I nodded.
"Una na muna kami."paalam ko sa mga kaibigan ko sabay tango nilang lahat.
"Enjoy lovebirds, pasalubong lang amin."nakangiting sagot ni Ate Janice.
Paglabas namin ni Lecster agad niya akong inalalayan para makapasok sa passenger seat habang siya ay umikot para maka upo sa driver seat. Taka ko naman siyang tiningnan na nagpangiti lang sa mokong.
"Saan tayo? Wala ka naman sinabi na lakad natin ah?"tanong ko sa kanya.
"I'm sorry babe, si Tito Aries kasi, sinabi sa Mommy ko yung about sa atin, akala daw ni Tito nasabi ko na sa parents ko, kaya yun si Mommy, sinabihan ako na wag na wag daw ako uuwi sa bahay kung hindi kita madadala doon ngayon."Aniya na nagpahinto sa akin.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...