Kabanata 39
Hindi ko alam kung ilang araw akong nakatulog pagkatapos ng gabi na yon, hindi na din ako nagtanong sa kanila Mama kahit kay Eros. Wala akong lakas at aaminin ko, nasasaktan ako, ang sakit marinig mismo sa kanya na wala siyang pakialam na sa akin, ang sakit sobrang sakit.
Nagising ako nasa bahay na ako, ang sabi lang nila Mama hinatid ako ni Eros, kaya hindi na ako nag tanong ng kung ano-ano pa, dahil ayaw ko ng humaba pa ang usapan. Mas masasaktan lang lalo ako.
"Mama. Let's eat na po, nag luto si Tito."salubong ng anak ko sa akin pagbaba ko.
I nodded. "Yes, love, but first, I want to ask you, are you ready for tomorrow? Mag eenroll na tayo sa School."Tanong ko sa kanya sabay yakap niya sa akin.
"Yes Mommy, school na po ako."masayang sagot niya na ikinangiti ko..
"Mamaya na yan, kain muna tayo."tawag sa amin ni Mama sabay punta namin ni Sophie sa dining.
"Tito."masayang bati ni Sophie kay Kuya Genesis.
"Come here baby, nag luto si Tito ng Spaghetti, favorite mo."Aniya na ikinatuwa ng anak ko.
Nag simula na kaming kumain ng biglang nagsalita si Kuya na ikinatingin ko sa kanya.
"Magpasama kayo kay Eros bukas."Aniya na pinagtaka ko.
"Kuya?"
"Nakatakas na naman ang demonyong yon Amerie. Mahirap na."sagot niya na ikinatigil ko.
Kailan ba ako lalayuan ng kamalasan? Nakakasawa na, nakakapagod na, ang sarap na lang maglaho.
"Who po Tito?" Inosenteng tanong ng anak ko kay Kuya.
He smiled. Sabay iling niya. "Nothing baby, wag mo na isipin yon, basta bukas, wag na wag ka lalayo kay Mommy okay."
My daughter nodded.
Natapos kami sa pagkain ng wala akong Ibang iniisip kundi ang sinabi ni Kuya. Nakatakas na naman siya? Pero bakit? Hanggang kailan ako matatakot at magtatago sa kanya? Ayaw ko na.
"Anak."pukaw ni Mama sa atensyon ko.
"Ma. Kayo po pala, si Sophie?"tanong ko sa kanya.
"Natutulog na, ikaw bakit nandito ka pa sa labas?"
I smiled. "Hindi po ako makatulog."
Agad naman hinawakan ni Mama ang kamay ko bago niya ako tuluyan niyakap.
"Alam kong hirap kana, alam kong pagod kana, pero sana wag na wag kang susuko huh, wag na wag kang susuko."Aniya.
I nodded.
"Hindi po, lahat gagawin ko para sa anak ko Ma, siya lang ang pinaka importanteng tao sa buhay ko ngayon. I will do anything and everything for her."
She nodded. "Proud ako sayo, single mom din ako katulad mo, pinalaki ko kayo ng Kuya mo na mag isa lang ako. Pero yong sakripisyo mo para sa anak mo, ibang-iba sa nagawa ko anak. Kinaya mo, at bilib ako sobra sayo."Aniya na nagpatulo ng luha ko.
Akmang sasagot pa sana ako sa kanya ng biglang may narinig kaming sigaw mula sa labas na ikinatigil ko.
"Lumabas ka diyan Amerie!"
"Sino yon?" Takang tanong ni Mama.
"Lecster."banggit ko sa pangalan ng lalaki na alam kong nasa labas ngayon. Kilala ko ang boses niya, at hindi ako puwedeng magkamali na siya yon.
"Sandali lang Ma."paalam ko kay Mama sabay punta ko sa labas kung saan nakita ko si Lecster na seryosong nakatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?!" Seryosong tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...
