Kabanata 29

1K 23 5
                                        


Kabanata 29

Life is beautiful, kahit gaano pa kapangit ang mga nangyayari sa buhay mo, dapat maging maganda pa rin ang kulay nito. Dapat magpasalamat ka pa rin para dito. At yan ang isang bagay na natutunan ko sa 22 years ko na nabubuhay sa mundong 'to. Ilang beses ko na ba sinubukan sumuko? Pero palagi pa rin akong nauuwi sa salitang isa pa, kaya pa, laban pa dahil kailangan ko pa na mabuhay, gusto ko pa na mabuhay.

"Mama. Am-Am."ani ng anak ko sa akin habang katawag ko siya sa Cellphone ngayong araw.

"Yes bb, dadalhan kita ng gusto mong friend chicken okay."Sagot ko sa kanya.

Nagtagal pa kami sa pag-uusap ni Sophie hanggang matapos ang duty ko sa lugawan nila Ate Marie. Kaya napagpasyahan kong sa Jollibee na lang bumili ng pasalubong ko sa anak ko, para maka daan na rin ako sa market at ng maka bili ng ulam namin bukas.

Dahil nga medyo malayo pa ang Jollibee sa Barangay Maamo ay sumakay na lang ako ng jeep hanggang makarating dito.

Pagbaba na pagbaba ko ay si Amellia at Lecster na mukhang nagtatalo ang sumalubong sa akin kaya agad ko silang linapitan. Anong ginagawa nila ngayon dito?

"Amellia."tawag ko sa bata sabay tingin nila sa akin ni Lecster dalawa.

"Ate Pretty."masayang bati niya sa akin sabay lapit niya papunta sa harap ko.

"Hi baby."

"Hello ate, ano po ginagawa niyo dito? Kakain kayo?"tanong niya sa akin.

"Babe, tapos kana sa duty mo?"tanong naman ni Lecster sa akin.

I nodded.

"Yeah."sagot ko na lang sa kanya sabay tingin ko ulit kay Amellia na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin..

"Kakain ka rin ate? Sabay ka sa amin ni Kuya."Aniya sabay iling ko.

I smiled.

"Sorry baby, bibili lang ako, dadalhin ko sa bahay."sagot ko sa kanya.

"Pero, puwede na naman sumabay sa amin babe, ihahatid ka namin pagkatapos."Ani naman ni Lecster sabay tingin ko sa kanya.

"Nah, okay lang, tsaka, mukhang nagbobond kayo ni Amellia, don't worry about me, kaya ko."sagot ko sa kanya. Akmang tututol pa siya ng biglang nagsalita si Amellia na nagpatingin sa amin sa kanya.

"Kuya si Papa."masayang sabi niya sabay takbo niya papasok sa loob ng Jollibee. Agad naman siyang niyakap ng isang lalaki na hula kong medyo kasing edad ni Lecster, gwapo, at matangkad din katulad niya.

Kumunot ang noo ko. "Papa?"takang tanong ko kay Lecster habang nakatingin sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin sabay hawak niya sa kamay ko papasok sa loob.

"Ate, si Papa Allen ko nga po pala."nakangiting wika ni Amellia sa akin paglapit namin ni Lecster sa kanila ng kasama niyang lalaki.

Agad naman akong ngumiti sa lalaki sabay lahad niya ng kamay niya sa akin.

"Papa, si Ate Pretty po pala, girlfriend ni Kuya Lecster."

"So it's you, hi, lady, it's nice to finally meet you."Aniya ng nakangiti. Akmang tatanggapin ko ang kamay niya para makipagkamay ng bigla akong unahan ni Lecster sa pag abot nito.

"Possessive naman couz."Ani ng lalaki kay Lecster habang nakangiti.

"Tss, binabakuran ko lang couz, mahirap na, maagaw pa."nakangiti rin na sagot ni Lecster na mas lalong pinagtaka ko.

Cousin? So mag pinsan sila? Pero kaninong anak 'to?

"A-anong nangyayari?"takang tanong ko sa kanila.

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon