Kabanata 42
Trigger Warning: Sensitive Content.
Natapos ang dinner namin nila Mama, kasama si Lecster na wala naman naging problema, na siyang pinagpapasalamat ko. Ngayon nagbabasa ako ng libro na gawa ng isa sa favorite author ko maliban kay Ma'am Lucia na si Aurellia ng biglang nag ring ang phone ko kaya agad kong tiningnan kung sino ang nag text ng ganitong oras.
From: **********
May update bukas, si Atty. Velasquez regarding sa kaso ng ex mo. Can you come?
Basa ko sa text ng unknown number. Text niya pa lang kilalang kilala ko na. Kaya hindi ko na kailangan magtanong kung sino 'to. Akmang mag rereply na sana ako sa kanya ng biglang nag ring ulit ang phone ko at this time tumatawag na yung number kaya agad ko itong sinagot.
"Hi. Busy?"Mahinahon na tanong niya mula sa kabilang linya.
"No, actually, pa reply na sana ako sa chat mo."sagot ko sa kanya.
Nagsisimula na Naman akong kabahan ngayong kausap ko siya, lalo na yung sinabi niya bago kami pumasok sa restaurant.
He wants me, to give him a chance, chance na hindi ko alam kung kailan pa, dahil sa pagkakaalam ko iniwan ko siya dito, umalis ako papunta sa ibang bansa, pero kailanman hindi namin napagusapan na maghiwalay.
Pero may girlfriend siya, anong plano niya, gawin akong kabit?!
"Amerie? Still there?"pukaw niya sa pag iisip ko.
"Yeah, sorry may iniisip lang."agad kong sagot sa kanya.
"No, worry, so are you free tomorrow?"tanong niya.
"Yes, saan ba?"
"Susunduin na lang kita, if you want?"alok niya na ikinatigil ko.
Tempting, but no! Ayaw kong maging kabit!
"Ah, no need, Lecs, magkikita kami bukas ni Eros, sasabay na lang siguro ako sa kanya."sagot ko sa kanya. Lie
Sorry Eros, alam kong busy ka pa ngayon, pero Ikaw lang talaga ang naiisip kong dahilan.
"Oh, okay. I will just text you the address tomorrow."malamig na sagot niya.
"Thanks."
"No, problem."
"Ah, yun lang ba?"tanong ko sa kanya ng hindi na siya nagsalita.
"About, what I told you earlier. I just want you to know that I am damn serious about that Amerie! I want us back!"Aniya sabay baba ng tawag na siyang ikinabigla ko.
Back your face! May girlfriend kana! Ayaw kong maging kabit duh!
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng gabi yun, especially na alam kong magkikita na naman kami sa araw na 'to, kaba, takot, excitement, ito lahat ang nararamdaman ko sa oras na 'to.
Hinatid ko muna ang anak ko sa School niya, bago ako tuluyan pumunta sa attorney's office ni Atty Velasquez. Sinabi ni Lecster kagabi sa text niya na dito na lang daw ako kakausapin ni Atty. Para mas maging komportable akong sabihin sa kanya kung anong plano ko kay Aladin.
"Hi."bati ni Lecster sa akin pagdating ko sa office.
I smiled.
"Si Atty?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
"May kausap pa." He answered bago tiningnan ang likod ko ng seryoso.
"I thought, kasama mo si Eros?"he asked.
Damn! Ano na ngayon Amerie?! Ano ng palusot mo?"
"Ah, eh, may tinatapos pa siya, ayaw ko naman siyang istorbohin kaya pumunta na ako dito."kinakabahan kong sagot sa kanya.
He smiled sabay igting ng panga niya.
"Okay, so, shall we?"tanong niya sabay alalay niya sa akin papasok. sa opisina ni Atty.
"Hi. I"m sorry, may tumawag lang na client."bati ni Atty sa amin pagpasok namin.
"Tss, client your face Arnaldo."sagot naman sa kanya ni Lecster na ikinagulat ko.
Friends sila?
"Shut up Man. Anyway Ms. Amerie, gusto lang kitang tanungin ng ilang tanong bago tayo tumuloy sa pagsasama ng kaso na, siyang magkukulong sa ex mo ng panghabang buhay."Aniya na ikinatahimik ko.
"Are you ready?"he asked.
I nodded.
"Just don't answer him, if you're not comfortable."bulong ni Lecster sa akin na ikinatingin ko sa kanya.
"Yeah."sagot ko na lang sa kanya sabay tingin ko ulit kay Atty. Dahil nakakailang ang titig niya. Pakiramdaman ko mapapaso ako ng mga tingin niya.
"Okay, let's start. First, ilang taon naging kayo?"
"6 years." Walang pagdalawang isip na sagot ko sa kanya.
"Sa 6 years na yun, nasaktan ka na ba niya physical?"tanong niya na ikinatigil ko.
"Ayaw mo huh?!"sigaw ni Aladin sa akin sabay sampal niya sa akin na ikinatulo ng mga luha ko.
"Pa-pagod na ako, Aladin."pakikiusap ko sa kanya.
"Really? But I'm not done yet love, come on, make me happy. Feel my little buddy with your hotty mouth."Aniya sabay hawak niya sa buhok ko ng marahas. At walang pagdalawang isip na pinasok niya ang sarili niya sa bibig ko.
"Amerie! Are you okay? Amerie?!"pukaw ni Lecster sa pag iisip ko na ikinatingin ko sa kanya.
"Lecs- Lecster..."nauutal kong sagot sa kanya sabay iling ko.
Unti-unti naman tumulo ang mga luha ko. Agad niya naman akong niyakap dahil do'n. I don't know how to react kaya hinayaan ko na lang siyang yakapin ako.
I feel so safe. Damn!
"Shh, I will make sure that he will pay, hindi na siya makakalabas ng kulungan pangako."Alo niya sa akin sabay tango ko.
"I'm sorry, if I trigger your past Ms. Amerie. I will not ask you again. You can share what ever you want to share with me."Ani ni Atty sabay tingin ko.sa kanya. Ramdam ko naman ang paghawak ni Lecster sa kamay ko.
"Ma-Maraming beses, maraming beses niya din akong pinilit na makipag sex sa kanya. I admit our first time is because of the influence of alcohol. Pero akala niya, ginusto ko yun kaya naulit pa, I loved him, so I give up myself lalo na yung nagsimula na siyang mambabae, takot akong maiwan niya, takot akong magsimula ulit sa uno, dahil pakiramdam ko walang taong tatanggap na sa akin. But one day I woke up ayaw ko na, kaso nabuntis niya ako, at dahil sa kagustuhan ng pamilya ng Mama ko. Pinagsama kaming dalawa, wala akong nagawa, kahit ayaw ko na, gusto ko mag protesta, pero wala akong lakas, madami akong narinig na masasakit na salita mula sa iba, kaya hinayaan ko na lang na makisama sa kanya. Sa pag aakalang magbabago pa siya dahil may anak na kami. Pero hindi pa din, nangbabae pa din siya and doon nagsimula lahat. Pinipilit niya akong makipag sex sa kanya at kung hindi ako pumayag, sinasampal niya ako at sinasaktan." Kwento ko sa kanya. Kita ko naman ang gulat sa mata ni Atty na ikinatahimik ko na lang.
"I will kill that demon!"Mariin naman na wika ni Lecster dito sa tabi ko na ikinatingin ko sa kanya.
"Man, wala sayo ang batas."sagot naman sa kanya ni Atty.
"I don't care! Anong gusto mo?! Hayaan ko lang na makalabas pa ang hayop na yon, pagkatapos ng ginawa niya sa babaeng mahal ko?!" Sigaw niya na ikinagulat ko.
"Ibigay mo na 'to sa akin Lecster, I swear, hinding-hindi na makakalabas ang lalaking yun!" Sagot ni Atty.
"Lecster."mahinang tawag ko sa kanya para pakalmahin agad niya naman akong niyakap na ikinatahimik ko.
"I will give you the justice that you deserve love, I promise. I will make that man pay! " Aniya sabay lapat niya ng labi niya sa noo ko na ikinabigla ko.
Damn Lecster! Anong ginagawa mo sa puso ko?!
Good evening readers. Happy reading and just want to say thank you for supporting me and my story I love you all.Xoxo.
Angie
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
عاطفيّة(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...
