Masaya, Isang beses ko lang ata naramdaman yan sa buong buhay ko, ay yon ang panahon na dumating sa buhay ko ang pinaka magandang regalo na bigay ng Diyos. Ang anak ko si Sophie. Kung hindi siya dumating marahil wala na ako ngayon, kung hindi ko siya naging anak, malamang matagal ko ng iniwan ang mundong 'to, ang mundong 'to na walang Ibang pinaranas sa akin kundi sakit at paghihirap, minsan nga dumating pa ako sa punto na tinalikuran ang Diyos dahil sa pagod ko, dahil sa pagod ko ng magpatuloy pa sa buhay ko.
"Juls, nandiyan ka na pala. Yan na ba lahat ng gamit mo?"salubong ni Ate Janice sa akin pagpasok ko sa bus na siyang sasakyan namin agad naman akong naupo doon sa may bintana dahil hindi ako sanay na hindi dito maupo.
"Ah, opo ate, sila Alexa po?"tanong ko sa kanya dahil wala akong nakita anino ng Ibang Majors, maliban sa Mapeh, at Values.
"Bumili lang ng bonamine, ikaw ba kailangan mong uminom no'n bago sumakay ng bus?"tanong niya akmang sasagot na sana ako ng bigla akong unahan ni Glaiza sa pagsagot na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.
"Tss. O.A naman."Aniya.
"You know what Ma'am? Kung hindi ka ang kinakausap, puwede ba wag ka ng sumatsat?!"Mataray kong tanong sa kanya.
"Aba!"
"Glaiza, stop!"pigil sa kanya ni Eros na ikinatahimik niya na lang.
"Sorry about her, mainit lang ang ulo, dahil hanggang ngayon wala pa crush niya."wika naman ni Eros sa akin na ikinatingin ko sa kanya.
What ever?!
Ilang minuto pa ay dumating na ang mga kasamahan namin, tatawagin ko sana si Alexa para tanungin kung may katabi na siya sa upuan niya ng biglang tumabi sa akin ang lalake na kahapon pa nagpapainit ng ulo ko.
"Bro, akala namin, hindi ka na sasama."saad sa kanya ni Eros na nasa likod lang ng upuan namin.
"Sasama ako, sadyang late lang."sagot naman ng kutong lupa na katabi ko.
"Lecs, nandiyan ka na pala, gusto mo dito sa tabi ko? Diyan na lang si Nova sa tabi ni Ma'am."rinig kong Yaya sa kanya ni Glaiza na ikinatingin niya dito.
"No need, Glai, I'm already comfortable here, tsaka natutulog na si Nova, mahirap na yan istorbohin."Aniya sabay maktol ni Glaiza na rinig na rinig ko. At dahil sa hindi ko kaya ang pag papabebe niya ay tumayo ako na halatang ikinagulat nila.
"Juls? May problema?"tanong ni Alexa sa akin na ngayon ay kumakain.
"Nothing. Glaiza?"sagot ko sa kanya sabay tawag kay Glaiza na ngayon ay masamang nakatingin sa akin.
"What?!" Padabog na tanong niya.
"Palit tayo ng upuan."walang gana kong sagot sa kanya na ikinangiti niya agad. Akmang aalis na ako sa upuan ko ng biglang pigilan ni Lecster ang kamay ko.
"What the heck?!"
"Sit Amerie."malamig na sagot niya na ikinailing ko..
"Tss, wag mo hayaan na ulitin ko ang sinabi ko Amerie, umupo ka na lang diyan."
"But---"
"Lecs, let her, tsaka sanay ka naman na ako ang katabi parati ha."putol ni Glaiza sa sasabihin ko na ikinatigil ko.
Seriously? Kailangan ba talaga na sabihin yon sa amin lahat?
"Shh, okay, are you ready guys? Singit ni Ma'am Helen sa amin na ngayon ay kakasakay lang. Sabay sabay naman kaming sumagot sa kanya.
"Yes Ma'am."
"Good then, umupo na kayo ng maayos dahil ilang minuto na lang aalis na tayo."Saad niya na ikinailing ko na lang sabay upo ko ulit sa upuan na katabi ni Lecster.
Tahimik lang akong nakikinig ng music sa earphones ko ng biglang tinanggal ni Lecster ang Isa nito at nilagay sa tenga niya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso pero ang siraulo ngumisi lang ng parang baliw.
"You're crazy, bakit ka nakangiti?!" I asked coldly.I was stunned when he pulled me closer to him. Sabay bulong niya sa tenga ko na ikinatigil ko. " Do it, push me away, hanggang kailan mo gusto, gawin mo, but I swear to God, hinding hindi ako lalayo sayo Amerie. Sa ginagawa mo ngayon, mas lalo mo lang akong binibigyan ng rason para lumapit ng lumapit sayo."
I don't know why my heart beat faster when he said that. Parang sinasabi niya sa tono ng pananalita niya na, kahit anong iwas ang gawin ko sa kanya, hindi pa rin ako makakatakas sa mga mata niya. Pero bakit? Why?
Dumating na ang driver ng sasakyan namin na bus, kaya imbis makipagtalo pa ako sa mokong na nasa katabi ko ngayon, ay pinikit ko na lang ang mata ko at umaasa na makatulog kahit paano para kahit sandali makalimutan ko na katabi ko si Lecster, ang lalakeng nagpapagulo sa isip ko ngayon.
"Wake up, sleepy head, kakain na."rinig kong pukaw ng kung sino sa akin, pero dahil sa pagod ay hindi ko magawang maidilat ang mata ko hanggang may nararamdaman akong nagkumot sa akin kaya kahit ayaw ko ay binuksan ko na ang mga mata ko at agad bumungad sa akin ang mukha ni Lecster na nakangiti.
"Good evening, let's eat."Aniya sabay pakita ng dala niyang pagkain sa akin.
"Nasaan sila?"walang gana kong tanong sa kanya.
"Nasa labas, kumakain, huminto muna tayo sa Manolo para kumain ng dinner, kanina pa kita ginigising pero sobrang sarap ng tulog mo, nakita kong nilalamig ka kaya nilagayan kita ng Hoodie ko, at bumaba ako para bumili ng pagkain natin."mahabang paliwanag niya na ikinatingin ko sa jacket na nasa paanan ko ngayon. At sa mga pagkain na dala niya.
"Thank you."Saad ko sa kanya sabay abot ko ng jacket niya para isauli sana sa kanya ng bigla niya itong binalik sa paanan ko.
"Keep it, mahirap na, mas malamig pa mamaya, at kumain na tayo."Aniya na ikinatingin ko na lang sa kanya dahil pakiramdam ko wala akong lakas kumontra sa lahat ng sasabihin niya kaya hahayaan ko na lang muna siya ngayon.
Agad niya naman nilagay sa paanan ko ang pagkain na binili niya. "Bakit hindi ka sumabay sa kanila?"biglang tanong ko sa kanya.
"Hindi ka pa gising."maikling sagot niya na ikinatigil ko.
"Dapat kumain ka na, at hinayaan na lang ako."mahinang sambit ko sa kanya.
"I can't do that Amerie, hindi kita kayang hayaan, mas gusto ko na lang sabay tayong magutom, kesa hayaan kita mag isa dito, para makasama lang sa kanila sa pagkain."sagot niya na ikinatahimik ko na lang sabay subo ng pagkain ko na bigay niya. Akmang magsasalita pa sana siya ng biglang nagsipasok na ulit ang mga kasama namin na ikinatingin namin sa kanila.
"Juls, pagkain---- ay, kumain ka na pala."sambit ni Alexa sa akin na ikinangiti ko sa kanya.
"Thank you lex, oo, hinatian niya ako."sagot ko sa kanya sabay turo kay Lecster agad naman ngumiti si Alexa na ikinailing ko na lang. Iinom sana ako ng tubig ng biglang nag ring ang phone ko, at pangalan agad ni Alexa ang bumungad sa akin.
From Alexa:
Dahan-dahan, baka mahulog.
Saad niya sa text na ikinatingin ko sa direksyon niya kitang kita naman ang pagtataka ni Lecster sa inasta ko.
"Okay ka lang?"tanong niya.
"Yeah, don't mind me, thank you sa food."sagot ko sa kanya.
"Your welcome Amerie, konti na lang."Aniya na pinagtaka ko.
"Anong konti na lang?" Takang tanong ko sa kanya sabay tingin niya sa akin ng seryoso.
"Konti na lang, Amerie, konting konti na lang mahuhulog na ako."
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romansa(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...