Kabanata 17

699 25 3
                                    

Kabanata 17

I don't expect this! Hindi ko inaasahan na sasabihin niya yon sa Tito at Tita niya, kitang kita ko na halatang nagulat si Ma'am Lucia sa sinabi ni Lecster, samantalang nakangiti lang si Sir Aries, ngiti na tila yon ang inaasahan niyang sasabihin ni Lecster.

"Salamat po sa lunch Ma'am at Sir."nakangiting sabi ko sa mag asawa.

"Your welcome iha, uuwi ka na ba? Gusto mo sumabay kana sa amin ni Aries, idadaan ka namin sa bahay n'yo."Yaya ni Ma'am Lucia sa akin sabay tingin ko kay Lecster at thank you dahil mukhang gets niya naman ang tingin ko.

"Ako na bahala sa kanya ni Tita."Ani ni Lecster.

"But..."

"Hon, let them na, lalo na at magliligawan na silang dalawa, hayaan mong makilala nila ang isa't isa."

"I agree Tita, and besides I know my cousin, playboy lang yan, pero harmless naman."Saad din ni Von.

"Okay, basta drive safe iho, okay at tawagan mo ko kung nahatid mo na si Julia sa kanila."

"Yes Tita."

Pagkatapos na pagkatapos namin mag paalam sa kanila Ma'am ay inalalayan ako ni Lecster sumakay sa kotse niya tabi kami dito sa harap.

"I'm happy, mukhang kasundo mo ang pamilya ko ha."Aniya na ikinatingin ko sa kanya.

"Hindi naman sila mahirap maging close."

"Talaga? Edi, wala na tayong problema."Saad niya na pinagtaka ko.

"Anong problema?"

"I mean, kung maging tayo na, maganda kasi close kana sa kanila."sagot niya na ikinatigil ko.

"Wag ka ng umasa sa akin Lecster, wala kang mapapala sa akin."seryosong sabi ko sa kanya.

"Tss, then, gagawa ako ng paraan, para may mapala ako sayo, I already confess to you Amerie Ilove you. Hindi ko alam kung bakit at paano, basta alam ni lang mahal na kita. At ngayon ko lang 'to nararamdaman ang ganitong pagmamahal ever since, at wala na akong balak na pigilan pa 'to tsaka isa pa hindi ko na kaya Amerie, hindi ko na kayang hindi ka mahalin."

"Ilang babae na nasabihan mo niyan?"Mataray kong tanong sa kanya.

"Ikaw ang una, at huli Amerie, walang iba, at walang magiging iba."Aniya. Ramdam ko na totoo ang sinasabi niya base sa tono ng pananalita niya, pero natatakot ako maniwala, ayaw kong sumugal na maniwala.

Imbis pansinin ko ang sinabi niya ay kinuha ko na lang ang libro ko ng My Midnight Damsel para tapusin ang pagbabasa nito, hindi ko pinaramdam sa kanya na kinakabahan ako sa inamin niya, ayaw ko ng masaktan kaya hanggang kaya ko pa, hanggang maaga pa, ako na ang pipigil, ako na ang iiwas para lang hindi ako tuluyan maiwan at masaktan.

"Sa lugawan ka pa ba?"tanong niya na ikinatingin ko sa kanya.

"Yeah."  I said coldly.

Ayaw kong mabait sa kanya at hanggang kaya ko pipigilan ko 'to dahil ayaw kong umasa, hindi ako puwede umasa.

Mahigpit kalahating oras din ang byahe namin patungo sa lugawan ni Ate Marie. Akmang pababa na sana ako ng sasakyan niya ng bigla niya akong pigilan gamit ang kamay ko na ikinataas ng kilay ko sa kanya.

"Seryoso ako Amerie, seryoso ako sa sinabi ko sayo na mahal kita, at seryoso din ako sa sinabi ko kanina sa pamilya ko na liligawan kita, liligawan kita Amerie pumayag ka man o hindi, manliligaw ako."

"Amerie, okay ka lang ba?"pukaw ni Ate Marie sa pag-iisip ko.

Kanina pa nakaalis si Lecster at hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan ang sinabi niya sa akin sa loob ng kotse niya. 

Manliligaw siya? Kung papayag ako, matatanggap niya ba kaming dalawa ni Sophie, matatanggap niya ba na may anak ako sa ibang lalake?

"Ah oo ate, may iniisip lang."sagot ko sa kanya.

"Sumasakit na naman ba ang mata mo?"takang tanong niya halata ang pag-aalala sa boses niya na ikinangiti ko.

"Sanay naman po ako ate." Malumanay kong sagot sa kanya.

"Ipa check up mo na kaya yan, gusto mo samahan ka namin ni Nanay?"Aniya sabay iling ko.

"Wag na ate, ayos lang talaga ako."

Hindi ako okay, pero okay lang, kaya ko, at alam kong kakayanin ko pa, para sa sarili ko, lalong lalo na para sa anak ko, siya na lang ang mayroon ako at lahat gagawin ko para sa kanya. Para kay Sophie.

Natapos ang shift ko sa lugawan ng maaga dahil maagang nag sirado sila ate kaya napaaga din ang uwi ko sa bahay.

"Mama-Mama. Am-Am."salubong ni Sophie sa akin sabay ngiti ko at bigay ko ng pasalubong ko sa kanya na spaghetti.

"Ma, si Kuya?"tanong ko kay Mama na abalang nagluluto sa kusina.

"Nasa trabaho niya pa, magpahinga ka na muna sa kuwarto mo tatawagin na lang kita kung handa na ang pagkain."Aniya sabay tango ko.

Agad agad akong pumasok sa kuwarto ko kasama ni Sophie na abala pa din sa spaghetti niya, kaya kinuha na lang ang notebook ko sa drawer para magsulat dito na araw-araw kong ginagawa noon pa.

Note 2023

Kung susugal ba ako? May mangyayari? Kung aasa ba ako? May magandang resulta sa huli?

Nakakapagod ng masaktan, nakakapagod ng umasa, nakakapagod ng umiyak, ayaw ko, gusto ko naman maging masaya yong totoong saya.

"Mama, Am-Am."biglang sabi ng anak ko sa akin sabay bigay niya ng Plato na kinainan ng spaghetti agad ko naman itong tinanggap para itabi sa gilid sabay karga ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Anak, mahal ka ni Mama ha, lahat ng 'to para sayo, para sayo lang Sophie."saad ko sa kanya sabay hawak niya sa mukha ko.

"Kwy-Kwy Mama, wag na poh."Aniya sabay hawak ko sa pisnge ko na hindi ko namalayan na umiiyak na pala.

Magsasalita pa sana ako kay Sophie ng biglang bumukas ang pinto ko at agad pumasok si Mama ng nakangiti.

"Julia, anak, may problema ba?"tanong niya sabay iling ko.

"Wala po Ma."

"Anak, makakapagsinungaling ang bibig, pero kailanman hindi kayang magsinungaling ng mata natin. Kaya niyang sabihin ang totoong nararamdaman natin kahit hindi tayo magsalita." Aniya na ikinatahimik ko. Agad agad niyang kinuha si Sophie sa akin sabay alalay niya sa akin pag upo.

"Ma, sa tingin mo ba may tatanggap pa sa amin ni Sophie?" Tanong ko sa kanya.

"Tungkol ba yan sa sinabi ni Aladin?"she asked na ikinatahimik ko.

"Alam mo Julia, lahat ng tao itinadhana talaga sa Isang tao, kahit anong pigil mo, may tao talaga na inilaan ng Diyos para sayo, maliban na lang sa mga Pare at Madre na itinadhana sa Diyos. Kaya anak kahit may anak kana, o kahit may sakit ka pa, o disabled man, mahirap, pangit, kung para sayo ang Isang bagay para sayo talaga yan at maniwala ka sa hindi, kahit sino ka pa, pag dumating ang tamang tao na para sayo ipaglalaban ka niya sa buong mundo, kahit ang kapalit pa no'n ay talikuran siya ng Ibang tao dahil sayo." Aniya.

May ganoon pa lang tao? Handang gawin lahat para sayo?

"Ma, may ganoon ba?"

"Oo, pero yon nga lang, bilang na lang sila sa mundo ngayon. At tsaka wag ka makinig sa hayop mong ex, dahil kami ni Kuya mo, tanggap namin kayo ni Sophie ng buo at kahit walang dumating na tao para sayo nandito kami, hinding hindi namin kayo iiwan."sagot niya na ikinangiti ko.

Alam ko, alam ko na talikuran man ako ng lahat, mayroon akong pamilya na hindi ako bibitiwan, mayroon akong anak na araw-araw ako binibigyan ng rason para magpatuloy sa buhay, at sila lang, sila lang sapat na, sobra-sobra pa.

Ito yong dream kong samahan ng mag-ina, yong walang hiyaan, walang ilangan, feeling ko kasi ang saya lang at ang gaan. Anyways happy reading. Xoxo.

Follow niyo po ako sa mga Social Media Accounts ko.

Facebook: LuckyAvigail Moon Wp
Twitter: LuckyAvigail
Wattpad: LuckyAvigail
Thread: LuckyAvigail

Hart Moon

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon