Kabanata 33
"Aalis ka ba talaga Juls? Hindi ba puwedeng sumunod ka na lang after the gruaduation?" Tanong ni Ate Janice sa akin.
I already told them about Sophie, kahapon ng kinuha ko ang PSA certificate ko sa office dito sa Malaybalay, sakto naman na magkakasama silang pito na nandoon rin para kumuha ng certificate nila, kaya sinabi ko na sa kanila ng una, nagulat pa sila, akala ko nga hindi nila ako tanggap, pero niyakap nila akong pito at sabi nila tanggap nila si Sophie ng buong puso na siyang ikinatuwa ko. Nandito sila ngayong araw sa hospital para bisitahin si Sophie, kaso wala ang anak ko dito ngayon dahil sa mga Ibang test na ginagawa sa kanya bago kami lumipad papuntang Amerika bukas. Oo, bukas na agad, naasikaso na ni Eros lahat ng kailangan pati na rin ang mga final requirements ko ibibigay niya na ngayon sa University. Sana nga lang talaga pumayag ang Head.
"Oo nga, Juls, alam na ba 'to ni Lecster?"tanong naman ni Ate Recel na nagpatingin sa akin sa kanya.
Kahapon ko pa hindi sinasagot ang mga tawag ni Lecster, pati na rin ang mga text niya nag deactivate na rin ako sa lahat ng social media accounts ko, hindi ko alam kung kakayanin ko siyang harapin pagkatapos ng mga narinig ko, hindi ko kaya.
"Hindi niya na kailangan malaman ate, tsaka sigurado na ako sa pag alis ko."sagot ko sa kanilang dalawa ni Ate Janice.
"But, he needs to know about Sophie Juls, boyfriend mo siya."Saad naman ni Shayra.
"Hindi niya kami tanggap Shay."sagot ko sa kanya na ikinagulat nilang pito.
"What the?! Seriously?"takang tanong ni Ate Cherry.
I nodded.
"Narinig ko mismo sa bibig niya, kaya tama na yun, ayaw ko ng ipagpilitan ang sarili ko sa taong hindi ako kayang tanggapin."sagot ko sa kanya.
"Tss, Gaga! Masuntok nga yun pag nakita ko, wag lang talaga siya magpakita, baka ipakulam ko rin siya."Ani ni Alexa.
"Galit na Galit Lex?"tanong naman sa kanya ni Mary Ann.
"Duh, sinong Hindi magagalit? Ano siya gold?"
"Hayaan mo na, expected ko na talaga na hindi niya kayang tanggapin ang anak ko, tsaka kasalanan ko rin naman kung sana noon pa lang sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa Anak ko, edi sana wala akong problema ngayon."sagot ko sa kanya.
"Pero Julia, sana nakinig muna siya sayo kesa maniwala sa iba diba? Foul siya do'n."Wika din ni Ate Jane na sinangayunan ng iba.
"Pero inferness kay Eros ha, ang green."Saad ni Ate Recel sabay tingin ko sa kanya. Akmang sasagot na sana ako sa sinabi niya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Sophie kung saan mukha ni Eros ang sumalubong sa amin.
"Hi mga Ma'am, wag niyo naman ako masyado purihin, baka lumaki."Aniya sabay ngiti na ikinatawa ng mga kaibigan ko.
"Tss, anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya sabay abot niya ng envelope sa akin.
"Congratulations, makakapunta ka na ng Amerika, masasamahan mo na si Sophie."sagot niya na nagpangiti sa akin.
"Thank you Eros, thank you."
"Sabi ko naman sayo, kaibigan kita, at parang anak ko na din si Sophie kulang na nga lang Daddy na tawag niya sa akin, kaya no worries Julia. I got you always."sagot niya na nagpangiti rin sa mga kaibigan ko.
Ilang oras pang tumambay sila Ate Cherry dito sa Hospital hanggang napagpasyahan na nilang umuwi sumabay naman si Eros sa kanila.
"Sigurado ka ba talagang ayaw mong ipaalam sa kanya ang pag alis natin anak?"tanong ni Mama sa akin tahimik na natutulog si Sophie sa higaan niya habang seryoso naman na nakatingin sa akin si Kuya.
"Ma, wala siyang dapat malaman, kung hindi niya tanggap na may anak na si Amerie, edi hindi."sagot naman ni Kuya sabay tingin namin sa kanya ni Mama.
"Pero, boyfriend mo pa rin siya, ni hindi...."
"Ma, wala na kami, hindi niya ako tanggap kaya wala na kami."putol ko sa sasabihin niya.
Tama na ang pagiging tanga ko sa pag-ibig si Sophie na muna siya na lang muna.
Kung ang pag alis ko dito sa Bukidnon ang maging daan para makalimutan ko lahat ng mga masasakit na nangyari sa akin, gagawin ko, marahil sa susunod na buhay puwede na maging kaming dalawa, marahil sa susunod pagbibigyan na talaga kami ng tadhana, dahil kahit masakit siyang mahalin, kahit mahirap siyang kalimutan aaminin ko, siya pa rin talaga, si Lecster pa rin talaga.
"Wala na ba tayong nakalimutan?"tanong ni Mama habang abala kami sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin namin sa Amerika. Sasamahan kami ni Eros papunta doon, dahil siya mismo ang magdadala sa amin sa Hospital kung nasaan ang Tito niya at sa Apartment na kinuha niya para sa amin ng pamilya ko.
"Tita, don't worry po, mayroon naman pong mabibilhan doon sa apartment niyo."sagot ni Eros kay Mama.
"Iho, malaking tulong ka sa amin, maraming salamat sa'yo."
"Walang anuman po yun, sinabi ko na po sa inyo, mahalaga po sa akin ang anak at apo niyo kaya wala lang 'to sa akin."
"Tss, kaibigan mo ang walang hiyang boyfriend ng kapatid ko tama?!"Kuya asked coldly.
"Kaibigan ko po si Lecster at hindi po yun mabubura, pero mas importante sa akin matulungan ang kaibigan ko, na kapatid niyo, mas kailangan po ako ni Amerie at Sophie."sagot ni Eros sabay tingin niya sa akin.
"Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpasalamat sa'yo, pero Eros salamat talaga, salamat."nakangiting wika ko sa kanya na nagpangiti din sa kanya.
"Maging masaya lang kayo, ayos na yun, wala ng problema, okay na okay na."
"Tungkol pala sa bayad sa apartment Iho, mag tatrabaho kami ni Genesis, magbabayad kami sa'yo." Ani ni Mama.
"Tita, wag niyo na po yun problemahin, isipin niyo po muna si Sophie, siya na po muna." Aniya.
"Tutulong din ako Eros, pagdating ng diploma at TOR natin maghahanap ako ng trabaho." Saad ko sa kanya sabay tingin nilang tatlo sa akin.
"I know makakahanap ka, Suma Cumlaude ka kaya, and don't worry about your Diploma and TOR pati na din ang medal mo, ako na ang bahala do'n."sagot niya sabay tango ko.
Tapos na kaming nag ayos ng mga gamit namin ng ipatawag si Mama at Kuya ng Doctor ni Sophie, sasama sana ako pero dahil sa walang puwedeng mag bantay dito ay nag paiwan na lang ako kasama si Eros.
Tahimik lang si Eros habang nakatingin sa cellphone niya ng bigla siyang tumingin sa akin ng nakangiti.
"Gusto mo siyang kamustuhin?"tanong niya sabay iling ko.
"Hinahanap ka niya, pero katulad ng pangako ko sayo, walang makakarating sa kanya kung nasaan ka, tulad ng sabi ko gagawin ko ang lahat hindi ka lang niya makita. Maaring kaibigan ko siya, pero hindi ko kayang matanggap na hindi niya kayang tanggapin at mahalin ang anak mo katulad ng pagmamahal niya sayo."
"Nag kausap na kayo?"
"Hindi pa, hanggang maari ayaw kong makasuntok ng kaibigan, habang nandito pa kayo, siguro mamaya pag nasa Amerika na kayo para sure na akong hindi mo malalaman, baka umiyak ka pa you know."Aniya sabay palo ko sa kanya.
"Baliw! Nagplano ka na, sinabi mo na kaya nonsense na, tsaka wag mo na siyang saktan, tanggap ko na Eros, tanggap ko na."
At alam kong sa pag alis ko makakalimutan ko na din siya. Sana nga.
Kinikilig talaga ako kay Eros skl. Ang green niya lang talaga sobra, at mas green pa siya sa mga susunod na kabanata HAHAHA..... Happy reading. Xoxo.
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...