Kabanata 41Tatlong araw na simula ng nangyari ang aksidenteng yun, at tatlong araw na din na hindi nagpapakita sa akin si Lecster, na siyang pinagpapasalamat ko naman, dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin, pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya.
"Sa sobrang busy mo, hindi mo na maalala na birthday mo ngayon."salubong ni Mama sa akin pagdating ko sa bahay. Hinatid ko si Sophie sa school niya dahil first day niya, at kukunin ko na lang siya mamaya.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya bago magsalita.
"Ano po bang date ngayon?" Takang tanong ko sa kanya.
She smiled.
"August 5. It's your day anak. Talaga bang kakalimutan mo na lang 'to lahat?" Tanong niya.
Umiling ako.
"Marami lang po akong iniisip Ma."sagot ko sa kanya.
"Nakakulong na si Aladin, at this time, sigurado na talaga tayo na hindi siya makakalabas, anak panahon na siguro para sarili mo naman ang unahin mo. Kita mo ngayon, birthday mo, pero ni hindi mo naalala."Aniya.
I smiled.
"Hindi naman po kasi importante Ma."
Nanlaki ang mata niya bago ako paluin sa kamay ko.
"Anong hindi importante? Anong gusto mong ulam? Iluluto ko. O, lumabas na lang tayo nila Sophie at Kuya mo, sunduin natin si Sophie mamaya."Aniya.
"Kumain na lang po tayo sa labas."i answered.
"Good answer. Tatawagan ko na ang Kuya mo para puntahan na natin si Sophie maya-maya."
Ngumiti na lang ako kay Mama pagkatapos niyang sabihin yun, bago tuluyan pumasok sa kwarto ko para magbihis. Gustohin ko man na hindi mag celebrate ng birthday ko, dahil wala naman akong pakialam na dito, ay ayaw ko naman magalit sila Mama. Maganda na din 'to at magkakasama kaming pamilya sa araw na 'to.
Insaktong 3:00pm sa hapon na ng dumating si Kuya sa bahay, kaya agad-agad na kaming pumunta sa School ni Sophie.
"Guard, lumabas na po ba ang mga Day Care?"tanong ko sa guard.
"Yes, Ma'am, kanina pa po 2:30pm."Aniya na ikinatigil ko . Agad-agad akong tumakbo sa loob ng School para puntahan si Sophie pero wala na akong naabutan do'n.
Umiling ako habang nagsisimula ng tumulo ang mga luha sa mata ko.
"Mama, si Sop-Sophie."nauutal kong wika kay Mama na ngayon ay yakap yakap ako. Nandito na kami sa labas ng gate upang hanapin siya, pero wala akong bakas na nakita.
"Baka--- kinuha na siya ni Aladin, ang anak ko Mama."
"Shh, makikita natin siya."Alo niya sa akin. Agad naman tumawag si Kuya sa Cellphone niya.
Akmang magsasalita pa sana si Mama ng biglang isang bata ang yumakap mula sa likod ko na ikinatigil ko.
"Mama. Happy birthday po."masayang bati niya sa akin. Sabay bigay niya ng bulaklak na hawak niya. Agad ko naman itong tinanggap at niyakap siya.
"Saan ka ba galing huh? Pinag-alala mo ako."Wika ko sa kanya.
Akmang sasagot na sana siya ng biglang sumigaw si Kuya na ikinatingin namin doon.
"Hayop ka! How dare you! Saan mo dinala ang pamangkin ko?!"sigaw niya kay Lecster na ngayon ay nakaupo na sa daan dahil sa suntok ni Kuya. Agad naman hinawakan ng guard si Kuya para awatin.
Akmang lalapit ako sa kanila ng biglang tumakbo si Sophie papunta kay Lecster.
Tumulo ang mga luha niya habang nakayakap kay Lecster na ikinatigil ko.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...