Kabanata 25
Isang linggo na ang lumipas ng dalhin ako ni Lecster sa Simbahan at Isang linggo na rin simula ng ligawan niya ako. Araw-araw niya ako dinadalhan ng pagkain sa ALS room at araw-araw din akong inaasar ng mga kasamahan ko sa loob ng Isang linggo. Hinahatid niya rin ako sa lugawan nila Ate Marie, at aaminin kong nasasanay na ako, at sa tingin ko hirap na akong umahon dito, gusto ko na talaga siya, pero natatakot pa din akong sumugal, paano kung iwan niya ako oras na malaman niya ang tungkol kay Sophie? Malamang sa malamang iiyak na naman ako, masasaktan na naman ako at maiiwan na naman ako. Ayaw ko na.
"Are you okay?"tanong ni Lecster sa akin, busy kami sa paggawa ng grades ng mga bata, at sinamahan niya ako dito sa room namin na gawin yung akin, mabuti na nga lang at out na ng mga bata at nasa lunch break pa si Ma'am Marny kasi alam ko kung nandito sila aasarin din nila ako katulad ng mga kasamahan ko.
"Gutom ka na?"tanong niya ulit ng hindi ko nasagot ang tanong niya.
"Ah, eh, hi-hindi pa."sagot ko sabay ngiti niya.
Kumunot ang noo ko. "Tss, gutom o hindi kakain na muna tayo. Let's go."Aniya sabay hawak sa kamay ko.
"Pero, hindi pa ako tapos."
"Mamaya na yan, mas mahirap mag trabaho kung walang laman ang tiyan natin."Aniya sabay tango ko.
Sabay kaming lumabas sa gate, at pumasok sa Makbie, inalalayan niya muna akong maupo sabay punta niya sa counter para mag order.
Tahimik lang akong naghihintay sa kanya ng biglang may pumasok sa pinto na Isang pamilyar na babae, agad niyang pinuntahan si Lecster na ngayon ay papunta na sa akin. At doon ko lang napagtanto na si Glaiza yon. Ano na naman ang ginagawa niya dito?
"Hi, Lecs, sinong kasama mo? Sabay na lang tayong mag lunch ha."nakangiting sabi niya sabay tingin sa akin ni Lecster na siyang dahilan ng pagtingin sa akin ni Glaiza.
"Don't tell me, magkasama kayo?"takang tanong niya.
"Hi___."
"Yes, Glai, kasama ko siya."putol ni Lecster sa sasabihin ko na halatang ikinagulat ni Glaiza.
"What? Why?"
"I'm courting her Glai."deritsong sagot ni Lecster sa kanya na ikinataas ng kilay ni Glaiza.
"Aw, okay, edi, maiwan ko na kayo."Aniya sabay labas niya agad ng Makbie.
Pag-alis na pag-alis ni Glaiza ay agad ng umupo si Lecster sa table namin at takang tumingin sa akin.
"Alam ko yang iniisip mo, at ngayon pa lang sinasabi ko sayo, walang kami ni Glaiza."
"Pero gusto ka niya tama?"tanong ko sa kanya na ikinatahimik niya.
"Let's not talk about her, kaibigan ko siya, pero Ibang usapan ang sa ating dalawa Amerie, at kahit kontra siya sa panliligaw ko sayo, gagawin ko pa din."Aniya.
"Nagtanong lang naman ako kung gusto ka niya, ang dami mo ng sinabi."Saad ko sa kanya.
"Eh, baka kasi, umatras ka dahil sa kanya."Aniya.
I smiled.
"You know what Lecster, umatras man ako, hindi siya ang magiging dahilan no'n."sagot ko sa kanya na ikinakunot ng noo siya.
"So, may balak ka talagang umatras?" He asked coldly.
Biglang lumamig ang awra niya, dahil sa sinabi kong yon, umigting ang panga niya na ikinangiti ko.
"O. A mo. Ang sinasabi ko lang naman kung sakaling umatras ako, hinding hindi si Glaiza ang dahilan no'n."
"Edi, ano? Anong magiging dahilan ng pag atras mo?"tanong niya sabay subo niya ng pagkain niya.
Seryoso naman akong tumingin sa kanya. "Hindi ko alam, pero isa lang ang sigurado ako Lecs, sa atin dalawa, alam ko na ikaw ang unang aatras. Mahirap akong magustuhan Lecster, mahirap akong mahalin, mapapagod ka lang sa akin, madilim ang mundong mayroon ako."
"That's not a problem Amerie, e, d pareho tayong maging madilim ang mundo, walang problema sa akin Amerie, dahil ang mas mahalaga lang sa akin, kasama ka, at kahit saan pa yan, basta ikaw ang
kasama ko walang problema.Natapos kaming kumain dalawa, at akmang babalik na kami sa loob ng BEN ng biglang may tumawag sa akin mula sa likod ko na ikinatingin ko dito.
"Amerie."
"Kuya."mahinang tawag ko kay Kuya Genesis.
"Anong ginagawa mo dito? Kuya?"tanong ko kay Kuya sabay lapit niya sa akin na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.
"Sinsundo ka."he said coldly sabay tingin niya kay Lecster ng seryoso.
"Good afternoon po."nakangiting bati ni Lecster kay Kuya pero pinagwalang bahala lang ito ni Kuya sabay hawak niya sa kamay ko.
"Uwi na tayo."Aniya sabay hila sana sa akin ng umiling ako.
"Sandali lang Kuya, si Lecster nga pala. Manliligaw ko."mahinang sabi ko sa kanya sabay ngisi niya.
"Tss, manliligaw ha, wala akong pakialam, uuwi na tayo."seryosong sagot niya sabay hila niya ulit sa akin ng biglang hilain ni Lecster ang Isang kamay ko.
"Tss, anong ginagawa mo?!"Galit na tanong ni Kuya kay Lecster.
"Seryoso po ako kay Amerie, gusto ko po ang kapatid niyo, at handa po akong patunayan na malinis ang intensyon ko sa kanya, seryoso po ako."
"Seryoso? Sigurado ka? Paano kung sabihin ko sayo na____"
"Kuya please.."putol ko sa sasabihin ni Kuya. Alam kong sasabihin niya na sana ang tungkol sa pagiging Nanay ko, pero hindi pa ako handa, hindi ko pa kaya.
"Tss, kung ayaw mong magkagulo dito Julia, sabihan mo yan na bitawan ka, ng umuwi na tayo, may naghihintay pa sayo sa bahay."Saad ni Kuya sabay tango ko.
"Lecs, mauuna na kami."paalam ko kay Lecster sabay ngiti niya.
"Itetext kita."Aniya sabay tango ko.
Agad agad naman akong hinila ni Kuya papasok sa loob ng kotse ni hindi na ako nakatingin kay Lecster dahil pinaandar niya na agad ito ng mabilis. Takot at kaba ang nararamdaman ko sa oras na 'to, alam kong ayaw ni Kuya ang nalaman niya, pero hindi ba puwede na kahit ngayon lang pagbigyan ko ang puso ko? Kahit ngayon lang sumugal ulit ako?
"Tigilan mo yang kahibangan mo na yan Amerie, sinasabi ko sayo!"madiin pero malamig na sabi ni Kuya sabay tingin mo sa kanya.
"Kuya."
"Nakalimutan mo na ba ang nangyari ng huli kang nagpaloko ha? Muntik ka ng mamatay Amerie Julia, muntik ka ng mamatay, tapos ano? magpapaloko ka ulit? Hindi ka na ba talaga natuto ha?!"
"Kuya, iba si Lecster." Putol ko sa kanya.
"Puta! Patawa! Iba? Sigurado ka? Amerie, sasaktan ka lang ng mga lalaki, itatak mo yan sa dibdib mo, gumising kana, walang taong seseryoso sayo, wala!"
Walang taong seseryoso sa akin? Siguro nga, pero puwede ba, kahit ito lang, ibigay mo na sa akin, ibigay niyo na sa akin. Gusto ko lang naman maging masaya, gusto ko lang naman mahalin, at magmahal, puwede naman yon diba?
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...