Kabanata 24
Quarter exam na ngayon sa mga estudyante ng BEN, at bilang Student Teacher ay kami ang inaatasan ni Ma'am Helen na siyang maging proctor ng mga bata, para maranasan namin ang mag handle ng exam. Kinakabahan man ay kakayanin ko pa din, susubukan ko pa din.
"Sana lang sa mababait ako Ilagay."biglang sabi ni Shayra habang tahimik namin hinihintay dito sa Principal office ang magiging assign section namin para mamaya. 8:30 pa start ng exam nila at 7:00 pa ngayon kaya madami pa ang oras ng mga bata na mag aral.
"Sinabi mo pa, sana wag maingay."sang ayon naman ni Ate Recel.
"At wag magulo."ani rin ni Alexa.
Ilang minuto pa ay dumating na din si Ma'am at ang Ibang ST na hindi pa nakuha ang kanilang schedule. Agad agad niyang inabot bawat isa sa amin ang mga papel na may laman ng schedule namin.
"Yes, medyo mabait napunta sa akin."masayang sabi ni Ate Janice. Maliban sa kanya nag komento din ang ibang mga ST. At ng binuksan ko na ang papel na hawak ko.
Kumunot ang noo ko. "Bakit s'ya pa?"
Gulat naman na napatingin sa akin sila Mary Ann. "Bakit Juls?"takang tanong ni Alexa. Sabay pakita ko sa kanya ng papel na hawak ko. Agad niya naman ito kinuha at katulad ko at kumunot din ang noo niya.
"Si Lecster, kasama mo."
Gusto ko man mag reklamo sa natanggap kong schedule ay hinayaan ko na lang, ano pa bang magagawa ko? Nasulat na, at siya lang naman ang makakasama ko, kaya bakit ako kakabahan? Bakit ako matatakot?
Sabay sabay kaming pumunta sa mga assign na room namin at kahit tumanggi na ako ay hinatid pa din ako ni Alexa at Shayra sa assign room ko na makakasama ko si Lecster.
"Amerie, nandito ka na pala."bati sa akin ni Lecster.
I smiled.
"Good morning Sir."bati ni Shayra kay Lecster.
"Good morning mga Ma'am."sagot niya.
"Hinatid lang namin si Amerie, nahihiya e, sige Sir ikaw na bahala sa kanya ha."Ani naman ni Alexa sabay ngiti ni Lecster sa kanila.
"Don't worry Ma'am, ako na ang bahala sa kqanya."Aniya.
Pag alis na pag alis nila Shayra ay pumasok na ako sa room sabay kaming pumasok ni Lecster, agad naman kaming binati ng mga bata.
Ilang minuto pa ay dumating na ang 8:30 kaya agad na namin sinimulan ang exam. At habang tahimik na nag eexam ang Skylark Grade 9 ay agad lumapit sa akin si Lecster.
"Are you free later?"mahinang tanong niya na ikinatingin ko sa kanya.
"Bakit?"
"Gusto lang sana kitang ipakilala sa kanya."Aniya.
Kumunot ang noo ko. "Kanino? Sa kabit mo?"
"Wala akong kabit Amerie."seryosong sagot niya.
"Yeah, at wala naman akong paki kung mayroon."Mataray na sagot ko sa kanya. Sasagot pa sana siya ng tumunog na ang hudyat na tapos na ang exam isa isa ng lumabas ang mga bata na ikinatingin ko kay Lecster na ngayon ay tahimik na nakatayo sa pintuan.
"Bakit hindi ka pa lumabas?"
"Hinihintay kita."sagot niya.
Hindi ko alam kung anong ire- react ko sa sinagot niya, pero imbis sumagot ako sa sinabi niya ay nauna na lang akong lumabas sa kanya, ramdam ko naman sa likod ko ang pagsunod n'ya.
"Sigurado ka ba na sasama ako sayo?"tanong ko sa kanya sabay hawak niya sa kamay ko.
"Sandali lang tayo, tsaka nangako ako sa kanya na oras na nakilala ko na ang the one, dadalhin ko agad sa kanya."sagot niya na nagpatigil sa akin.
Gulat akong tumingin sa kanya na ikinangiti niya. "Don't worry hindi pa kita dadalhin sa amin, hindi pa, hanggang hindi mo pa ako sinasagot." Saad niya na tila ba yun ang akala niyang iniisip ko.
"Tss, Ewan ko sayo. Tara na nga ng matapos na 'to."sagot ko na lang sa kanya. Napangiti naman siya sa sinagot ko na yon. Pagdating namin sa parking lot ay inalalayan ako ni Lecster sa pagsakay sa kanyang kotse. At ilang minuto lang ang biyahe namin hanggang huminto siya sa simbahan ng Malaybalay Cathedral na pinagtaka ko.
"Anong ginagawa natin dito?"takang tanong ko sa kanya.
"Hinihintay niya tayo."Aniya.
Sabay kaming bumaba sa kotse at sabay din kaming pumasok sa simbahan. Sinundan ko lang siya hanggang umupo at lumuhod siya sa Isang upuan na mas lalong pinagtaka ko, dahil hindi ko talaga inaasahan na dadalhin niya ako dito. Pero kanino niya naman ako ipapakilala dito sa simbahan? Sa Pari? Sa Diyos?
"I promise, once na makilala ko ang taong gusto kong makasama habang buhay dadalhin ko siya sayo"Ani ni Lecster habang naka luhod na siyang ikinatingin ko sa kanya.
Totoo ba talaga 'to? Si Lecster ba talaga 'to?
Nakangiti naman na tumingin sa akin si Lecster na mas lalong ikinagulat ko. "Ito na siya ngayon G. Ito na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, ito na ang babaeng mahal ko. Kaya hinihiling ko lang sayo ngayon na sana ibigay mo 'to sa akin, at pangako ko, iingatan ko siya, aalagan ko siya, mamahalin ko siya, basta ipagkatiwala mo lang siya sa akin, pangako hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari, mananatili lang ako sa tabi niya."
"Lecster."mahinang tawag ko sa pangalan niya sabay upo niya sa tabi ko. Hindi ko 'to inaasahan, akala ko tao ang tinutukoy niya kanina na naghihintay sa amin dito sa loob, pero hindi ko inaasahan na maririnig ko 'to sa kanya, sa isang playboy.
Tipid naman siyang ngumiti bago tumingin ulit sa altar.
"2 years ago, nag simba ako kasama sila Mommy, at ito ang sinabi ko sa kanya. Sa Diyos. Sinabi ko sa kanya na oras na makilala ko na ang babae na para sa akin, dadalhin ko siya dito, para ipakilala sa kanya, at para hingiin ang basbas niya na alagaan ang babaeng yon. Pinangako ko sa kanya na bago ko ipakilala sa mga magulang ko ang babaeng yon, siya muna, bilang pasasalamat dahil hinayaan niya akong makilala ang babaeng mamahalin ko. Kaya ka nandito ngayon, dahil gusto ko makita niya na nakita na kita, nakita ko na ang babaeng gusto kong hilingin sa kanya."Aniya sabay tingin sa akin.
Napailing ako. "Hindi ko alam ang sasabihin ko."
"Wala kang kailangan sabihin Amerie, dahil talagang totoo ang sinasabi ko ngayon. Ikaw ang babaeng gusto kong ipakilala sa Diyos, ikaw ang babaeng hinihiling at pinagdadasal ko sa kanya."
"Pero bakit? Hindi ko makita ang ganda ng mundo, hindi ko makita ang kulay ng paligid, pero bakit?"sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Bakit? Dahil Ikaw yan e, ikaw si Amerie Julia. Wala nang paliwanag, dahil ikaw yan, ang babaeng mahal ko, kaya ka nandito."
Nagulat man ay pilit kong nilalaban ang mga luha na gustong lumabas sa mga mata ko. Hindi ko alam pero masaya ako, masaya ako sa oras na 'to at kung puwede lang sana, wag na 'to matapos. Dahil aaminin ko, gusto ko na siya, gustong gusto ko na ang lalaking nasa harap ko ngayon.
"Hindi mo kailangan makita ang kulay ng mundo Amerie, dahil nandito ako tutulungan kitang makita ang ganda nito, at tulad ng pangako ko ngayon sa Diyos, kahit anong mangyari, hindi kita iiwan, aalagan at pagsisilbihan kita, mamahalin kita katulad ng pagmamahal niya sa atin na mga anak niya." Aniya na nagpangiti sa akin.
"Minsan lang ako mag seryoso sa buhay ko Amerie, at sasabihin ko sayo ngayon, sa harap niya, sa loob ng tahanan niya, na sigurado na ako sayo Amerie Julia, siguradong sigurado."
Lecster!!!?
Lecster ko:( Ang hirap niyo naman saktan dalawa ni Julia, sobrang napamahal na kayo sa akin. Good morning everyone happy reading. Xoxo Sana lahat haba ng hair katulad ni Amerie 'no? Yung assurance ng ating Lecster Jade. Eh.
Follow niyo po ako sa mga Social Media Accounts ko.
Facebook: LuckyAvigail Moon Wp
Twitter: LuckyAvigail
Wattpad: LuckyAvigail
Thread: LuckyAvigailHart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...