Kabanata 45

1.7K 32 6
                                        

Kabanata 45

Sa hindi ko maintindihan na naramdaman nagising ako ng alas dos ng madaling araw ay agad akong umalis sa bahay nila Sir Aries, at iniwan ng mag-isa si Lecster na natutulog.

Hindi ako nagsisisi na nangyari yun sa amin dalawa, pero nahihiya ako, hindi siya ang nakauna sa akin, kaya pakiramdam ko hindi ko siya deserve.

"Amerie, anong oras ka dumating kagabi? Hindi na kita nahintay."tanong sa akin ni Mama pagbaba ko.

Agad naman akong sinalubong ni Sophie ng yakap. Akmang yayakapin ko siya ng pabalik ng may biglang pumasok sa pinto namin na ikinatigil ko.

"Lecster."tawag ko sa kanya.

"Iho, nandiyan ka pala. Tamang tama nag luto na ako dito kana mag almusal."Saad sa kanya ni Mama na ikinangiti niya.

"Julia? Okay ka lang?"pukaw ni Mama sa akin.

I nodded. "Opo. Si Kuya po?"

"Maaga umalis nasa trabaho na. O tsa kumain na tayo. Lecs sumabay kana sa amin."Yaya ulit ni Mama kay Lecster.

"Sure po."kalmadong sagot nito sabay tabi niya sa tabi ko.

"Kukunin ko muna yung sabaw."wika ni Mama sabay punta niya sa kusina. Agad naman lumapit sa akin si Lecster para bumulong na siyang ikinatigil ko.

"You left me huh?! Really love? After, I make you happy."he whispered sabay palo ko sa kamay niya.

"May bata!"saway ko sa kanya.

Agad siyang tumingin kay Sophie na ngayon ay masayang nakikipaglaro sa manikang Sofia the first.

"Don't tell me? Ikaw nagbigay niyan sa kanya?"

He nodded.

"Pero ...."

"Yes, but not totally, sila Mommy nagpabili niyan, ako lang nagdala."putol niya sa sasabihin ko. Akmang sasagot pa sana ako sa kanya ng dumating na si Mama dala ang sinigang na niluto niya kaya natahimik na kaming lahat para kumain.

Pagkatapos ng ilang minutong pagkain masayang nanonood ng TV si Sophie, samantalang abala naman si Mama sa mga pinagkainan namin kaya agad kong hinila si Lecster sa labas.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya.

"You left me, that's why I'm here."sagot niya na ikinayuko ko

"Takot akong umalis ka na naman papuntang Ibang bansa at iwan ako kaya agad akong pumunta dito."

"Hindi naman ako aalis."mahinang sagot ko sa kanya.

"Then why? Bakit ka umalis? Kanina?"tanong niya.

"Nahihiya ako Lecster, paano kung iwan mo ko? Dahil ma realize mo na mali ako para sayo?"tanong ko sa kanya pabalik.

Sumeryoso naman ang tingin niya sa akin bago niya kunin ang dalawang kamay ko para hawakan. 

"Like what I said, wala akong pakialam kung hindi ako ang nauna, I don't care. Dahil ang mas importante sa akin ako na ang huli. After what happened to us? Do you think kaya pa kitang iwan?"

"Lecster--.." tawag ko sa kanya sa maliit na boses.

"I love you."sagot niya bago ako yakapin.

This man was just soft and gentle towards me. Noon pa man ganito na talaga siya sa akin kahit ilang beses ko siyang sinusungitan noon.

Deserve ko ba 'to? Do I still deserve him?

"Noon, ngayon, kahapon, bukas alam ko sa sarili ko na wala na akong Ibang babaeng mamahalin kundi ikaw lang Amerie. Mahal kita buong-buo. Oo, aaminin ko na nagalit ako ng iniwan mo 'ko ng walang kahit isang salita na sinasabi. Pero kahit gano'n humihiling ang puso ko na bumalik ka lang, isang sabi mo lang na mahal mo ako. Pangako ko, hinding-hindi ka na makakawala sa akin, dahil sinisigurado ko sayo na itatali na talaga kita sa apelyido ko."

I don't know how to managed to continue breathing habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Nag sisimula ng tumulo ang mga luha sa mata ko, dahil sa mga salitang nilalabas ng bibig niya.

Hindi ko maiwasan tanungin ang sarili ko, kung pinili ko bang sabihin sa kanya ang totoo noon, kasal na kaya kami ngayon?  May anak na kaya kami ngayon? Ang daming what ifs, kung hindi lang sana ako naduwag at natakot noon, malamang masaya na kaming nagsasama ngayon.

"Noong bumalik ka, kasama mo si Eros, selos na selos ako. Seeing you happy with other man is a torture for me, lalo na at best friend ko pa. But still I pretend it doesn't bother me, but the truth is it's tearing me apart love. Kasi gusto ko akin ka lang, na ako lang dapat."Aniya na ikinatigil ko.

"I'm sorry---- I'm sorry."I whispered.

Agad niyang hinawakan ang pisnge ko at dahan-dahan pinunasan ang mga luha na tumutulo sa mga mata ko.

"It's okay, what is important is nandito kana, at hindi ka na puwede na umalis pa. Hinding- hindi na ako papayag Amerie. Akin ka na."

Natapos ang pag uusap namin ni Lecster na hindi ko pa din maipaliwanag ang nararamdaman ko. Magkahalong saya at lungkot, pagsisisi at excitement ito lahat ang nararamdaman ko. Nandito na ako ngayon sa School ni Sophie para hintayin siyang lumabas ng biglang nag ring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.

"Hello."

"Love?"tawag niya sa akin mula sa kabilang linya.

"Tss, bakit may kailangan ka?"taka kong tanong sa kanya.

"Grabe ka naman love, na miss lang kita. Nasa school kana?"

"Nagkita lang tayo kanina, at oo, nasa School na ako."

"Gusto mo sunduin ko kayo? Gusto ka din sana ulit makausap ni Atty. Velasquez regarding daw sa pagiging tatay ni hayop na ex mo sa anak natin."Aniya na ikinagulat ko.

"A-ano? Anak natin?"

"Yup, anak natin si Sophie. Handa akong maging tatay niya."Sagot niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Damn! Lecster!

"So, anong sasabihin natin kay Atty?"tanong niya ulit na pumukaw sa pag-iisip ko.

"Wala, after all what happened. Anak niya pa din si Sophie, siguro kung handa na siya, kung ayos at magaling na siya. Kaya ko na ipakita sa kanya si Sophie."seryosong sagot ko sa kanya na ikinatahimik niya.

"Yon lang ba?"tanong ko sa kanya.

"Yeah love, yun lang, see you later."Aniya.

"Tss, later? Bakit wala ka bang trabaho?!"Mataray na tanong ko sa kanya.

"I'm on leave love, baby, don't worry next week pa ang final na class schedule namin."sagot niya.

"Okay, sabi mo eh, sige na, aalis na ako, palabas na si Sophie."Ani ko sa kanya.

Agad natapos ang pag-uusap namin ni Lecster akmang papasok na ako sa School ni Sophie ng biglang nag ring ang phone ko sa pangalawang pagkakataon. Hindi ko na sana 'to sasagutin sa pag-aakalang si Lecster na naman ang tumawag pero laking gulat ko na isang unknown number kaya sinagot ko ito.

"Hello, good morning Ma'am"bati ng isang babae sa kabilang linya.

"Hello, yes?"

"Ito po ba si Ms. Amerie Julia?"she asked.

"Yes, speaking."

"Good morning Ma'am, we want your confirmation po if aattend kayo ng 1st foundation day ng AJ Child Home Foundation as Founder?" Tanong niya na ikinagulat ko.

Ano? Founder?

"Ma'am?"

"Wait, Founder ba kamo? Ako?"tanong ko ulit.

"yes po. Founder po."sagot niya na ikinatigil ko.

What's that? Seriously? Founder? Ako? Paano?

Omg, this is it! Wakas na ang sunooood. Ano sa tingin niyo mangyayari? Abangan.... Anyway after sa wakas see you sa 3rd installment ng Yesterday na ang bida ay si Allen hehe. I don't know if nasabi ko na 'to pero dapat si Von talaga ang 3rd, pero kasiii hindi pa ready yung mental health kooo isulat yung Story ni Von at ng main female lead niya.

Wakasss na next see youuuu. Iloveyou all. Xoxo.

Angie

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon