Kabanata 9

771 28 7
                                    

Mahigpit 3 oras din ang byahe namin
Papunta dito sa Opol galing sa MC, kaya pagdating na pagdating namin sa resort ay ramdam na ramdam ko ang pagod ng katawan ko.

"Juls, ako na magdadala ng gamit mo."ani ni Alexa sa akin sabay bigay ko sana ng bag ko sa kanya ng bigla itong kinuha ni Lecster sa mga kamay ko.

"I'll help you."tipid na sambit niya sabay baba niya sa bus agad ng hindi man lang kami nilingon kaya taka naman tumingin sa akin sila Mary Ann, Shayra at Alexa na hanggang ngayon nandito pa rin sa loob.

"Anong tingin yan?"takang tanong ko sa kanila.

"Ano yon ha? Juls, ikaw ha."tanong ni Mary Ann na pinagtaka ko.

"Anong ano?"takang tanong ko sa kanya.

"Bakit nasa kanya ang bag mo? At bakit hawak mo ngayon ang hoodie niya?"balik niyang tanong sa akin na ikinatingin ko sa hoodie na hawak ko. Akmang sasagot na sana ako sa kanya ng biglang unahan ako ni Alexa sa pagsagot.

"Wag niyo ng tanungin yan, baka mas lalong ma Inlove."Aniya na ikinangisi nila na ikinataas ng kilay ko. Pero imbis sagutin ko sila ay bumaba na lang ako sa bus at hinanap si Lecster para kunin ang bag ko.

"Bag ko."walang gana kong sabi sa kanya ng nakita ko siyang tahimik na naka sandal sa poste.

"Ako na."Aniya. Pero agad ko siyang tiningnan ng masama sabay kuha ng bag ko sa kanya.

"Puwede ba? Lecster, sinabi ko na sayo, wag mo akong kaawaan, hindi ko kailangan ng tulong mo kaya ko."wika ko sa kanya.

"And I told you already, hindi ako naawa sayo, I just want to help you Amerie, that's all."

"Well, thanks for the help, pero hindi ko kailangan ng tulong ng kahit sino, at lalo na kung galing sayo."sagot ko sa kanya sabay walk out sa harap niya.

"Ngayong nandito na tayo, we will give you four hours to rest, bago natin simulan ang event natin. For now sa gustong matulog, sa gustong gumala, enjoy na view, surroundings, but make sure after fours nandito na kayo lahat. Understand?" Announce ni Ma'am Helen sa amin sabay tango namin.

"Tara na sa room, sinong kasama ko?"tanong ni Ate Cherry.

"Apat apat daw sa Isang room, at dahil 8 tayo hatiin na lang natin Alexa, Julia, Shayra at Ate Cherry kayo ang magkakasama."saad ni Ate Recel sabay tango namin nila Alexa.

"At Janice, ako, Jane, at Mary Ann naman sa Isang room."

"Sure, pero ngayon, anong ganap? Me, matutulog muna kayo?"tanong ni Ate Janice sa amin sabay tingin namin sa isa't isa.

"Gagala kami."Saad naman ni Shayra at Alexa.

"Okay, sama na lang kami sa inyo."sagot naman ni Ate Cherry.

"E, ikaw Jane, ikaw Julia?"tanong ni Ate Recel sa amin ni Ate Jane.

"Matutulog na rin muna ako."sagot ni Ate Jane sabay tango ni Ate Recel.

"Ah, Sige lang, dito lang muna ako."sagot ko na lang sa kanila.

Dinala na muna namin sa mga kuwarto ang mga gamit namin sabay punta na namin sa mga sariling hanap namin maliban kay Ate Jan, at Jane, na mas pinili na lang matulog sa kuwarto nila.

"Sure ka Juls, hindi ka sasama sa amin?"tanong ni Mary Ann sa akin sabay ngiti ko sa kanya.

"Yeah, dito na lang muna ako."sagot ko sa kanya sabay ngiti nila lahat.

Pagkaalis na pagkaalis naman nila ay agad kong kinuha ang cellphone at wallet ko sa bulsa ko, pero laking gulat ko at cellphone ko lang ang nakita ko. Akmang babalik ako sa kuwarto para tingnan kung nandoon ang wallet ko ng bigla akong harangan ni Eros sa dadaanan ko.

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon