Kabanata 1

1.4K 30 3
                                    

Hindi madali maging matapang sa harap ng iba, hindi madaling maging ayos parati sa paningin nila kahit ang totoo naman ay hirap na hirap kana, pagod na pagod kana at higit sa lahat sukong suko kana.

Akala nila okay ka, wala kang problema, akala nila matapang ka, pero hindi nila alam nagpapanggap ka lang sa harap nila.


Katulad ko na lang, kilala ako ng mga tao bilang isang matapang na anak, kilala nila ako bilang isang matapang na student ng Elton University ng Malaybalay , at siyempre kilala rin nila akong matatag at malakas na kaibigan, pero ang hindi lang nila alam lahat Isa lang itong pagpapanggap upang matago ka talaga kung sino at ano ang totoo kong nararamdaman sa kanila.

"Okay ka lang?"tanong ni Alexa dito sa tabi ko habang hinihintay namin ang Ibang majors sa Educ na siyang na assign katulad namin sa BEN High School, ngayong araw kami pinagtipon ni Dean para pag planuhan ang gagawin namin next week pag punta namin do'n at kung sino ang magiging leader namin na student teachers na siyang maassign na magpasa ng mga letters namin sa head ng school.

"Tss, future educators, late pa rin, hindi ba nila naisip na 8am na ang sinabi ni Dean dapat 7am nandito na lahat, pero nasaan na sila?" Mataray na tanong ni Alexa sa akin kaya tumahimik na lang ako dahil pakiramdam ko kung sasagutin ko siya mananalo lang siya sa sagutan.

Akmang magsasalita pa sana siya ng biglang nagdatingan na ang mga kasama namin sa BEN na ikinatingin namin sa kanila.

"Sa BEN rin kayo?"tanong ng isang babae sa amin na medyo yayamin ang pananamit na hula kong taga English Major.

"Ah, oo, kayo rin?"tanong naman ni Alexa sa kanya.

"Yes, yes, I am Shayra Rosales English Major, at ito si Ate Cherry  Caguimbal, English Major rin, then ito si Janice Griffith, si Jane Fonda sila naman ang Science major na kasama natin na assign sa BEN at ito si Recel Bigcas ang nag iisang Math Major natin."sagot ni Shayra kay Alexa."

"Alexa Villasencio, Filipino Major din."pakilala ni Alexa sa sarili niya sabay tingin naman nila lahat sa akin.

"Ah, Amarie Julia Cuevas, Filipino Major."saad ko na lang sa kanila sabay tango nila lahat.

"So, sino pang kulang sa atin? Nandito na ba lahat?"takang tanong ni Ate Cherry sabay tingin namin sa isa't isa.

"Sa amin may isa pang wala si Mary Ann Lozada, na traffic lang, pero parating na."sagot ni Alexa sa kanya.

"Ang Ibang majors? May kasama pa ba tayo maliban sa atin walo?"tanong naman ni Recel.

"Ang alam ko, mayroon pa, base sa papel na hawak ni Alexa, may Mapeh at Values majors ata tayo na kasama."sagot ko sa kanya na ikinagulat nilang lahat maliban kay Alexa na alam na ang tungkol dito.

"Really? Mapeh? Don't tell me, ang tinutukoy mong Mapeh majors ay sila Lecster at mga barkada niya?"takang tanong ni Ate Janice na ikinatingin ko kay Alexa kaya agad niyang inabot ang papel na hawak niya sa mga kasama namin agad naman itong tinanggap ni Ate Cherry at binasa.

"Oh, my, goodness, sila nga, so kasama talaga natin sila Lecster sa BEN?"

"Baka nga, kung nandiyan talaga ang pangalan niya malamang kasama nga natin siya."sagot naman ni Shayra sa kanya na ikinatingin ko sa kanilang lahat.

Ano bang mayroon sa lalaking yon? At lahat ng tao gulat na gulat sa kanya?

Magsasalita sana si Alexa ng biglang isang boses mula sa likod namin ang sumingit sa usapan namin na ikinatingin namin lahat doon.

"Sorry, we're late."ani ni Lecster na ikinatingin namin lahat sa kanya.

"Ah, late rin kami Sir, don't worry ito pang dalawa ang nauna dito kanina."sagot sa kanya ni Recel sabay tingin niya sa amin ni Alexa.

"Sorry, may dinaanan pa kasi kami, at pinuntahan na rin namin ang Values Student Teachers na aassign rin sa BEN para sabay na kami pumunta dito na walo."aniya sa amin ni Alexa sabay tango ko.

"Don't worry, sanay na kaming maghintay."sagot sa kanya ni Alexa kaya agad kong pinalo ito sa kamay niya na ikinataas ng kilay niya sa akin.

"Bakit ba? Totoo naman ah, kita mo ngayon hinihintay pa rin natin si Mary Ann."saad niya sa akin.

"Kahit na."sagot ko na lang sa kanya sabay tingin ulit kay Lecster na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

"Okay lang, hindi naman kami gaano naghintay."sagot ko sa kanya na ikinangiti niya o baka naman namamalik mata lang ako, at bakit naman siya ngingiti sa akin diba? E, may utang pa nga ako sa kanya.

"Anyways kumpleto na ba tayo?"takang tanong ng babaeng katabi ni Lecster sa amin.

"Hindi pa, pero okay na para magsimula ng meeting susunod na lang daw ang isa namin na kasama."sagot sa kanya ni Alexa sabay tango ng babae sa kanya.

"Tss, Filipino pa nga naman sinasabuhay talaga ang pagka Filipino, Filipino time."bulong niya na rinig na rinig naman namin akmang sasagot sana si Alexa sa kanya ng bigla siyang unahan ni Lecster magsalita.

"Glaiza!"

"Why? Totoo naman ah, duh."sagot nito sa kanya sasagot pa sana si Lecster sa kasama niya ng unahan ko na siya sa pagsasalita.

"You know what Ma'am? I understand you, at kung atat ka talaga mag meeting edi mauna na kayo, tsaka susunod lang naman kami kung anong plano niyo ngayon."

"Really?"

"Oo, kaya puwede ba? Kung mainit ang ulo mo, wag mo kaming idamay, tss, kung makapagsalita ka naman parang hindi ka rin late."sagot ko na lang sa kanya na ikinangisi nila Alexa dito sa tabi ko, at kahit ng mga kasama niya.

Ilang minuto pa kaming naghintay hanggang dumating na si Mary Ann kaya pagdating na pagdating niya agad na kaming nagsimula sa meeting namin.

"So, tomorrow na lang natin ibibigay ang letter natin?"

"Oo, tutal sa Monday pa naman ang start natin, ang tanong na lang dito ay sinong magiging leader natin?"takang tanong ni Ate Cherry sa amin lahat sabay turo ng mga Mapeh at Values Major Kay Lecster kahit sila ate Janice siya rin ang pinili maliban sa akin na ngayon ay nakatulalang nakatingin sa kanya.

"Okay, majority wins, panalo na si Lecster."saad ng Glaiza na ikinatahimik ko na lang.

Nag usap pa kami ng mga ilang bagay tungkol sa internship namin sa BEN ng napagpasyahan na namin umuwi lahat, nauna na si Mary Ann at Alexa sa akin dahil sinunod sila ng mga boyfriends nila kaya ito ako ngayon no choice kundi maghintay ng jeep para maka uwi. Tahimik akong naghihintay dito sa waiting shed ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Talaga ulan? Ngayon pa talaga?"kausap ko sa sarili ko ng biglang may nagsalita sa likod ko na ikinagulat ko.

"Seriously? Talking to rain? Ano sa tingin mo sasagutin ka niya?"

"A-anong ginagawa mo dito?"takang tanong ko sa kanya.

"Actually, pauwi na ako, then I saw you here, kaya naisipan kong bumaba, para sabihin na puwede kang sumabay sa akin kung gusto mo."Aniya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.

"Ah, eh, wag na maghihintay na lang ako ng jeep dito."sagot ko sa kanya na ikinangisi niya.

"Okay lang sana kung mayroon lang jeep sa oras na 'to, but sad to say, pag ganito ang panahon, wala na talagang dumadaan na jeep dito."Aniya.

"P-ero..

"Don't worry, kung gusto mong magbayad ng pamasahe, walang problema tanggapin ko yan, o puwede rin na idagdag mo na lang sa utang mo sa akin kung wala ka na naman cash, kesa maghintay ka dito hanggang huminto ang ulan na siyang malabong mangyari, tsaka one more thing, hindi ko kayang makita na may babaeng naghihintay ng matagal dito knowing na may magagawa naman ako para sa kanya."putol niya sa sasabihin ko.

"So, ano? Let's go?"tanong niya sabay ngiti sa akin na ikinatigil ko.

He smiled! Ngumiti ulit siya sa akin, at hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung bakit ako kinakabahan sa ngiti niya, bakit?

Hart Moon

Update ako, kasi gruaduate na ko😭😭😭

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon