Kabanata 13
Wala ng magmamahal sa akin, kaya sobrang hirap para sa akin na paniwalaan ang sinabi ni Lecster, lalo na oras na malaman niya ang sekreto ko, alam kong iiwan niya rin ako dahil sino nga ba naman ang magmamahal sa isang katulad ko, hindi na nga makita ang kulay ng mundo, may anak pa. Tsaka sa ngayon wala na akong paki kung wala man magkagusto sa akin o mayroon dahil mas importante sa akin ang anak ko, siya lang ayos na ako, siya lang masaya na ako, hindi ko na kailangan ng katuwang na alam kong mawawala rin oras na makilala ang totoong ako.
"Okay, handa na ba lahat para sa araw na 'to? Ngayong araw makikilala natin si Francisco Balagtas. Ang may akda ng Romansang Florante at Laura."wika ko sa mga students ko.
Tatlong araw na simula ng bumalik kami sa pagtuturo at sa tatlong araw na yon, wala akong Ibang ginawa kundi iwasan si Lecster, ni hindi na ako sumasabay kina Alexa sa pagkain, dinadahilan ko na lang na gusto akong makasama ng CT ko, kahit ang totoo ay iniiwasan ko lang silang lahat lalo na si Lecster, hindi ko pa kayang makita siya lalo na sa mga sinabi niya.
"Ma'am?"
"Yes, Daniela?"tanong ko sa Isang student ko na nagpataas ng kamay.
"Tula po ba ang Florante at Laura? Bakit parang nakasulat siya patula?" Tanong niya sabay ngiti ko.
"Good question Dan, oo Isang tula ang Florante at Laura, sinulat ito ni Francisco Balagtas. Pero bago tayo magpatuloy sa talakayan natin, sino muna sa inyo ang may idea kung sino si Balagtas?"
"Ma'am!"
"Frincess?"
"Siya po ay isang Makata, may pangalan po siyang Prinsipe ng Makatang Pilipino."
"Magaling! At alam niyo ba kung sino ang inalalayan niya ng Tulang Romansa na 'to?" Tanong ko sa kanila sabay iling nila.
"Maria Asuncion Rivera, ang masasabi natin na greatest love ni Balagtas, hindi man sila ang nagkatuluyan kailanman hindi nawala sa puso niya ang babae, marami silang napagdaanan ng magkasama, makikita niyo sa unang bahagi ng libro na mayroon kayo ngayon na may Isang sulat na inaalay ang bidang lalake sa bidang babae tama?"
"Opo Ma'am!"
"Sinabi d'yan na kahit ilang taon na ang lumipas, hindi niya pa rin makalimutan ang babaeng mahal niya, tinanong niya rin d'yan kung naalala pa kaya siya nito, ang bahagi na yan ay pag alala ng karanasan ni Balagtas at ng kanyang iniibig na si Maria kung paano sila nagsimula, at paano biglang natapos sa Isang iglap ang pag-iibigan nila."
"Ma'am?"
"Yes, Jasper?"
"So, hindi po sila ang nagkatuluyan ni Maria Ma'am?"
"Yes, si Maria ay ex ni Balagtas. Pero alam niyo ba ang nakakamangha sa prinsipe ng Tulang Tagalog?"tanong ko sa kanila sabay iling nila.
"Totoo siya kung magmahal, ilang taon simula ng magkahiwalay sila ni Maria, ay hindi siya basta nakahanap ng bagong iniibig, umabot pa ng ilang taon bago siya nakahanap ng bagong pag-ibig." Ani ko sa kanila sabay ngiti ko. "At yan ang klase ng pag-ibig na malabo na natin makita ngayon sa bagong henerasyon. Sa tingin niyo bakit?"
"Puro joke Ma'am."
"Mga manloloko Ma'am."
"Chat Chat na lang Ma'am."
"Tama! Mahirap ng makahanap ng totoong pagmamahal ngayon, mahirap ng makahanap ng Balagtas sa ating henerasyon, dahil mabibilang na lang natin ang totoo, taong seryoso yong tipong, aalalayan ka ng tula, bibigyan ka ng mga hand written letters, dahil puro chat na lang sila ngayon, at higit lahat puro laro. Naiintindihan?"
"Opo Ma'am."
"Mabuti! Bukas magsisimula na tayo sa Kabanata 1 ng Florante at Laura kaya, basahin niyo na 'to para bukas madali na lang natin itong intindihin. Maliwanag?
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romansa(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...
