Kabanata 19

645 22 2
                                    

Kabanata 19

Hindi ko alam kung anong nangyayari at bakit kanina pa text ng text sila Shayra at Alexa sa akin, kaya pagkatapos na pagkatapos ko sa shift ko ay agad akong pumunta sa ALS room kung saan kami tumatambay lahat, at laking gulat ko na lang dahil agad agad akong hinila nila Alexa na siyang ikinagulat ko.

"Anong nangyayari?"takang tanong ko sa kanila, wala naman silang sinagot sa tanong ko sa halip may tinuro lang sila mula sa labas na ikinatingin ko doon.

"See that?"takang tanong ni ate Cherry na pinagtaka ko, dahil sa Lecster na may kasamang magandang babae ang tinuturo nila.

"Oo, tapos?"

"Really? Juls? Wala ka ba talagang nararamdaman para sa kanya? O sadyang manhid ka lang? Para aminin sa sarili mo na gusto mo siya."Ani ni Ate Jane na ikinatigil ko sabay tingin ko ulit kina Lecster at doon sa kasama niyang babae na masayang nagtatawanan sa path way.

Tss, liligawan daw ako ha, kabaliwan Lecster, kabaliwan. May manliligaw bang malandi pa rin? At ano kamo? Titigilan mo na pagiging playboy? Pero ito ka ngayon, tss.

"Tss, hayaan niyo na sila, tsaka, wala akong feelings sa playboy na yan at kahit anong gawin nila, kahit mag tsuktsakan pa sila d'yan wala akong paki, at hindi ako magkakaroon ng paki."seryosong sagot ko sa kanila na ikinatahimik nila.

"Sure ka? Hindi ka nagseselos?"tanong ni Shayra na ikinatingin ko sa kanya.

"Of course, wala akong dapat ikaselos okay."

"Okay, sabi mo e, so let's go."Ani niya sabay hila na naman nila sa akin sa pangalawang pagkakataon.

"Saan tayo?"takang tanong ko sa kanila dahil agad agad lang nila akong hinila palabas.

"Ice coffee, ng maging malamig ulo mo."Ani ni Alexa.

"Kayo na lang, wala akong pera."

"Bakit Ikaw ba? Bibili? Tara."biglang Saad ni Ate Cherry sabay hila niya ulit sa akin.

Akala ko ba sa canteen kami? Bakit dito kami ngayon dumadaan kina Lecster?

"Bakit tayo dito dumaan?"

"Para makita ng babaeng yan na mas maganda ka duh."sagot ni ate Janice na ikinatigil ko.

What duh?! Seryoso ba sila?

"Mga Ma'am." Biglang tawag sa amin ni Lecster.

"Good morning Sir."sagot naman ni Ate Recel sa kanya samantalang tahimik lang ako dito sa tabi ni Shayra at Ate Cherry, pero ramdam ko na sa akin ang mga tingin ngayon ni Lecster.

"Babalik na ako sa ALS."paalam ko sa mga kaibigan ko hindi ko na sila hinihintay sumagot dahil agad agad ko na silang tinalikuran sabay balik sana sa ALS room ng biglang may tumawag sa akin mula sa likod na ikinatingin ko doon.

"Best friend."

"Tss, puwede ba Eros, kung iinisin mo ako wag ngayon."Ani ko sa kanya.

"Bakit? Selos ka?"tanong niya.

"No! Bakit naman ako magseselos at puwede ba? Wag mo na akong I ship sa kaibigan mong playboy, nakakarindi!"

"Whoah! Easy Juls. Hindi ako sa Lecster."

"What ever."sagot ko na lang sa kanya sabay talikod rin sana sa kanya ng bigla niya akong hilain na ikinatingin ko ulit sa kanya.

"What?!"

"Samahan mo ako mag lunch, gutom."Aniya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.

"Busog ako."

"Hindi ka busog."

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon