Kabanata 16
Sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko, isa lang ang masasabi kong natutunan ko at yon ay wag ng magtiwala ng basta -basta sa mga tao, dahil sa huli ikaw lang ang masasaktan, ikaw lang ang magiging kawawa, ikaw lang ang maiiwan.
"Nakakapagod ang mga Grade 7, ang ingay lahat."kuwento ni Ate Recel sa amin habang tahimik kaming tatlo nila Alexa naghihintay sa iba namin kasama.
"Nah, sinabi mo pa, may isang section nga na napagalitan ni Ma'am Jessa dahil sa ingay kanina."kuwento rin ni Alexa. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila ng bigla silang napatingin sa akin dalawa.
"Buti maman Juls, nakasama ka na ulit sa amin kumain."Ani ni Ate Recel sa akin sabay ngiti ko.
"Nagkaroon lang ng oras ate." Sagot ko sa kanya.
"Oras, o may tinatakasan? Alin sa dalawa Julia?"tanong ni Alexa sa akin na ikinangisi naman ni Ate.
"Ayiee, anong mayroon sa inyo ni Lecster Juls?"tanong naman ni Ate sabay iling ko.
"Ha? Wala!"pagtanggi ko na ikinangisi lang nilang dalawa. Akmang magsasalita pa sana si Alexa ng biglang nag ring ang phone ko kaya agad akong tumayo at lumayo as kanila ng konti para sagutin ito.
Ilang minuto din akong natagalan sa pakikipag usap kay Sophie bago bumalik sa kanila Alexa at tulad ng inaasahan nandito na sila lahat.
"May ulam kana Amerie?"tanong ni Ate Janice sa akin sabay iling ko.
"Wala pa, bibili pa."
"Aw, tara sabay na tayo."Aniya sabay tango ko.
Agad agad kaming lumabas ni Ate Janice para bumili ng pagkain nasa linya na kami ni Ate para bumili ng biglang may bata akong nakita na nakaabang sa restaurant kung nasaan kami halatang gusto niyang bumili ng pagkain at sa pananamit niya alam kong wala pa siyang kain.
"Juls, tapos kana?"tanong ni Ate pagkatapos kong mag order.
"Ah, una ka na lang muna ate, susunod na lang po ako may bibilhin lang ako."sagot ko sa kanya.
"You sure?"
"Opo."sagot ko sa kanya sabay tango niya. Pagkaalis na pagkaalis ni Ate ay agad akong lumapit sa batang lalake na kanina pa tingin ng tingin sa loob.
"Gang, ito o, kain kana."Ani ko sa kanya sabay abot ko sa kanya ng pagkain na inorder ko kanina.
Halata naman ang gulat sa mata niya dahil sa ginawa ko kaya agad naman akong ngumiti sa kanya.
"Don't worry, tapos na akong kumain, sayo na yan."
"Talaga po?"masayang tanong niya sabay gulo ko ng buhok niya.
"Oo, basta promise mo uubusin mo yan ha, sige na kainin mo na yan."sagot ko sa kanya sabay upo niya sa Isang upuan, akmang sasagot na sana siya sa akin ng biglang isang boses ang pumutol sa kanya.
"You are such a rare find."
"Ha? Tsaka, anong ginagawa mo dito?"takang tanong ko kay Lecster na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.
"You really deserve all the happiness in the world Amerie, napakabuti ng puso mo."Aniya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso. Sasagot na sana ako sa kanya ng biglang may boses ng batang babae ang tumawag sa akin.
"Ate Pretty."
"Amallia."nakangiting tawag ko sa kanya.
"Hi ate, nagkita na po pala kayo ng Kuya Lecster ko, diba Kuya sabi ko sa kanya, sobrang pretty niya. Diba?"
"Yes, baby, she is pretty, so___..."
"Amerie, nandito ka rin."putol ni Von sa sasabihin ni Lecster na ngayon ay kararating lang.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...