Kabanata 31

636 20 0
                                    

Kabanata 31

Warning: Patnubay ng mga magulang ang kailangan para sa mga batang nagbabasa

Nandito kaming lahat sa BEN ngayon ng mga kasamahan ko para kunin sa registrar ang Certificate of Completion namin, ang palatandaan na natapos namin ang apat na buwan ng Internship. Sabay kaming pumunta ni Alexa dito, katulad ng nakasanayan namin dalawa.

"Juls, can I ask you?"seryosong tanong ni Alexa habang naka upo kami ngayon dito sa Bench. Ginagawa pa ang certificate namin ng registrar kaya kailangan namin maghintay.

Tumango ako.

"Actually, I know wala akong right tanungin ka nito, but I accidentally heard you kahapon sa phone, noong hinihintay kita kahapon. I heard you saying anak."Aniya na nagpatingin sa akin sa kanya.

"Lex...."

"Don't worry, I will not pressure you to tell me, siguro kung handa kana, kaibigan mo ako Amerie, at tanggap kita. Hindi lang talaga ako mapakali."

"She's my daughter Alexa." I answered.

Agad siyang napatingin sa akin na tila nagtataka kung ano ang ibig kong sabihin kaya ngumiti akong humarap sa kanya.

"Anak ko ang kausap ko kahapon, alam kong nakaka bigla, kasi wala naman akong sinabihan sa inyo, wala rin kayong nabalitaan, pero isa siyang pandemic baby. Alam ko na alam mo na yung about sa boyfriend ko for 6 years, and yes, siya ang ama ng anak ko, but yes, naghiwalay rin kami 2 years ago."kuwento ko sa kanya sabay tingin niya ng seryoso sa akin.

"Ibig sabihin 3 years old na ang anak mo? Bakit kayo naghiwalay?"seryosong tanong niya.

I smiled.

"I guess it's meant to be, tsaka hindi na importante kung anong rason Lex, basta ang mahalaga lang sa akin ngayon ay Sophie, siya lang. Kaya sana patawarin mo ako kung, hindi ko sinabi sayo."

"I understand Amerie, noon pa man sobrang mahal mo na ang pribadong buhay mo, kaya naiintindihan ko. At tanggap ko ang anak mo, basta ba, Ninang niya na ako kahit huli na."Aniya na nagpangiti sa akin.

"Salamat."

"Pero, si Lecster ba? Alam na?"

Umiling ako.

Halatang nagulat siya sa pag-iling ko, kaya tipid na lang akong ngumiti sa kanya.

"Pero Amerie, kailangan niyang malaman."Aniya.

I nodded.

"Alam ko yun, hindi ko lang alam kung paano sasabihin sa kanya, what if hindi niya matanggap?"

"Matatanggap niya Amerie, kung totoong mahal ka niya."sagot niya.

"Sana ganun lang kadali, pero alam ko naman na kailangan niyang malaman, at sasabihin ko rin naman sa kanya, pero siguro, ihahanda ko muna ang sarili ko, sa posibleng maging mangyari, ihahanda ko muna ang puso ko sa sakit."

"Per...."

" Ito na mga Ma'am."tawag sa amin ng registrar sabay lapit namin ni Alexa sa office para kunin ang mga certificate namin dalawa. At dahil sa kami nga ang nauna ni Alexa ay napagpasyahan namin na umuwi na pagkatapos namin ito makuha.

Masaya ako, masaya akong tanggap niya ang pagkakaroon ko ng anak, at sana katulad niya matanggap rin kaming dalawa ni Lecster balang araw.

Pasakay na sana kami ng bao- bao ni Alexa ng biglang may humawak sa kanang kamay ko para pigilan akong sumakay doon na ikinatingin ko sa kanya.

"Let's go love."

"Aladin ano ba?!"

"Bitawan mo siya!"biglang singit ni Alexa sa usapan namin ni Aladin.

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon