Maaga akong pumasok ngayon sa BEN para asikasuhin ang SF2 na pinapagawa sa akin ni Ma'am Marny, dahil wala siya ngayong araw para sa isang event, at bilang student teacher niya ako ang kailangan sumalo sa mga klase niya.
Hinahanda ko na ang mga visual aids na gagamitin ko para sa lesson ko ngayon ng bigla akong tawagin ng isang student ko na nagpatigil sa akin sa ginagawa ko.
"Ma'am?"
"Yes Carl?"tanong ko sa kanya.
"Si Lecster Ma'am hanap ka."Aniya na ikinagulat ko agad naman akong tumingin sa mga pintuan upang kumpirmahin ang sinabi ng student ko pero wala akong Lecster na nakita.
"Nasaan? Kayo ha, niloloko niyo ako."sagot ko sa kanila sabay tawanan nila.
"Ayiee, si Ma'am hinahanap si Sir, crush mo Ma'am 'no?"takang tanong ni Edwin habang nakangiti sabay tingin ko sa kanya habang naka taas ang dalawang kilay.
"Anong crush? May jowa yon." Sagot ko sa kanya.
"E, kakasabi niya nga lang na wala, ayiee si Ma'am, crush si Sir."asar niya sa akin sabay ngiti ko.
"Shh, crush crush, aral muna, bago landi, sige na tapusin niyo na yan."Saad ko sa kanila sabay tuloy nila sa pagsagot ng activity na binigay ko.
Hindi ko talaga inaasahan na ishi-ship ako ng mga batang 'to sa Mapeh Student Teacher nila, e kitang kita naman na hindi kami bagay dalawa.
Natapos ang klase ng purong pang aasar lang ang narinig ko sa mga students ko sa Grade-8 kahit mga kapwa ko ST, ay nagsisimula na rin kami asarin dahil sa mga naririnig nila sa mga bata.
"Juls ha, ano yon?"takang tanong ni ate Janice sa akin habang hinihintay namin ang iba.
"Anong ano yon?"
"Crush mo daw si Sir Lecster sabi ng mga bata sa taas."sagot niya na ikinatigil ko.
"Hoy! Mga fake news, kailan pa ako nag ka crush do'n, ni hindi nga kami close."Saad ko sa kanya na ikinangiti niya na lang. Tahimik lang kaming naghihintay sa iba ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot.
"Yes Ma?"tanong ko kay Mama na siyang tumawag.
"Off muna Juls? Tanong niya.
"Opo, kakain na lang po."sagot ko sa kanya.
"Iha, umuwi ka na lang muna, dito ka na lang kumain."Aniya na ikinatigil ko.
"Bakit po? May nangyari po ba?"takang tanong ko sa kanya.
"Dito na lang tayo mag usap."sagot niya sabay off ng tawag kaya agad akong humarap kay Ate Janice para mag paalam.
"Ate, mauna na ako ha, may emergency lang."paalam ko sa kanya.
"Why? What happened?"
"Hindi ko rin po alam, pero pinapauuwi na ako, una na po ako, pakisabi sa iba."sagot ko sa kanya sabay tango niya.
Agad agad akong tumakbo palabas ng school ng nahulog ang mga librong dala ko.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...