Kabanata 22
Never reveal your feelings to anyone, because that will become your weakness.
Ito ang katagang pinaniniwalaan ko simula ng nasira ang anim na taon na namin na relasyon ni Aladin, kung ito lang sana ang sinunod ko noon, hindi sana ako nasaktan ng ganito ngayon. Aaminin ko kinakabahan ako ngayon, lalo na sa mga katagang binitawan ni Lecster kanina, gusto kong ngumiti, gusto kong sabihin na masaya ako, pero natatakot ako at ayaw ko ipakita sa kanya na masaya ako sa narinig ko, dahil baka sa huli ako na naman ang talo. Isang beses lang akong nagmahal sa buong buhay ko, at yong Isang beses na yon, akala ko yon na, akala ko, siya na talaga, pero nagkamali ako, nagkamali ako dahil sa huli ako ang umuwi na hulaan sa relasyon na hiniling kong pang habang buhay na sana.
"Juls, okay ka lang?"pukaw ni Ate Janice sa pag iisip ko. Naka upo kami dito sa upuan habang nakaharap kami sa apoy bonfire kung tawagin nila, samantalang nagkakantahan naman ang iba, hindi pa luto ang pagkain kaya hinayaan muna kami mag enjoy nila Ma'am Helen.
"Yes ate."I said while smiling at her.
"Nagugustuhan mo na?"seryosong tanong ni ate Jane sa akin.
Gusto ko man tumanggi sa tanong niya, alam kong alam na nila ang isasagot ko, kaya tumango na lang ako ng dahan dahan na halatang ikinagulat nilang walo.
"Sabi na nga ba, pero bakit ganyan mukha mo?"tanong naman ni Ate Recel.
"Takot ka Juls?"tanong din ni Mary Ann.
"Hindi ka namin masisisi playboy e."Ani naman ni Alexa na ikinatahimik ko na lang.
"Pero you know what Juls? Love is love, oras na magmahal ka, kahit playboy pa siya, kahit ano, o sino pa siya, kahit ano pa ang nakaraan niya, wala ka ng magagawa, dahil kahit gaano mo pa pigilan ang puso mong wag tumibok sa tao, titibok at titibok yan , kung yan talaga ang tinadhana."seryosong sabi ni Ate Cherry na ikinatingin ko sa kanya.
Hindi ko alam kung yun ba ang tawag sa nararamdaman ko sa kanya, pero nakakatakot, nakakakaba.
"Hindi ko naman alam kung ganoon na ba ang nararamdaman ko para sa kanya."mahinang sagot ko sa kanila.
"Natatakot ka?"tanong ni Ate Janice sabay tango ko.
"We understand you Juls, mahirap naman talagang sumugal sa pagmamahal kung walang kasiguraduhan."Saad ni Ate Recel.
"Yeah, lalo na kung may mga higad sa paligid."Mataray na sagot ni Alexa na ikinatawa ng lahat.
"Tsaka, isa pa, dapat dumaan muna sa amin si Lecster kung liligawan ka, dahil talagang aakyat muna siya ng punong mangga, pambayad sa amin 'no."Ani naman ni Shayra na ikinangiti ko.
Masaya ako, masaya akong nagkakaroon na ako ng mga kaibigan na hindi ko akalain na makakausap ko ng ganito, mga kaibigan na handa akong suportahan sa mga gagawin at desisyon ko. Pero kung malaman kaya nila ang totooo? Kung makilala kaya nila ang anak ko, si Sophie at ganito pa din sila sa katulad ko?o katulad ng iba, mawawala din sila sa buhay ko.
Huminto muna kami sa kwentuhan nila ate Janice ng tinawag na kami nila Ma'am Helen para kumain. Isa Isa kaming kumuha ng plato namin para sa kanina at ulam ng biglang may umagaw ng walang laman na plato sa kamay ko sabay abot niya sa akin ng platong may laman na ng pagkain at ulam na halatang ikinagulat ng mga taong nakatingin sa amin ngayon.
Imbis umangal ako sa ginawa ni Lecster ay ngumiti na lang ako sa kanya na ikinangiti niya rin sa akin.
"Edi kayo na, may taga silbi how about me naman?"mapang asar na tanong ni Ate Recel na ikinatawa nila.
"Tss, arte, ano walang kamay?"Mataray naman na tanong ni Glaiza na ikinatingin ko sa kanya.
Gusto ko siyang sagutin, pero agad agad hinawakan ni Lecster ang kanang kamay ko na siyang nagpakalma sa akin.
"Glai, please."Ani ni Lecster sa kanya na ikinatahimik niya na lang.
Natapos na kaming kumain lahat, at naghanda na ang Iba sa mga palaro ni Ma'am Helen na siyang ikinatuwa ng mga kasama ko dahil kahit papaano daw, makakapagpahinga sila dito sa birthday ni Ma'am sa mga estudyante nilang ubod ng kulit.
"Hindi ka sasali?"tanong ni Alexa sa akin habang busy akong inaayos ang kumot ko para isapin sa damuhan. Mas gusto kong manatili dito para ma tingnan ang langit, ayaw kong I belong ang sarili ko sa mga taong alam kong mawawala din sa akin sa huli oras na makilala o malaman nila ang totoong ako.
"Dito na lang ako."nakangiting sagot ko sa kanya.
"Sure ka?"tanong niya ulit sabay tango ko akmang magsasalita pa sana siya ng biglang unahan siya ni Lecster sa pagsagot.
Ano na naman ginagawa ng lalaking 'to dito?
"Ako na ang bahala sa kanya Ma'am."
"Ah, sige Sir. Juls babalik din ako mamaya ha."paalam ni Alexa sabay ngiti ko.
"Puwedeng umupo?"tanong naman ni Lecster sa akin pag alis na pag alis ni Alexa.
"Tss, ano bang ginagawa mo dito?"
"I want us to talk. Tsaka malungkot mag Isa Amerie."Aniya na ngayon ay naka upo na sa tabi ko.
"Sanay akong mag Isa Lecster, at puwede ba? Tama na, tigilan na natin 'to, kasi pareho lang tayong masasaktan sa huli."ani ko sa kanya na ikinatingin niya ng seryoso sa akin.
"Wala pa nga tayong nasisimulan, pinapangunahan mo na. Amerie, oo, sasabihin natin na, walang kasiguraduhan tayong dalawa, pero hindi mo mapipilit ang puso kong tumibok para sayo."
"Mahirap akong mahalin Lecster, masasaktan ka lang." Seryosong sabi ko sa kanya na ikinangiti niya lang.
"Edi, sabay tayong mahirapan, edi pareho tayong masaktan, pero hinding hindi pa din ako titigil. Ganyan naman ang love diba? Tsaka, hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka nahihirapan at nasasaktan. Dahil sabi nga nila ang totoong nagmamahal talagang dadaan sa hirap."Aniya na ikinatahimik ko.
"Miserable ang buhay ko Lecster."
"That's not a problem, gawin mo din miserable ang buhay ko. Amerie, I'm willing to take the risk. Wala namang masama kung subukan natin diba?"
"Walang masama, pero nakakapagod ng masaktan Lecster, nakakapagod ng maniwala sa mga taong walang Ibang ginawa kundi paiyakin at pahirapan lang ako, nakakapagod na."
"Try me, subukan mo ako. Hindi ko man maipapangako sayo na hindi ka iiyak, mapapagod at mahihirapan sa piling ko, but I swear nandoon ako sa mga panahon na yon, kung dumating man ang panahon na yon, nasa tabi mo lang ako, kahit anong mangyari, hinding hindi ako mawawala, hinding hindi kita iiwan." Aniya na ikinatingin ko sa kanya.
"Sinasabi mo lang yan, pero alam ko, iiwan, huhusgahan, at sasaktan mo din ako sa huli."
"Hindi lahat ng tao Amerie iiwan ka oras na magkasakitan kayong dalawa, hindi lahat ng tao iiwan ka sa ere, na ikaw na lang ang lumalaban sa inyong dalawa. Hindi lahat ng tao mawawala sayo Amerie, hindi lahat.
"Tss."
"Natatakot ka, at naiintindihan ko."Aniya sabay hinga niya ng malalim bago tuluyan hawakan ang kaliwang kamay ko. "Kinakabahan ka, naiintindihan ko. Pero Amerie, I swear, sinusumpa ko, oras na sagutin mo ako, kahit anong mangyari sa relasyon natin, hinding hindi ako bibitaw, ilalaban ko 'to, ilalaban kita, ganyan kita kamahal, pagmamahal na gagawin lahat para sayo, wag lang ang iwan ka, dahil hindi ko yon kaya. Mahal kita Amerie, mahal kita."he said bago tuluyan patakan ng halik ang kamay kong hawak hawak niya na ikinatulo ng luha ko.
Sana nga Lecster. Sana nga. Dahil konti na lang, konting konti na lang, parang mamahalin na din kita.
Hindi nga si Lecster mang iiwan, pero si ano......
.shut up na lang. Anyways good morning sa lahat. Happy reading. And a blessed Sunday to all.Follow niyo po ako sa mga Social Media Accounts ko.
Facebook: LuckyAvigail Moon Wp
Twitter: LuckyAvigail
Wattpad: LuckyAvigail
Thread: LuckyAvigailHart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...