Kabanata 21

682 25 5
                                    

Kabanata 21

Pilit kong kinalimutan ang nangyari kahapon, lalo na yong halikan ni Lecster at ni Rose sa gate ng School na kitang kita ko, oo, aaminin ko, nasaktan ako, masakit pala, oo na, aaminin ko, gusto ko na siya, gusto ko na siya at tama lang na nakita ko yung kahapon ng matigil na itong maling nararamdaman ko habang maaga pa, habang kaya ko pa.

Tsaka sa mga nangyari sa buhay ko, alam kong hindi ko pa kaya pumasok sa relasyon at hindi na ako puwedeng mag pakatanga ulit dahil sa isang tao lalo na at hanggang ngayon hinahabol pa din ako ng nakaraan na pilit ko ng binabaon sa lupa, pero para kay Sophie lalaban at magpapatuloy ako para sa anak ko, para sa kanya lang. Pagod akong bumangon kinabukasan at kahit ayaw ko man wala akong magagawa kundi sumama sa Birthday Celebration ni Ma'am Helen na gaganapin sa Pine Ridge Bukidnon, magtatagal kami hanggang bukas doon kaya ganito na lang ang kaba at inis ko, bakit ba kasi hindi puwedeng hindi sumama? Sure akong nandoon si Lecster at mas lalong sure akong nandoon din yung Rosas niyang feeling maganda. Tss.

"Amerie, siguraduhin mong kumpleto lahat ng gamit mo ha, ang kumot, unan mo, pati na rin ang tent mo."paalala ni Mama sa akin.

"At please Amerie, tumawag ka oras oras."Saad din ni Kuya natutulog pa si Sophie kaya imbis gisingin ko siya ay hinayaan ko na lang muna siyang makapagpahinga.

"Yes, don't worry Ma at Kuya, si Sophie ha."sagot ko sa kanilang dalawa sabay tango nila.

Hinatid ako ni Kuya sa BEN, dahil nandoon ang bus na sasakyan namin papunta sa Pine Ridge. Pagdating na pagdating namin ay agad naman akong tinulungan nila Alexa sa gamit ko papasok sa bus.

"Juls, dito ka o."tawag ni Eros sa akin pagpasok ko sa bus sabay ngiti ko sa kanya.

"Thank you, dito na lang ako tabi ni Mary Ann."Ani ko sa kanya sabay upo ko sa tabi ni Mary Ann.

Ramdam ko ang kakaibang titig ni Lecster sa akin pagpasok niya kasama ni Rose sa bus pero pinagwalang bahala ko yun, dahil tulad nga ng sinabi ko, kung ano man itong walang kuwentang nararamdaman ko sa kanya, dapat ko ng makalimutan, nakakapagod ng masaktan kaya dapat ako na ang umiwas.

"Tss, ex na, sasama sama pa, ang kapal nga naman."rinig kong sabi ni Glaiza na nasa harapan namin naka upo ngayon ni Mary Ann.

"Hayaan mo na, pamangkin ni Ma'am Betty e, kaya malakas kapit."Ani naman sa kanya ni Mitche na ikinailing ko na lang.

"Pamangkin?"Mahinang tanong ni Mary Ann sa akin dito sa tabi ko.

"Ewan ko, tsaka wala akong paki, hayaan niyo na."sagot ko na lang sa kanya sabay suot ng headset ko.

Mahigpit dalawang oras din ang naging byahe namin papunta sa Pine Ridge, at alam ko sa sarili ko na inaantok pa ako kaya, Imbis bumaba na ay hinihintay ko munang makababa ang Ibang ST hanggang kaunti na lang ang natira sa loob ng bus. Akmang kukunin ko na ang bag ko sa pinaglagyan ko nito ay agad-agad itong kinuha ni Lecster na ikinataas ng kilay ko.

"Akin na, hindi ko kailangan ng tulong mo."ani ko sa kanya.

"Amerie, I want to help you."

"Wag mo ako kaawaan Lecster, kaya ko."Saad ko sa kanya sabay kuha ng bag ko na hawak hawak niya na. Hindi ko na siya hinihintay magsalita dahil agad agad na akong bumaba sa bus ng hindi man lang siya tinitingnan.

"Iniiwasan?"bulong ng kung sino dito sa likod ko at ng tingnan ko kung sino napataas na lang ang kilay ko dahil sa mapang asar niyang ngiti.

"What ever Eros."Saad ko sa kanya.

"Okay, good morning again everyone, ngayon alam kong pagod ang lahat sa biyahe natin kaya bibigyan ko kayo ng pagkakataon na magpahinga, do what ever you want, ayusin niyo ang mga tent niyo and enjoy the view."announce ni Ma'am Helen sabay tango namin lahat.

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon