Kabanata 10
Nandito na kami sa area, kung saan kami pinapatipon ni Ma'am Helen, tapos na rin siyang sabihin ang instructions niya para sa unang activity ngayong gabi. Na tinatawag niyang Tell Me. She will divide us in nine groups at dahil 72 kami ay tig eight sa bawat grupo, tahimik lang akong nakikinig sa mga pangalan na tinawag ni Ma'am habang katabi ang mga kaibigan ko ng bigla niyang tinawag ang pangalan namin ni Alexa bilang kabilang sa grupo nila Glaiza at Lecster na kanina pa malamig ang tingin sa akin na siyang hindi ko maintindihan. Wala naman akong ginawa sa kanya. Tinanong ko pa nga si Eros kanina ng nakita namin si Lecster na parang galit kung makatingin sa amin kung bakit ganoon, makatingin ang kaibigan niya pero ang loko, sinagot lang ako ng hayaan mo na. Seloso e.
"Okay ka lang?"pukaw ni Eros sa atensyon ko na katabi ko ngayon.
Agad naman akong tumango sa kanya na ikinangisi niya na lang.
"Okay, now, ang gagawin niyo lang, bawat isa sa inyo, may sasabihin na Isang bagay tungkol sa inyo na sa tingin niyo, hindi alam ng mga kasamahan niyo. Naiintindihan?"
"Yes Ma'am."sagot namin lahat.
Nagsimula na ang mga ka grupo namin sa pagsasabi ng mga bagay tungkol sa kanila na hindi namin alam tungkol sa kanila, hanggang mapunta na kay Glaiza ang bola.
"Okay, my turn." Aniya sabay tingin niya kay Lecster na ngayon ay tahimik pa rin. "Siguro yong bagay na hindi niyo alam tungkol sa akin, yon ay crush na crush ko si Lecster.""Tss, alam na alam na namin yan Glaiza, wag mo na ipaglandakan."biglang sambit sa kanya ni Eros na ikinataas lang ng kilay niya.
Kaba, yan ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung bakit, pero ngayong si Lecster na ang may hawak ng bola, parang may karera, dahil sa bilis ng pagtibok nitong puso ko na siyang hindi ko maintindihan kung bakit.
"Bro, parang masisira ang bola sa hawak mo ha, easy."wika sa kanya ni Eros habang nakangisi malamig naman siyang tiningnan ni Lecster sabay tingin ni Lecster sa akin.
Ano bang nagawa ko sa mokong na 'to?
"Tss, wala kayong dapat malaman sa akin."malamig na sagot niya sabay bigay ng bola kay Alexa na ngayon ay katabi niya.
"Really Lecs? Kahit isa lang?"tanong sa kanya ni Glaiza.
"Oo nga, Lecster kahit isa lang."Saad naman ni Rose.
"Fine."Aniya sabay tingin niya ng seryoso sa akin, tingin ni malamig, tingin na parang gusto niya sabihin na galit siya sa akin.
"So, ano sa tingin mo, ang hindi namin alam sayo?"tanong ni Rose sa kanya.
"I'm jealous right now, selos na selos ako, at sana alam mo yon."malamig na sagot niya habang ang tingin niya ay hindi pa rin nanawawala sa akin.
Ako ba ang sinasabihan niya?
Natapos ang first activity namin ng matiwasay, maliban kay Lecster na simula hanggang wakas nakasimangot.
"Okay, dahil tapos na kayo sa first activity, ngayon naman pagbibigyan namin kayong makilala ang isa't isa, party everyone, enjoy."saad ni Ma'am Helen na ikinatuwa ng lahat.
Halatang halata ang saya sa mga mukha ng mga kasama kong ST dahil sa binalita sa amin ng principal. Kanya kanya na sila ng ginagawa, may iba na sumasayaw, may iba na naliligo, at may iba na umiinom at isa na doon si Alexa kasama sila Ate Cherry at Ate Recel. Samantalang kumakanta naman sa Videoke sila Mary Ann at Shayra.
"Dito ka lang?"tanong ni Eros sa akin na bigla bigla na lang sumusulpot.
"Yeah, wala rin naman akong magagawa doon."maikling sagot ko sa kanya. "E, ikaw? Bakit ayaw mong sumabay sa kanila magsaya?"tanong ko sa kanya sabay turo sa mga kaibigan niya.
"Boring, mas gusto ko na lang matulog, kaso, ayaw akong pansinin ni Seloso kaya hindi ko makuha susi sa kanya."Aniya na pinagtaka ko.
"You know what? Kanina ka pa sa seloso, si Lecster ba tinutukoy mo?"takang tanong ko sa kanya.
Ngumisi muna siya sa akin bago sumagot. "Seriously? Manhid ka na ba talaga Amerie?"takang tanong niya na ikinatigil ko.
"Ha? Bakit?"
"Diba, boyfriend mo ang Daddy ni Sophie?"
"Yeah, so what?"
"Nag ilang taon kayo?"
"6 years."maikling sagot ko sa kanya na halatang ikinagulat niya.
"Really ha, tapos pinakawalan ka pa."Aniya.
"Wala e, ganyan siguro talaga, tinadhana siguro talagang mangyari ang lahat, pero bakit mo ba natanong, anong connect?"
"Naisip ko lang, manhid ka ba talaga?" Tanong niya na mas lalong pinagtaka ko.
"Teka, anong manhid?"
"Walang nararamdaman. Example see that?"Aniya sabay turo niya sa dalawang tao ngayon na sweet habang nag iihaw ng isaw.
"Oo, kaibigan mo at si Glaiza. Tapos ano ngayon?"takang tanong ko sa kanya.
"Anong nararamdaman mo ngayon na nag uusap sila? Tapos sweet pa?"balik niyang tanong sa akin sabay tingin ko ulit kina Glaiza at Lecster ng biglang napatingin si Lecster sa amin bigla na naman tumaas ang kilay niya na ikinangisi lang nitong katabi ko.
"Now, anong nararamdaman mo?"tanong ulit ni Eros sa akin.
"Wala, tsaka, ano naman dapat kong maramdaman?"
"Really? Seriously?"
"Ano ba kasing punto mo?"takang tanong ko sa kanya dahil gulong gulo ako kung anong gusto niyang iparating.
"So, meaning, hindi ka nagseselos?"Aniya na ikinagulat ko.
"What the?! Malamang hindi! Hindi ko naman gusto si Lecster para mag selos ako, tsaka wala na akong balak pa pumasok sa mga relasyon, at isa pa sa tingin mo ba may papatol pa sa akin, oras na malaman nila ang sekreto ko?"
"E, wala naman yan sa kung single mom ka ah, pag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito."
"Sa iba siguro, oo, pero sa akin? Alam kong malabo na Eros, sobrang labo na."Saad ko sa kanya.
"Hindi mo lang alam, mayroon pala diyan, gusto na akong sakalin dahil sa selos."Aniya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.
"Sino naman?"
"Wala, pero malay mo diba? May isang lalake pala na handa kang tanggapin sa kabila ng pagiging single mom mo, hindi mo lang alam, nandiyan lang siya sa tabi-tabi, nanginginig na sa galit dahil sa selos at malamang konting minuto na lang suntukin niya na ako."sagot niya na ikinagulat ko.
What?! Baliw na ba 'to?
Good evening, happy reading.
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...