Kabanata 27

596 22 4
                                    

Kabanata 27

Warning: Mature Content

Tatlong araw na simula ng sinagot ko si Lecster, at ang masasabi ko lang  sa tatlong araw na yun ay masaya ako, masaya ako kasi yung mga bagay na gusto ko maranasan noon, nararanasan ko ngayon. Dati akala ko, hindi ko na ulit mararanasan yung pakiramdam ng inaalagan at minamahal, pero pinaramdam niya yun, he makes me happy, at alam ko sa sarili ko na masasaktan ako oras na mawala siya, lalo na kung dumating ang araw na malaman niya ang tungkol sa Anak ko.

"Iha, tulala ka ata, ayos ka lang ba?"nag-aalalang tanong sa akin ni Ate Marie. Nandito ako ngayon sa lugawan para mag duty, at hinatid ako dito ni Lecster kanina bago siya umuwi sa kanila.

"Okay lang ate."nakangiting sagot ko sa kanya.

"Sigurado ka ba? Mukha kasing malalim ang iniisip mo. Amerie, puwede mo akong sabihan ha. Makikinig ako sayo."Aniya.

I smiled. Masaya ako na maliban kay Kuya Genesis, mayroon akong Isang Ate Marie sa buhay, oo, hanggang ngayon hindi pa rin ako kinakausap ni Kuya kaya isa talaga siya iniisip ko ngayon.

"Tungkol ba 'to kay Lecster?"tanong niya na nagpatingin sa akin sa kanya.

"Alam niyo po?"tanong ko sa kanya.

Ngiti naman siyang tumingin sa akin bago tumango.

"Noong araw na hinatid ka niya dito, he asked me, kung puwede ka daw ligawan." Aniya na nagpatigil sa akin. Ginawa ni Lecster yun?

"Actually, natutuwa ako sa kanya, dahil kahit hindi naman talaga kailangan e, talagang kinausap niya kami ni Nanay. Sabi pa nga niya. Nirerespeto niya daw kami, at alam niya daw na sobrang mahalaga kami sayo kaya niya hinihingi ang pahintulot namin."

"Hindi ko po alam na gagawin niya yun." I honestly answered.

Gulat, at saya ang nararamdaman ko sa oras na 'to, hindi ko akalain na magagawa ni Lecster ang bagay na 'to, masaya ako kasi mas lalo lang ata akong nahuhulog sa kanya ngayon. Pero hanggang kailan ang kasiyahan ko?

"Bakit parang malungkot ka naman sa binalita ko sayo?"tanong ni Ate sabay tingin ko sa kanya ng seryoso.

"Ate, paano kung iwan niya ako? Oras na malaman niya ang totoo? Natatakot po ako, gusto ko na po siya, gustong-gusto."sagot ko sa kanya na halatang ikinagulat niya.

"Anong totoo?"

"Ate, may... A-anak na po ako, si-single Mom po ako."Nauutal kong sagot sa kanya. Halata naman ang gulat sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Agad siyang kumuha ng upuan sabay upo niya sa harap ko.

"Amerie.."

"Natatakot po ako, pagod na ako sa panghuhusga na naranasan ko ng nabuo si Sophie, pagod na akong makirinig ng masasakit na salita galing sa iba ate, tanggap ko naman po na nagkamali ako, pero yung idamay na ang anak ko sa mga pinagsasabi nila? Yun po ang hindi ko matanggap. Kaya po naiintindihan ko kung ang tingin niyo na sa akin ngayon." Saad ko sa kanya ng bigla niya akong yakapin na nagpatigil sa akin.

"Shh, naiintindihan ko, naiintindihan kita. Alam kong hindi mo intensyon na itago ang anak mo, alam kong gusto mo lang siyang protektahan, naiintindihan kita."Aniya.

I smiled.

"Pero si Lecster po..."

"If he really loves you, matatanggap at matatanggap ka niya Amerie. Ang pagmamahal ay pagtanggap Amerie, kahit ano ka pa, o kahit may anak kana. Kung totoong mahal ka niya tatanggapin ka niya."Putol niya sa sasabihin ko.

Natapos ang shift ko ng maaga sa lugawan kaya maaga rin akong naka uwi sa amin. Mukha agad ni Kuya ang bumungad sa akin pagdating ko sa bahay. Masaya siyang nakikipaglaro kay Sophie. Agad naman lumapit sa akin ang anak ko ng nakita niya ako.

"Mama. Am-Am."Aniya sabay pakita ko ng plastic na dala ko.

"Yey, tenchu Mama."masayang sagot ng anak ko na nagpangiti sa akin.

"Tara baby, kainin natin yan sa loob."Yaya ni Kuya kay Sophie ng tawagin ko siya.

"Kuya, puwede po ba tayong mag-usap, ka-kahit sandali lang."Saad ko sa kanya sabay tingin niya sa akin.

"Baby, doon ka muna sa loob, puntahan mo si Mamita, pasubo ka muna sa kanya ng spaghetti ha."paalam niya kay Sophie. Agad naman pumasok ang anak ko sa loob ng bahay sabay tingin ni Kuya sa akin ng seryoso.

"Kuya, sorry."

"Tss, kayo na?!"he asked coldly na nagpayuko sa akin.

"Ma-mahal ko siya Kuya."mahinang sagot ko sa kanya. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay niya dahil sa sinabi ko.

"Mahal? Eh, tanggap ka ba niya?! Si Sophie? Tanggap niya ba? Kung totoong mahal ka niya, dapat nandito siya, humaharap sa amin ni Mama."Aniya na nagpatahimik sa akin.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya bago ako tinitingnan ng seryoso sa ikalawang pagkakataon.

"Hindi niya pa alam? Kung ganun, you need to tell him, at sa araw na yun, tsaka mo na ulit kausapin,  tingnan natin kung matanggap ka pa rin niya, oras na malaman niya ang tungkol sa pamangkin ko, at sa nakaraan mo."Aniya sabay lakad niya papasok sa loob ng bahay.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi ni Kuya, pero nasasaktan ako, ganun ba talaga siya ka sigurado na hindi ako matatanggap ni Lecster oras na malaman niya ang tungkol sa Anak ko, at kung paano ako muntik patayin ng nakaraan ko?

"Mama, iyak?"tanong ng anak ko na pumakaw sa iniisip ko. Nandito na ako sa kuwarto, pero hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Kuya. Nakakapagod na, kailan pa ba talaga ako sasaya?

"Hindi anak, hindi umiiyak si Mama."pagsisinungaling ko sa anak ko. Oo, walang tumutulong luha sa mga mata ko ngayon pero ang bigat ng pakiramdam ko, ang bigat ng puso ko, para akong hinati sa dalawa dahil sa mga bagay na nagpapagulo sa isip ko. Hanggang kailan ako ganito? Hanggang kailan ako hahabulin ng pangit na nakaraan ko?

"Sige na, kahit isa lang love, alam ko naman na nasarapan ka kanina, gusto ko pa."malambing na Saad sa akin ni Aladin habang hawak-hawak niya ang pang upo ko.

"Pa-pagod na ako Aladin, tama na." I said coldly sabay talikod ko sa kanya para matulog na sana ng bigla niya na lang puwersang ipinasok ang sarili niya sa akin na ikinadaing ko.

"Ano ba?! Pag____."

"Ayaw mo ha?! Ayaw mo?!"galit na aniya sabay hawak niya ng mahigpit sa kamay ko habang walang pagod na gumagalaw sa likod ko na siyang muling nagpaluha sa akin.

"AAHH." Daing ko sabay bangon ko mula sa masamang panaginip na yun, nakatulog pala ako habang yakap yakap si Sophie.

Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang sa panaginip, hindi pa rin ako tinitigilan ng mga masamang alaala na yun. Pagod na pagod na ako, kailan ba 'to titigil?

"Mama."mahinang tawag ng anak ko sa akin, akala ko nagising ko siya dahil sa pagbangon ko kanina, pero ng sinilip ko siya ay tulog na tulog pa rin ito sa tabi ko na siyang nagpangiti sa akin at nagpakalma sa puso ko ngayon.

Sa lahat ng mga nangyari sa akin, kahit ilang beses akong nadapa at nasaktan noon, hinding-hindi ako magsasawang magpasalamat sa taas, kasi binigay niya si Sophie sa akin, binigay niya ang anak ko sa akin. Na siyang nag-iisang tama na dumating sa buhay ko noong mga panahon na sukong suko na ako, dahil sa kanya nagkaroon ako ulit ng lakas magpatuloy, dahil sa kanya nagkaroon ako ulit ng rason mangarap at simula ng dumating siya. Ang dating ayaw ko na, pagod na ako, naging sige pa, kakayanin ko pa, dahil nandiyan na siya, may Sophie na."

Good evening readers, how's your day? Emotional ako sa scene ni Sophie at Amerie kasi... Anyway happy reading and always remember choose to be happy everyday and everynight. Everything's gonna be okay someday. Ingat kayo lahat. Xoxo.

Hart Moon

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon