Kabanata 26

604 26 8
                                    

Kabanata 26

Alam kong galit si Kuya, kaya hinayaan ko na lang siya na umunang bumaba sa akin sa sasakyan pagdating na pagdating sa bahay. Niyakap siya ni Sophie, pero hindi siya gumanti sa halip nilagpasan niya lang ito at pumasok agad sa loob.

"Anong nangyari sa Kuya mo?"tanong ni Mama sa akin.

"Ma, may manliligaw na ako."kalmadong sabi ko kay Mama na halatang ikinagulat niya.

"Kaya ba, ganun ang Kuya mo?"mahinang tanong niya.

I nodded.

Ayaw kong mag sinungaling kay Mama, oo, alam kong mali na inilihim ko ito sa kanila, pero kasi kahit sandali gusto ko maranasan ang maging masaya, gusto ko ulit maranasan ang pakiramdam ng may nag aalalaga at nagmamahal sayo. Kahit sandali lang.

"Gusto mo ba siya?"tanong niya habang naka upo kaming dalawa sa sofa. Pinasok niya muna si Sophie sa kuwarto nito bago niya ako binalikan dito.

"Mali po ba?"

"Shh, walang mali, tao lang tayo Amerie, kahit anong pigil natin, darating talaga ang oras na titibok ulit ang puso natin para sa isang tao."sagot niya.

"Si Kuya.."

"Naiintindihan ko ang Kuya mo, saksi kami noong mga panahon na nahirapan kang bumangon ulit dahil kay Aladin. Muntik ka ng mawala sa amin, alam kong takot lang siyang maulit yun. Pero hindi ibig sabihin no'n pinagbabawalan ka na niyang magmahal, gusto ka lang niya protektahan Juls."putol niya sa sasabihin ko.

"Kayo po ba? Galit din?"mahinang tanong ko sa kanya sabay hawak niya sa dalawang kamay ko.

"Hindi ako galit, lalo na kung kasiyahan niyo ang magiging kapalit. Pero anak, sigurado ka na ba talaga dito?"tanong niya sabay tango ko.

"Alam na ba niya?"tanong niya ulit sabay iling ko.

"Anak, Julia, kung gusto mo talaga siya, kung nagkakaroon na talaga siya ng lugar sa puso mo, kailangan mong sabihin sa kanya, kailangan niyang malaman."Aniya.

"Paano kung hindi niya matanggap?"

" Kung hindi niya matanggap, hindi siya ang taong para sayo, Anak tandaan mo 'to, ang totoong pagmamahal kahit may anak ka pa, kahit mahirap ka pa, matatanggap at matatanggap ka niya, dahil mahal ka niya."

Kinabukasan inaantok pa akong bumangon, para maagang pumunta sa BEN. Aaminin ko, masakit, masakit para sa akin na hindi kami magpansinan ni Kuya, pero ano bang magagawa ko? Alam kong ayaw niya pa akong kausapin, at katulad din ng sabi ni Mama hayaan ko na lang muna daw si Kuya, dahil ganun lang talaga siya lalo na at siya na ang tumayong Padre de pamilya sa bahay simula ng nawala si Papa.

"Juls, hindi ka pa nagbibihis?"tanong ni Ate Janice sa akin habang tahimik akong nagbabasa ng libro dito sa ALS.

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Anong mayroon?"takang tanong ko sa kanya sabay tawa ni Ate Recel.

"Seryoso Juls? Birthday ng manliligaw mo, hindi mo alam?"tanong naman ni Ate Recel sa akin.

Mas lalo naman ako nagtaka sa sinasabi nila. Birthday? Nino? Don't tell me si Lecster?

Akmang sasagot na sana ako sa kanilang dalawa ng biglang pumasok si Eros kasama nila Alexa na siyang ikinatingin ko sa kanilang lahat.

"Best friend, hindi ka pa ready?"takang tanong ni Eros.

"Tss, hindi mo alam 'no?"tanong din ni Alexa.

"Wag niyo ng tanungin, halatang walang alam, tulala eh."Ani naman ni Ate Cherry sabay abot niya sa akin ng Isang paper bag.

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon