Kabanata 38

692 25 5
                                    

Kabanata 38

Warning: Sexual Harassment /Sensitive Content/

Hindi ako dapat makaramdam ng ganito. Tapos na kami long time ago, kaya bakit ako nakakaramdam ng ganito. Seeing him happy with Glaiza is a torture for me. Sa daming lugar na puwede nilang pag lampungan dalawa, dito pa talaga sa venue ng kasal ni Ma'am Joy. Wala ba silang hiya?

"Are you hurt?" Bulong ni Eros dito sa tabi ko.

Abala ang pari sa pagsasalita sa harap namin habang ito kaming dalawa nagbubulungan lang.

"Why would I? I move on already Eros." Walang ganang sagot sa kanya.

"Really huh?" Sarcastic niyang tanong.

Kumunot ang noo ko. "Tss. Ewan ko sayo."sagot ko na lang sa kanya sabay turo niya sa kabilang parte kung saan naka upo ang mga Ibang bisita.

"Anong mayroon?"takang tanong ko sa kanya.

"Kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa ako duguan dito."nakangiti niyang sagot na ikinatingin ko sa tinuturo niya.

And then. I saw Lecster, matalim at seryosong nakatingin sa amin dalawa ni Eros habang nilalandi siya ng girlfriend niya.

Akmang sasagot pa sana ako kay Eros na hayaan na lang ng biglang nagsalita na ang pari na tapos na ang kasal kaya tumayo na kami lahat sabay palakpak namin.

"Let's go. Pa picture na daw tayo sa newly couple."Yaya ni Eros sa akin pag tawag sa amin na mga bride maids at Grooms man.

"Ikaw na lang."sagot ko sa kanya dahil nakita kong papunta din doon sila Lecster at Glaiza.

Seryoso naman akong tiningnan ni Eros.

"Let's go, don't tell me? Papatalo ka sa bruhang Glaiza na yon?"singit ni Ate Cherry sa usapan namin ni Eros na ikinangiti lang ng loko.

"Umiiwas lang sa gulo." I smiled.

"Tss. Iwas iwas, tara na."biglang saad din ni Alexa sabay hila niya sa kamay ko kaya no choice ako kundi sumama sa kanila.

Nakangiti naman kaming sinalubong ni Ma'am Joy. Ramdam ko ang matalim na titig ni Lecster sa akin mula sa puwesto niya, pero pinagwalang bahala ko yon sabay beso ko kay Ma'am.

"Congratulations Ma'am." Nakangiting bati ko sa kanya.

"Thank you for coming iha, alam kong busy ka sa Amerika, but I'm glad that you came. Buti na lang napilit ka ng mga kaibigan mo at nito ni Eros."sagot niya sa akin.

"Hindi naman po, na miss ko lang po talaga kayo."nahihiya kong sagot sa kanya.

"Asus, I know, ito si Eros, hindi mo na miss. I heard, parati siyang pupunta sa Amerika. And I guess, nagkikita kayo right?" Aniya.

Damn! Hindi ko alam kung paano mag re-react sa sinabi ni Ma'am kaya dahan-dahan na lang akong tumango.

"Ma'am, nahihiya na po siya, gwapo kasi ako."Saad ni Eros na ikinatingin ko sa kanya.

"Anong connect?" Taka kong tanong sa kanya.

"Siyempre, sa gwapo kong 'to dapat palagi mo talaga akong makita diba?" Aniya sabay iling ko.

"Kapal mo."sagot ko sa kanya.

He smiled.

"Pero seriously Ma'am, ako po talaga ang nakakamiss sa kanya, especially sa luto niya."

I smiled.

"Hays, o tsa, let's take a picture na, para malaman natin kung sino ang susunod na ikakasal sa inyo."masayang wika ni Ma'am na ikinatigil ko.

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon