Wakas

1.4K 38 15
                                    

Wakas

To my Amerie and Lecster,
  
Thank you sa mga aral na tinuro niyo sa akin, while writing this story iba't-ibang emosyon ang naramdaman ko, you make me happy, and sad, you also make me cry. I love you always guys.

To my inspiration,

Sa dalawang tao na naging inspirasyon ko habang sinusulat ko ang kuwentong 'to, salamat dahil nakilala ko kayo. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan. Sana mabasa niyo ang kuwentong 'to balang araw.

My readers,

I know ang iba sa inyo silent lang, please know that I am always thankful to all of you. Sa lahat ng magbabasa pa. I know na hindi ito perfect, maraming mali, maraming errors. Pero nawa'y kahit konti may aral kayo na mapupulot sa lahat ng mga characters ko sa kuwentong ito. Nawa'y katulad ni Amerie. Maging matapang din kayong harapin ang buhay single man, single mom o in relationship, wag kayong sumuko sa mga problema na dadating sa inyo. At nawa'y wag kayong matakot magmahal. Nawa'y maging totoo kayo sa nararamdaman niyo. You deserve to be loved, kasi kamahal-mahal ka. Don't lose Hope. Dahil parating may pag-asa. At katulad ni Lecster, nawa'y wag mapagod ang puso niyo na magmahal, at nawa'y katulad niya, mahalin niyo din ang taong mahal niyo ng buo, mahalin niyo ang lahat ng nasa kanya. At higit sa lahat ang pinaka importante nawa'y magtiwala at maniwala kayo sa sarii niyo.

In the end you only have yourself.

Maraming salamat:)

See you sa story ni Allen at Amariah.

_Angie.

Kahit wala akong kaalam-alam pumunta pa din ako sa AJ Child home foundation. Bakit ako naging founder? Anong mayroon? Maraming tanong ang nasa-isip ko, mga tanong na alam kong masasagot lang kung pupunta ako doon.

"Good morning Ma'am."bati sa akin ng Isang babaeng na mukhang tagapamahala ng foundation.

Ang laki at ang gara ng foundation na 'to. Yan agad ang nasa isip ko pagdating ko sa lugar at katulad ng pangalan niya tunay nga ito na tirahan ng mga bata. Nakakatuwa, kahit hindi ako ang nagpatayo ng foundation na 'to, sobrang saya ng puso ko. Makita ko lang na may tahahan na ang mga batang 'to, pakiramdam ko totoong ako ang founder ng Foundation na 'to.

"Ma'am we are happy that we finally meet the founder of this foundation."Wika ulit ng babaeng bumati sa akin na siyang pumukaw ng atensyon ko.

"Wait! Mali ka, I'm not the founder of this foundation, pumunta lang ako dito para klaruhin yon. Na off na kasi yung tawag agad kahapon." I said.

Yumuko siya.

"Kayo po diba si Ms. Amerie? She asked.

I nodded.

"Then, Ikaw nga po. Ikaw nga po ang owner at founder ng Foundation na 'to."sagot niya na ikinatigil ko.

What the heck?! Paano nangyari yun?

Akmang tatanungin ko pa sana siya ng biglang may isang batang lalaki ang lumapit sa akin. I know him. Agad niyang inabot sa akin ang hawak niyang tulips, na siya naman tinanggap ko ng buong puso.

"Ate, nakita po ulit kita."Aniya.

"Kumusta kana?"tanong ko sa kanya.

"I'm good ate, thanks to you. May matatawag na po akong pamilya ko."he answered habang nakangiting nakatingin sa akin.

Ngumuso ako. "Wa-wala akong ginawa."mahinang sagot ko sa kanya.

"Mayroon ate, kayo po ang unang nagpakita ng concern sa akin, at I'm thankful for that."

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa oras na 'to, pero imbes sumagot ako sa sinabi niya, niyakap ko siya at sabay no'n ay ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon