Kabanata 30Masayang natapos ang gabi ko kahapon dahil sa unang pagkakataon ay nakaligo na ako ng ulan na siyang hindi ko pa nagagawa noon. At ngayong araw alam kong magiging masaya na malungkot ako. Masaya dahil matatapos na ang apat na buwan ng internship namin sa BEN, pero malulungkot dahil ito na ang huling araw na papasok ako sa silid-aralan ng Grade 8 kung saan, naghihintay sa akin ang mga batang naging kasama ko sa apat na buwan ko dito.
Mabigat man sa loob ko, nakangiti akong pumasok sa melon habang dala -dala ang mga pagkain na ibibigay ko sa kanila, pero sa hindi ko maintindihan na dahilan, lahat sila ay busy sa loob, ni hindi nga nila ako napansin na pumasok kaya tahimik ko na lang nilagay sa lamesa ko ang mga dala ko sabay baba ulit ng building para pumunta sa ALS. Pinapatawag kami ni Ma'am Helen kaya mamaya ko na ibibigay sa kanila ang mga pagkain na hinanda ko sa kanila noong nakaraang linggo pa.
"Aga mo ata bumaba Juls."salubong sa akin ni Mary Ann.
"Busy mga bata sa taas."nakangiting sagot ko sa kanya.
"Ayieee, baka may surprise sayo Juls."saad naman ni Ate Janice na busy sa paghahanda ng mga ibibigay niya.
Surprise? Hindi ako umaasa na may mangyayari nga na gano'n. Masaya na ako na nakasama ko sila sa apat na buwan ko dito, at ang tanging hiling ko lang ay may natutunan sila sa mga panahon na ako ang humawak sa kanila.
"Posible yan, si Julia na yan siyempre, may surprise sa kanya, baka nga pati si Sir Lecster may pa surprise rin sa kanya."Ani naman ni Ate Recel na nagpangiti sa akin.
"Hindi na naman importante yun, ang mahalaga, eh, may natutunan sila sa atin."nakangiting sagot ko sa kanila.
"Sabagay, tsaka unta, dako atong evaluation "no. Gebuhat jud nato ang tanan." (sana malaki ang ating evaluation, dahil ginawa natin ang lahat.) sagot naman ni Ate Jane sabay tango namin sa kanya.
Ilang minuto pa natin na paghihintay ay dumating na ang Ibang ST kasama ni Ma'am Helen. At dahil sa by major ang pag upo sa mga upuan si Alexa at Mary Ann ang katabi ko, sa kabilang parte naman ng room ay nandoon ang Mapeh at Values Major. Katabi ni Lecster si Eros sa kaliwa habang nasa kanan naman ni Lecster si Glaiza.
Tahimik lang kaming nakikinig sa mga sinasabi ni Ma'am Helen tulad ng kung gaano siya ka proud at kasaya dahil nandito kami sa BEN.
Napangiti naman ako dahil ramdam ko ang pagtanggap ng mga teachers sa amin dahil maliban kay Ma'am Helen, ay Isa-isa rin kaming nilapitan ng mga Teachers upang yakapin. Nakangiti naman akong nilapitan ni Ma'am Marny sabay abot niya sa akin ng Isang paper bag.
"Ma'am."
"Thank you Amerie, isa kang blessing sa akin, salamat, at sana wag kang mawalan ng pag-asa sa buhay, manatili ka sanang malakas sa lahat ng mga hamon na kahaharapin mo."Aniya na nagpangiti sa akin.
"Salamat Ma'am."sagot ko sa kanya ng nakangiti sabay yakap niya sa akin.
"Hindi pa yan tapos, Tara."Ani niya sabay hawak niya sa kamay ko palabas ng ALS.
"Ma'am"
"Naghihintay na sila sayo."sagot niya sabay akyat namin papunta sa room ng Melon. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay rinig na rinig ko na ang sigawan ng mga bata na siyang pinagtataka ko.
"Congratulations Ma'am."sabay sigaw ng mga Grade 8 na nagpagulat sa akin. They surprise me, may malaking tarpaulin na hawak ang mga estudyante kong lalaki na may picture ko at may nakalagay na Congratulations. Habang ang iba naman ay isa-isang lumapit sa akin dala-dala ang mga lobo at bulaklak sa kamay nila na totoong ikinagulat ko.
I didn't expect this, hindi ko akalain na may pa ganito sila, hindi lang mga pagkain ang natanggap ko mula sa kanila dahil marami rin akong natanggap na paper bag.
"Ma'am mamimiss ka namin."biglang sabi ni Kieth ang President ng Melon na nagpatulo ng luha ko.
Unti-unti na rin tumulo ang mga luha ng mga kaklase niya na siyang nagpabigat ng nararamdaman ko. Seeing them crying because of me, parang pinipiga ang puso ko. Mahal na mahal ko ang mga batang 'to.
"Salamat sa inyo, salamat sa pagtanggap at pagmamahal niyo, pinaramdam niyo sa akin ang pakiramdam ng tanggap, binigyan niyo ako ng pagkakataon maipakita kung ano ang kaya kong gawin, hinding-hindi ko kayo makakalimutan. "sagot ko sa kanila sabay yakap nila sa akin lahat.
"Mahal ka namin Ma'am Julia, salamat sa parating pagsuporta sa amin, hinding hindi ka namin malilimutan."Ani naman ni Laine, na vice president nila.
"Pagpasensiyahan niyo na kung ito lang ang mabibigay ko sa inyo. Ang dami pa naman nitong binigay niyo."Saad ko sa kanila sabay pakita ko ng dala kong plastic kung saan ko nilagay ang ibibigay ko sa kanila.
"Ma'am basta sayo galing, walang problema."sagot naman ni Cyra na nagpangiti sa akin.
Akala ko matatapos na sila, pero laking gulat ko na lang ng nagsalita si Kieth na nagpatigil sa akin.
"Ma'am, hindi lang kami ang gustong magpasalamat sayo, mayroon pa."Aniya sabay turo niya sa pinto kung saan pumasok ang Ibang section na hinawakan ko rin. At katulad ng Melon Isa-isa rin nila akong inabutan ng mga regalo, may bouquet of chocolate, bouquet of flowers at kahit ng frame na may pictures namin lahat.
"At may isa pa Ma'am."biglang sabi ni Laine sabay tingin nilang lahat sa pinto kung saan biglang pumasok si Lecster na ikinagulat ko.
"Para sa isang babae na totoong pinagpala sa lahat, salamat sa'yo dahil kung wala ka, hindi ko maiisip ang totoong kahulugan ng pagpapahalaga. You gave me reason to still continue at hindi ko 'to magagawa kung wala ka. Kaya nagpapasalamat rin ako sa BEN kay kung dile tungod ani na eskwelahan, dile tika mailhan ug ayo, dahil sa kanila nakilala kita, at nakasama, at dahil sa school na 'to minahal kita. I'm proud of you always my Future Teacher. Mahal kita."nakangiting sabi niya sabay abot niya sa akin ng isang bouquet ng libro na nagpatigil sa akin.
"Stop crying love, hindi kita puwede halikan sa harap nila."bulong niya sa akin sabay hawak ko sa pisnge ko. Hindi ko namalayan na muli pala akong umiyak dahil sa kanya. Hindi ko akalain na bibigyan niya ako ng ganito mga libro, mga libro na siyang gustong gusto ko.
I smiled.
"Baliw!"
"Totoo naman ah, pero mamaya I can kiss you all night, wag lang sa harap nila, mga baby pa eh, rated spg."Aniya habang hindi nawawala ang ngiti sa labi niya.
"Sira! Pero salamat Jade, salamat ."
"I love you, anything for you, Amerie, mahal na mahal kita."sagot niya sa akin na muling nagpatulo ng mga luha ko sa ikatlong beses.
Hindi ko alam kung anong mangyayari oras na malaman niya ang totoo, pero sana, sana sa oras na yun matanggap at mahalin niya pa rin ako kasama ni Sophie, kasama ng Anak ko.
I'm crying while writing this chap, kasi alam ko ang pakiramdam ng maging isang Student Teacher, I've been there. At yes, totoong sobrang bigat bitawan ng mga batang nakasama mo sa Journey mong yun. (Sa lahat ng mga naging students ko sa BNSHI Maramag Bukidnon at sa DCPC senior high school department. I missyou all and good luck sa next school year niyong lahat. Mwah. ) At isa pa sa reason kung bakit naiiyak ako, alam ko na medyo magiging mabigat na ang mga susunod na kabanata para sa mga bida ko. Aah. Iloveeeeeee you both, but I need to do this. Sorry.
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...