Kabanata 23

634 28 2
                                    


Kabanata 23

Puwede bang pag bigyan ulit ang puso? Mapipigilan ba ang pag tibok nito? Puwede ba talada maging masaya ulit ang taong malas na katulad ko?

Mga tanong na sumagi sa isip ko habang naalala pa din ang mga sinabi sa akin noong sabado ni Lecster. Lunes na ngayon, at naka uwi na din kami galing sa Pine Ridge Bukidnon. Pero dahil sa ulan ay biglang naglabas ng letter ang DEPED na walang pasok ngayon dahil sa bagyo. Kaya nandito lang kami sa bahay nila Mama. Masaya lang kaming nanonood ng Netflix ng huminto na ang ulan kaya napagpasyahan kong ngayong araw na pumunta sa Doctor ko para kamustuhin kung ano ng lagay ng mata ko.

"Samahan na kita."biglang sabi ni Kuya pagkatapos kong maghanda.

"Wag na Kuya, tsaka baka hanapin ka ni Sophie."ani ko sa kanya.

"Tss, tara na at baka ano pang mangyari sayo sa labas. "Aniya kaya wala akong nagawa kundi pumayag.

Sinamahan niya akong pumunta sa Hospital, na siyang ikapanatag naman ng loob ni Mama. Alam kong natatakot pa din sila para sa akin at hindi ko sila masisisi kung ganito na sila kahigpit dalawa, naiintindihan ko sila at nagpapasalamat ako ng sobra sa kanila, dahil mayroon akong sila na handa akong tanggapin sa kabila ng mga nangyari sa buhay ko.

Mahigpit Isang oras din kaming nasa hospital ni Kuya, at napagpasyahan niyang dumaan muna sa merkado para bumili ng ulam at ng prutas para kay Sophie. At dahil malapit lang ang simbahan sa merkado ay doon na lang magpababa sa kanya.

"Kuya, dito na lang kita hintayin sa simbahan."ani ko ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin.

"Sure ka?"  Tanong niya sabay tango ko.

Pagkaalis na pagkaalis ni Kuya ay siyang pagpasok ko sa simbahan sana ng biglang may humila ng kamay ko na siyang ikinatigil ko.

"Hi love."

"Aladin! Ano-anong ginagawa mo dito?!"seryosong tanong ko sa kanya na ikinangisi niya.

"Kukunin na kita, love, bumalik ka na please, please, mahal pa din kita, at alam kong ganoon ka din diba?" Tanong niya sabay kuha ko ng kamay ko na hawak niya.

"Puwede ba Aldin?! Tama na! Tigilan mo na ako, tigilan mo na kami, tapos na tayo at kailanman hindi na tayo magkakaayos."ani ko sa kanya na ikinailing niya.

"No way! Akin ka lang Amerie, akin ka lang, at walang Ibang puwedeng umangkin sayo, kundi ako, ako lang."madiin na sagot niya sa akin sabay hila niya sa kamay ko.

"Aladin! Ta-tama na please."

"No! Sasama ka sa akin, at pareho tayong pupunta sa langit, tingnan lang natin kung hindi ka sumigaw sa sarap, at hindi mo pa hilingin na balikan kita."Aniya ng nakangiti sabay hila niya ulit sa akin kung saan ng biglang Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ni Aladin na ikina upo niya.

"Pag ayaw, wag pilitin, and please know your place, maling babae binabangga mo."seryosong sabi ni Eros habang nakahawak ng mahigpit sa damit ni Aladin.

Agad agad naman tumayo si Aladin para gantihan ng suntok si Eros.

"Gago! Ikaw ang maling babae ang kinukuha, asawa ko yan, at may anak kami kaya wag ka makialam."seryosong sagot niya na ikinangisi ni Eros at tila baliwala sa kanya ang suntok ni Aladin.

"Asawa? Kailan pa? Sa pagkakaalam ko, hindi kayo kasal, kaya wala kang karapatan na sabihin na asawa mo siya, yes, may anak kayo, pero bro, anak lang ang mayroon kayo, hindi mo siya pag aari so back - off."Ani ulit ni Eros sabay suntok niya sana ulit kay Aladin ng pigilan ko siya dahil dumadami na ang nakatingin sa amin na mga tao at baka bumalik na si Kuya.

"Hayaan mo na siya, tara na."Ani ko sa kanya sabay hawak ni Aladin sa kamay ko.

"Tss, yan ba ang pinalit mo sa akin ha?! Tss, mangarap ka Amerie, iiwan ka rin niya, madumi kana,  may anak kana, wala ng papatol sayo, sasaktan ka lang niyan, makikita mo, wala ng magmamahal sayo,  wala na Amerie."Aniya. Akmang lalapitan pa sana siya ni Eros ng gumitna na ako sa kanilang dalawa.

"Ilang beses mo man sabihin sa akin yan, wala akong pakialam, wala akong pakialam kung walang tumanggap sa akin, wala akong pakialam kung wala ng magmamahal sa akin. Si Sophie, siya lang ang importante sa akin Aladin ang anak ko lang. Kaya puwede ba tumigil kana, dahil kahit anong gawin mo, hinding hindi na ako babalik sayo, hindi na kami babalik sayo."saad ko sa kanya na ikinangisi niya ng mala demonyo.

"Let see, remember this Amerie, akin ka lang, akin lang kayo ni Sophie, makikita mo, kusa kang babalik sa akin, magmamakaawa ka sa akin, makikita mo."Aniya sabay lakad niya palayo sa amin ni Eros. Agad naman akong hinawakan ni Eros sa balikat para pakalmahin.

"Hindi ko hahayaan mangyari yon, don't worry."Aniya na ikinangiti ko. Akmang sasagot pa sana ako sa kanya ng biglang dumating na si Kuya na seryosong nakatingin ngayon kay Eros.

"What happened Julia?"seryosong tanong ni Kuya.

"Wala Kuya, may baliw lang."sagot ko sa kanya sabay turo ko kay Eros na ikinataas ng kilay niya. "Tsaka nga pala Kuya, si Eros po pala kaibigan ko."

"Tss, wala akong pakialam. Tara na hinahanap ka na ng anak mo."sagot niya hindi ko alam kung tama ang pagkalarinig ko pero talagang diniinan niya ang pagsabi ng anak na tila gusto niya yon marinig ni Eros.

"Sige na, text na lang kita mamaya."Ani ni Eros na ikinangiti ko.

"Thank you ulit."sagot ko sa kanya akmang sasagot pa sana siya ng bigla na akong hinila ni Kuya papasok ng sasakyan na siyang ikinatahimik ko na lang.

"Kuya."

"Don't tell me, magpapakatanga ka na naman sa lalaki Julia?!"seryosong tanong ni Kuya na ikinailing ko.

"Kaibigan ko lang si Eros."mahinang sagot ko sa kanya.

"Tss, hindi ka ba talaga madadala ha?! Baka nakakalimutan mo kung anong pesteng ginawa ng hayop na Aladin na yon sayo?! Tapos ito na naman?!"sunod sunod na tanong niya. Alam kong galit siya ramdam ko yon kaya imbis sumagot sa kanya ay tumahimik na lang ako.

"Ayaw ko lang bumalik ka sa dati Julia, ayaw ko lang masaktan ka ulit Amerie. Hindi maling magmahal ulit, pero alam ko na sa kalagayan mo____..

"Na sa kalagayan ko ngayon, wala ng ta-tanggap sa akin? Single Mom? Tapos may sakit pa sa mata? Ganoon ba Kuya?"putol ko sa sasabihin niya na ikinatingin niya sa akin.

"Alam ko na sa kalagayan mo magmahal, masasaktan at masasaktan ka ulit, dahil grabe ka kung magmahal, kilala kita Amerie  Julia, alam ko kung paano ka magmahal dahil kapatid kita, natatakot ako na magmahal ka ulit tapos sa huli ikaw din ang masasaktan at mauubos. Ayaw ko yon mangyari Amerie, bilang Kuya mo, bilang kapatid mo, ayaw ko ng makita na nasasaktan ka ulit dahil sa mga lalaki. No one deserves your pure, innocent heart Amerie, no one."aniya na ikinatahimik ko. "At hanggang nandito kami ni Mama, hinding hindi na kami papayag na masaktan ka ulit dahil sa letseng mga kalahi ko  na yan, magkamatayan na, dahil hindi ko talaga papatulugin ng mahimbing ang taong mananakit ulit sa inyo ni Sophie. Amerie."dagdag niya pa na ikinangiti ko.

Kuya!!!

Aww, Isa din sa pangarap ko na magkaroon ng ganitong kapatid. Sweet lang at sobrang pure. Anyway malapit lapit na tayo, salamat sa patuloy na pagbabasa. Happy reading. Xoxo.

Follow niyo po ako sa mga Social Media Accounts ko.

Facebook: LuckyAvigail Moon Wp
Twitter: LuckyAvigail
Wattpad: LuckyAvigail
Thread: LuckyAvigail

Hart Moon

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon