Kabanata 35

671 20 3
                                    

Kabanata 35

Hello, I just want to say na apat na taon na po ang forward ng kuwento nila. Thank you and Enjoy reading.

Apat na taon na kami dito sa Amerika, at ang masasabi ko lang totoong nagbago ang buhay ko sa apat na taon na yon. Nagtuloy tuloy ang paggaling ni Sophie, at maganda na din ang daloy ng trabaho ko dito bilang Content Writer sa isang kompanya, pati na din si Kuya na nagsimula na sa restaurant business niya, nakabayad na din kami sa apartment at Hospital na binayaran ni Eros na pinagpapasalamat ko talaga sa kanya. Without him, hindi 'to mangyayari ngayon, malamang siguro, hindi pa din ako gumagaling sa pait at sakit na dulot ng anakaraan sa akin.

Yes, after kung na Hospital noon, nakumbinsi ako ni Eros na magpagamot at magpatingin sa Psychiatrist. He's right, para sa anak ko, kailangan ko matalo ang alaala ng nakaraan, kailangan ko magpakatatag para sa anak ko, katulad ng pinangako ko noon ng dumating siya sa buhay ko. Magpapatuloy ako, dahil mayroon ng siya, dahil nandiyan na siya.

Hindi naging madali ang pagpapagaling ko, ilang beses akong muntikan ng sumuko sa kadahilanan na, ramdam ko na ang kawalang pag-asa para sa sarili ko. When I met Lecster, binigyan n'ya ako ng pag-asa na may magandang mangyayari pa sa buhay ko. He become my Hope. My Yesterday's Hope. Kaya siguro nahihirapan akong magpatuloy kasi wala na siya, pero kalaunan I realize, hindi ko kailangan dumepende sa kanya, dahil si Sophie lang sapat na. Kaya yon, nagpatuloy ako sa pagpapagaling.  Salamat sa taas kasi ito na ako ngayon, alam kong ayos na ako ngayon. About naman kay Lecster, hindi na ako nakikibalita sa kanya kay Eros, at pasalamat ako kay Eros, dahil hindi na rin siya nababanggit niyo sa akin.

"Julia? Hindi ka ba talaga puwede umuwi? Kahit parasa kasal na lang ni Ma'am Joy?" Basa ko sa chat ni Alexa kaya agad akong nag reply sa kanya.

Gusto ko, pero nakakahiya naman ata yon.

Pag reply ko sa kanya wala pang Isang minuto nag reply agad siya.

"Gaga! Lahat ng Student Teacher na assign sa BEN, invited, kaya sige na, tsaka, it's been 4 years na kaya. And besides, may girlfriend na ang ex mo, I know naka move on ka na din sa kanya right? Tsaka, duh, hindi ka niya deserve."

Natigilan ako sa chat niya. Girlfriend? Oo, ilang beses ko na yon nabalitaan sa mga social media accounts lalo na at kilalang kilala si Lecster, kaya talagang napapabalita yon, pero iba pala kung mismong kaibigan ko na naparating nakikita siya ang nag confirm sa akin.

So, kung lahat kami Invited? Ibig sabihin nandoon din si Lecster? Malamang self. Sigurado yan, and for sure kasama niya rin doon ang girlfriend niya.

"Kailan ba?"tanong ko sa kanya. Binaliwala ko ang chat niya na move on kasi alam ko sa sarili ko, na hindi ko kailangan mag react do'n.

"Next week. So, ano? G?"

"I asked my family. But tell Ma'am Joy, thank you for invitation. I really appreciate it."

Pagkatapos kong I chat yon sa kanya ay agad na akong nag out sa trabaho para umuwi sa bahay. Sakto naman na nandoon na din si Kuya. Nakangiti naman akong sinalubong ng anak ko sabay yakap niya sa akin.

"Mama, let's eat." Yaya niya.

I smiled.

"Yes love, let's go."

"Iha, buti naman napaaga ang uwi mo. May sasabihin ang Kuya mo sayo importante."Wika ni Mama sabay tingin ko kay Kuya.

Seryoso naman akong tiningnan ni Kuya bago huminga ng malalim at nagsalita.

We need to go back in the Philippines."

Nagulat ako sa sinabi niya. I didn't expect that. Akala ko, ayaw niya ng bumalik kami, kaya natatakot akong mag paalam sa kanya na kailangan ko umuwi ng Pilipinas, dahil baka magalit na naman siya.

Taka akong tumingin sa kanya. "Why? Ano pong problema? I asked.

"It's about Aladin iha, naka takas siya, at huli siyang nakita sa NAIA, ang sabi peneke niya daw ang pangalan at passport niya para makapunta dito sa Amerika."Sagot ni Mama na ikinagulat ko.

Siya na naman? Kailan ba siya titigil?

"Pero, paano po tayo makakaalis agad?"

"Eros, will help us, I trust him with this Amerie, kailangan nasa Pilipinas na tayo bago pa siya makapunta dito sa atin."sagot ni Kuya na ikinagulat ko din.

Isa pa yan, sa apat na taon namin dito, sobrang close na nila ni Eros dalawa, especially pag dumadalaw dito sa Amerika si Eros.

Tahimik ko naman tiningnan ang anak ko.

Hanggang kailan tayo guguluhin ng Ama mo? Pero hindi ko hahayaan na makuha ka niya Anak, hindi ako papayag.

"Nahanda niyo na ba lahat ng gamit niyo?"tanong ni Eros pagtawag niya sa akin pagkatapos namin kumain.

"Oo."

"Don't worry about him, hindi ako papayag na makalapit ang demonyong yon sa inyo ni Sophie, bukas darating na yong taong pinasundo ko sa inyo, at pagbaba niyo ng eroplano sa NAIA, nandoon na din yong mga tauhan ko na magdadala dito sa inyo sa Penthouse, wala ka ng dapat problemahin."Aniya na nagpangiti sa akin.

"Bilib na bilib ka na naman niyan sa akin best friend?"tanong niya sabay tawa ko. I know nakangiti siya ngayon habang sinasabi yon.

"Kapal mo, pero baka pagselosan ako bigla ng Prinsesa mo ha."Saad ko sa kanya.

"Tss, nang aasar ka ba Amerie?"

"Ay, sorry naman, I forgot, iniwan ka din pala. Peace bro."asar ko sa kanya. Sabay tawa niya.

Alam kong hindi sincere ang tawa niya, alam kong nasasaktan siya, pero nakakatuwa kasi kahit may sarili siyang problema na sana hindi niya problema kung natuloy ang pagpapari niya noon. Ay ito pa din siya tumutulong sa akin..

"Kung ako sayo, imbis asarin mo 'ko, just ready yourself. I know nasabihan ka ni Alexa about Ma'am Joy's Wedding, and I know alam mo na nandoon din siya kaya humanda ka na lang sa pagkikita niyo. Pero Isa lang ang sinisigurado ko sa'yo Amerie, wala siyang alam kung nasaan ka ngayon."Aniya.

I smiled. "I already move on Eros, and I know siya rin.  May girlfriend na siya right?"

"What paano mo alam yon? Ni hindi na nga ako nag kwento sayo ng tungkol sa kanya kasi alam kong ayaw mo. Stalker ka 'no?" Sarcastic niyang tanong mula sa kabilang linya.

"Shut up Eros, na banggit lang ni Alexa, tsaka apat na taon na din alam kong nakalimutan niya na ako, so yeah? Handa na akong makita siya ulit.

I guess so. I hope so.

O, Ayan may binigay akong clue sa magiging kuwento ni Eros HAHAHAHA. Pero yeezzz, magkikita na sila Amerie at Lecster sa kabanata 3........ Secret anyway abangan niyo na lang. Kasi matinding selosan ang mangyayari. Matindi siya for me, Ewan ko sa para sa inyo. Okay, okay, ang ingay ko na. Tama na. Happy Reading. And Good evening. Char 2 update ako ngayon, kasi excited na ako, malapit ko na siyang matapos. :(

Hart Moon


My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon