Kabanata 4

870 26 2
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising dahil ipinangako ko sa Master Teacher ng Filipino sa BEN na tutulong ako sa kanya sa paglilinis ng library ngayon, bilang kapalit ng tatlong libro. Agad naman akong pumayag dahil bilang mahilig sa libro gusto kong magkaroon ng marami nito ng libre.

"Juls, nandiyan ka na pala."

"Good morning Ma'am, magsisimula na po tayo?"tanong ko sa kanya.

"Yes, may mga bisita kasi mamayang 8am. Pakidala na lang muna 'to sa library iha, susunod na lang ako, hahanapin ko lang yong files ko dito."Aniya sabay tango ko.

Agad agad kong binuksan ang library tulad ng sabi ni Ma'am, hinanap ko din ang walis at duspan dito para makasimula na ako sa paglilinis.

Nang nakita ko ang sign ng mga walis ay akmang lalapit na sana ako sa pintuan ng biglang may natapakan akong kakaiba kaya agad ko itong pinulot. At laking gulat ko dahil isa itong black shoes ng babae.

Pero kailan pa nagkaroon nang sapatos dito?

Akmang bubuksan ko na sana pintuan ng mga walis biglang may narinig akong boses mula sa loob na siyang ikinagulat ko.

Lecster!

Anong nangyayari? Dahil sa gusto kong malaman kung ano ang ingay ang naririnig ko sa loob at kung bakit narinig ko ang pangalan ng Lecster na yon ay dahan dahan kong binuksan ang pintuan at laking gulat ko na lang sa aking nakita sa loob nito.

Nanlaki ang mata ko habang hawak ang cellphone ko. Kitang kita ko ang likod ni Lecster alam kong siya 'to, alam ko at hindi ako puwede magkamali. Hinihingal siya habang nakikipaghalikan sa isang babaeng naka internship uniform katulad namin, na hula kong Isang Values Major..

Hindi ko kilala ang babae, pero pamilyar siya sa akin dahil kasamahan namin siya sa Internship. Tsaka, wala rin akong balak kilalanin ang bawat isa sa kanila. Wala akong pakialam sa kanila, ang mahalaga lang sa akin ay matapos ko ang trabaho ko agad. Pero, dahil sa kanilang dalawa, hindi ko na 'yon magagawa pa. Nakakainis!

No way! Ang kilalang perfect ng Elton, ang hinahangaan na captain ng soccer team, may pagka manyak pala. Tss. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga humahanga sa kanya oras na malaman ang ugali niyang 'to? Heartrob ha, kung saan maabutan ng libog doon agad agad sasabog, tsaka excuse me library 'to hindi motel.

Tumindig ang balahibo ko dahil sa palakas na palakas na ungol ng babaeng kasama niya ngayon kaya imbis maglinis ako tulad ng pangako ko kay Ma'am ay umalis na lang ako.

Wrong timing!

"Tapos ka na Juls? Sorry, hindi na ako nakatulong, pinatawag ako ng principal."saad ni Ma'am Jessa sa akin pagbalik ko sa office niya.

"Ah, eh, yes, Ma'am."

"Okay, thanks iha, mamaya after ng event you Dan choose the 3 books na gusto mo ha." Aniya sabay ngiti ko na lang.

Tss, kahit wag na Ma'am! Lalo na at mukhang amoy milagro na ang mga libro sa loob dahil sa lalaking yon.

Lumipas ang oras at nagsidatingan na ang mga kasama kong ST dahil nga sa may event ang school ngayon. At expected huli dumating ang perfect ideal man ng lahat tss. Mukhang tigang ata ng matagal na panahon. Inaasign na kami ng mga teachers kung saan event kami tutulong at laking pasalamat ko na lang dahil medyo malayo ang event ko kay Lecster lalo na at hindi pa rin ako komportable na makita o kahit maka salubong lang siya especially after niyang malaman ang ginagawa ko after class at higit sa lahat pagkatapos ng nakita ko kanina na hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan. Oo, nga at color blind ako, pero alam ko ang nakita ko, at alam kong papunta sa sex ang gagawin ni Lecster at ng babaeng kasama niya kanina.

My Yesterday's Hope (Yesterday #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon