Kabanata 14
It's Saturday! Kung noon hindi ako Masaya dahil Sabado, ngayon nagpapasalamat ako at Sabado na ibig sabihin hindi ko makikita ang mukha ni Lecster ng dalawang araw, dahil hanggang ngayon hindi pa din ma proseso ng isip ko ang mga bagay na inamin niya. Sino ba naman kasing maniniwala na may magkakagusto pa sa akin? Paano kung bibigyan ko siya ng chance , tapos malaman niya ang tungkol kay Sophie iiwan niya ako? Iiyak na naman ako ulit dahil sa sakit? Ayaw ko ng umasa, nakakapagod ng umasa.
"Ate, are you crying po?" Pukaw ng Isang batang babae sa akin na sa tingin ko limang taong gulang na.
Nandito ako ngayon sa Park, naka upo, ni hindi ko nga napansin na dito ako dinala ng mga paa ko pagkatapos kong bumili ng ice cream sa 7/11 at ng gatas ni Sophie, basta ang naalala ko lang kanina nakita kong masayang nagtatawanan at nagtatakbuhan ang mga batang 'to kaya napalapit ako dito.
"Ate?"tawag niya ulit sa akin.
"Yes, baby? I'm not crying."
"Are you sure po? I know that you're not okay ate, I see in your eyes po."Aniya na ikinagulat ko.
Paanong Isang katulad niya, alam kung anong gustong sabihin ng mga mata ko?
"Ate, don't think so much po, you know pwede niyo po I share sa akin na sa isip niyo. I will not judge you po."Saad niya na nagpangiti sa akin kaya agad ko siyang pinantayan.
"Thank you iniisip ko lang na sana katulad niyo na lang ako palagi, sana hindi na lang ako tumanda." Nakangiti kong sabi sa kanya. Halata naman ang gulat sa mga mata niya dahil sa sinabi ko.
"Bakit niyo po, gusto maging bata? Hindi po ba kayo masaya?"tanong niya na ikinailing ko.
Okay lang naman siguro na aminin sa bata ang totoo kong nararamdaman diba? Okay lang naman siguro na kahit ngayon lang ilabas ko sa iba ang totoong nasa loob ko.
"Hala! Don't cry na ate, sorry po natanong ko yun. Wag niyo na po isipin kung ano o sino yung nagpapabigat ng puso niyo ate, tsaka ang ganda ganda niyo po para umiyak."Aniya na ikinatahimik ko.
"Ang ganda mo rin alam ko, ramdam ko."
"Why po? Hindi niyo po ba ako makita?"takang tanong niya dahil sa sinabi ko.
"Nakikita kita, pero sa mga mata ko, wala kang kulay, pero alam ko, alam na alam ko maganda ka."sagot ko sa kanya.
"Bakit po?" Tanong niya ulit. Akmang sasagot na sana ako sa kanya ng isang boses ng babae ang pumutol sa akin.
"Amallia."
"Mommy ko."Ani ng batang kausap ko sa babaeng dumating.
"Pasensiya na, ginulo ka ba nitong anak ko?"tanong ng babae sa akin na ikinailing ko sabay yuko ko sa kanya dahil nakilala ko agad siya paglapit niya.
Ang sikat na Author ng My Midnight Damsel, at isa sa kilalang Director ng bansa si Ayla Lucia Del Rios. At itong bata siguro ang naging anak niya kay Professor Cena.
"Iha."tawag niya sa akin na pumukaw sa pag-iisip ko.
"Sorry po Ma'am, hindi ko po kayo nakilala." Sagot ko sa kanya sabay ngiti niya.
"You know me?"tanong niya.
"Opo naman po, isa po akong student ng Elton University, naging student niyo po ako sa Isang subject noong second year ako hindi niyo lang po siguro ako maalala kasi hindi naman po talaga ako mahilig mag socialize na tao, at fan niyo rin po ako at ng story niyo na My Midnight Damsel."sagot ko sa kanya sabay tango niya.
"So, Filipino Major ka right 4th year?"
"Yes po."
"I'm glad, masaya akong malaman na unti-unti ng nabibigyan ng halaga ang sariling atin, and i'm sorry kung hindi kita makilala, pero thank you for being a fan of my story sorry din pala kay Amallia, makulit lang talaga 'tong anak ko."Aniya sabay tango ko.
"Mommy, hindi po ako makulit si Daddy lang yun."biglang sabi ni Amallia na ikinangiti na lang ni Ma'am Lucia.
"Anyways can I ask your name?"
"Amerie Julia Cuevas po Ma'am." Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Beautiful name, bagay sayo, Isang anghel."Aniya na ikinayuko ko dahil sa hiya.
"Mommy where's daddy?"tanong ni Amellia kay Ma'am Lucia.
"Nasa restaurant na with your Kuya Von and Kuya Lecster."sagot ni Ma'am na ikinagulat ko.
Lecster, Von?
"Mommy puwede natin isama si Ate Julia? Puwede po?"tanong ni Amallia kay Ma'am sabay ngiti nito agad naman napatingin sa akin si Ma'am sabay iling ko.
"Ah, eh, wag na po, may gagawin din po ako ngayon e, tsaka nahihiya po ako." Saad ko sabay ngiti niya.
"Pero ate.."
"Promise soon, sa susunod baby okay ba yon sayo?"putol ko sa sasabihin ni Amallia.
"Promise po?"
"Yes, promise."paninigurado ko sa kanya sabay ngiti niya sa akin.
Okay ate, just remember po na, hindi man po lahat ng tao ma p-please mo, I'm here po, I like you already po at wag ka na po sad, ipakilala po kita kay Kuya Lecster ko mabait po yun."Aniya sabay ngiti ko.
Mabait? Si Lecster? Tss. I don't think so.
"Thank you baby, thank you Ma'am."
"Thank you too iha, so hihintayin namin yang soon mo ha that's a promise right? At alam kong matutuwa ang asawa ko na makita ka at makilala ka." Saad ni Ma'am Lucia sabay ngiti ko.
"Yes Ma'am, I'm hoping too Ma'am."
"Okay, so mauna na kami sayo ha, gusto pa sana kita makausap, pero I know hinihintay na ako ni Aries ngayon, anyway bago ka umalis gusto ka lang sabihin na. You can do it Julia, just trust the process, trust yourself, makakaya mo lahat ng pagsubok, mananalo ka sa mga problema mo, basta pagkatiwalaan mo ang sarili mo at makinig ka sa totoong sinasabi nito."Aniya sabay turo niya sa dibdib niya. "Dahil sa huli, sarili lang natin yong makakapagsabi na okay na talaga tayo at totoong masaya na tayo."
Hindi ko inaasahan na marinig yon sa kanya, hindi ko alam pero ramdam ko yong mga sinabi niya, para bang yon ang mga salitang hinihintay kong marinig ngayon, mga salitang para sa mabigat kong puso mga salitang kailangan ko.
So ito na, opo, opo, opo, opo, opo ang Von at Lecster na kilala ni Amerie ay ang Lecster at Von na tinutukoy ni Amallia. HAHAHAHA. Konti na lang mababaliw na ako sa kuwentong 'to ang bigat para sa akin na isulat siya but at the same time natutuwa ako at masaya. So sa ngayon ito muna and happy reading everyone.
Follow niyo naman ako sa mga Social Media Accounts ko.
Facebook: LuckyAvigail Moon Wp
Twitter: LuckyAvigail
Wattpad: LuckyAvigailSee you there. Lovelots everyone.
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...