Kabanata 40
Kinabukasan maaga kaming umalis ni Sophie, dahil ngayong araw ang simula ng enrollment niya. Hindi na kami nagpasama kay Eros, dahil alam kong may iniisip din siya, hindi naman puwede na habang buhay niya kaming ikargo ng anak ko.
"Mama, sa school na po tayo?" Nakangiting tanong my anak ko pagsakay namin ng taxi.
Umiling ako.
"May pupuntahan muna tayo, kakain muna tayo ng lugaw, bago pumunta sa School mo, okay lang yon?" Tanong ko sa kanya.
She nodded while smiling at me.
"Opo."Aniya na ikinangiti ko.
Totoo talaga na nakakatuwa at nakakalusaw ng pagod ang ngiti ng mga bata, lalo na kung ang ngiting yon, ay galing mismo sa dugo at laman mo. Sa anak mo.
Ilang minuto pa ang tinagal namin sa taxi hanggang nakarating na kami sa lugar na kaytagal kong hindi nabalikan.
"Ate Marie."bati ko kay Ate Marie pagpasok namin sa loob.
Halata naman na nagulat siya sa pagtawag ko, pero agad niya akong sinalubong ng yakap na ikinangiti ko.
"Julia. Ikaw na ba talaga yan?"
I nodded.
She smiled.
"Naka uwi ka na pala, anong gusto niyo?"nakangiting tanong niya sabay tingin niya sa anak ko.
"Lugaw lang ate, para kay Sophie."sagot ko sa kanya.
"Siya na ba? Siya na ba ang anak mo?"tanong niya sabay tango ko..
"Sorry ate, ngayon lang ako, nakabalik."hingi ko ng tawad sa kanya sabay iling niya.
"Kasabot ko Amerie, sige, maupo na kayo diyan, ihahanda ko muna yong lugaw niyo huh."Aniya.
"Mommy? Who's that lady?"inosenteng tanong ng anak ko pag upo namin.
"She's my friend anak, a very good friend of mine."sagot ko sa kanya. Akmang magsasalita pa sana siya ng dumating na si Ate Marie dala ang lugaw ni Sophie.
"Thanks ate." Wika ko sa kanya.
"Baby, kain ka muna okay, and after that pupunta na tayo sa School mo."Ani ko sa anak ko na ngayon ay abalang pinapalamig ang pagkain niya. Agad naman siyang tumango sa akin.
"Ang laki niya na."nakangiting saad ni Ate Marie na ikinatingin ko sa kanya.
"Ate, sorry kung hindi ako nakapunta sa burol ni Nanay."mahinang sagot ko sa kanya sabay hawak niya sa kamay ko.
"Naiintindihan ko Amerie, at alam kong naiintindihan din ni Nanay. Ina ka lang, at bilang Ina, priority talaga natin ang makakabuti para sa mga anak natin. Alam kong gusto mo lang siyang protektahan, at proud ako sayo dahil do'n." Aniya.
I sighed.
"Ate."
"Shh, sabi nga sa kasabihan diba. Life is like a camera lens. Focus only on what's important and you will capture it perfectly. Ibig sabihin, mag pokus ka lang sa mga bagay na importante, at sa kaso mo, importante ang anak mo. Kaya naiintindihan ko." Sagot niya na nagpangiti sa akin.
"Thank you ate."
"Masaya akong makita ka ulit, kung nandito lang si Nanay, alam kong magiging masaya din siyang makilala ang anak mo."Aniya na ikinayuko ko.
Masaya akong may Nanay at Ate Marie ako, na tinanggap ako ng buong puso, sila ang dahilan kung bakit nakakatulong ako sa pamilya ko noon. Kaya masakit para sa akin na isipin na wala na si Nanay sa pagbabalik ko dito.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...