Kabanata 11
Kinabukasan maaga akong nagising para maglakad lakad, sinadya ko talaga na madaling araw magising kahit apat na oras lang ang naging tulog ko dahil mas gusto ko na mag isa lang maglakad lakad sa dalampasigan para wala akong marinig na kung ano-ano galing sa mga kasamahan ko na ST. Tulad kagabi natapos ang gabi na inaasar kami ni Eros dahil daw kami lang ang magkasama sa swing. Pero imbis na patulan ko sila ay hinayaan ko na lang sila at pumunta na lang sa kuwarto para matulog.
"Why are you here?"malamig na tanong mula sa likuran ko na ikinatingin ko dito.
"Lecster."mahinang banggit ko sa pangalan niya sabay lapit niya sa akin na ikinaatras ko naman.
"Bakit ka umaatras? Takot kang makita tayo ng boyfriend mo? Na kaibigan ko?"malamig na tanong niya na ikinagulat ko.
"Boyfriend?"takang tanong ko sa kanya sabay hinto ko sa pag atras.
"So ngayon, dinedeny mo siya?"
"What? You know what Lecster, hindi kita maintindihan, ano bang ginawa ko sayo? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong nagawang kasalanan sayo. And the last time I check, wala akong dapat I deny, kasi wala naman akong boyfriend. " saad ko sa kanya.
"Talaga? Pero? Ganyan ka ba talaga ha?"
"Anong ganyan?" Takang tanong ko sa kanya.
"Manhid? Walang nararamdaman? Una, pinsan ko, ngayon kaibigan ko naman, hindi ba puwedeng ako na lang?! Ha? Amerie?!"sunod sunod niyang tanong na ikinagulat ko. Akmang tatalikuran ko siya ng bigla niya akong pigilan gamit ng mga kamay ko.
"Ano na naman?"Mataray na tanong ko sa kanya.
"Saan ka pupunta?"
"Malamang maglalakad, lakad, alangan naman maligo ako ng naka pajama diba?"
"Tss, kumain ka ba kagabi?"pinagwalang bahala niya ang tanong ko na ikinagulat ko.
"Lecster!"
Napatigil ako sa pagsasalita ng narinig ang malanding boses na yon mula sa likuran ni Lecster na ikinataas ng kilay ko.
Seriously? Don't tell me, may gagawin silang milagro sa oras na 'to. Magkita ba naman ng madaling araw tss.
"Glaiza, ano...."
"Excuse me, magkakape pa ako."putol ko sa sasabihin ni Lecster sa self proclaimed girlfriend niya sabay alis ko sa harap nila.
Agad agad akong pumunta sa canteen ng resort na alam kong open na sa ganitong Oras dahil sa mga guest na gustong mag kape katulad ko. Akmang papasok na sana ako sa loob ng biglang may pumigil sa akin.
"Lecster ano ba!
"Wow! So umamin na si best friend?"
"Putek! Akala ko kung sino, bakit ang aga mo nagising Eros?"takang tanong ko sa kanya napagkamalan ko pa siyang si Lecster yuks. Baka ano pang isipin niya.
"Ako una nag tanong, ako dapat una makakuha ng sagot. So ano umamin na?"
"What? Ano naman aaminin niya, tsaka, nandoon siya kasama ng self proclaimed girlfriend niya."saad ko sa kanya. Pero parang gusto ko suntukin ang sarili ko dahil nagmumukha akong bitter sa tono ng pagsabi ko no'n sa kanya.
"Okay, okay, sabi mo e, anyways, magkakape ka rin?"tanong niya sabay tango ko.
"Goods, then sabay na tayo, dahil mamaya 5am daw ang next activity sabi ni Principal."
Natapos kami sa pag inom ng kape ni Eros ng masayang nagkekwentuhan, hindi ko naisip na darating ako sa punto ng buhay ko na magaan sa loob ko na I kwento sa iba ang buhay ko pakiramdam ko totoo lang siyang tao, pakiramdam ko walang problema oras na malaman niya ang sekreto ko, kasi totoo siyang tao.
"5am na, ano tara na?"Yaya niya sa akin sabay tango ko sa kanya.
Sabay kaming pumunta ni Eros sa dalampasigan kung saan gaganapin ang second activity at mukhang kami na lang ang hinihintay dalawa, dahil halos lahat ng mata nila ay titigil na titig sa amin.
"Okay, kumpleto na tayo, so puwede na tayong magsimula. Are you ready?"Tanong naman ni ma'am Joy sa amin Isang English teacher sa BEN.
"Yes Ma'am."
"Good, then ngayon ito lang ang gagawin niyo......"
"Juls, okay ka lang?"tanong ni Shayra dito sa tabi ko.
"Ah, eh, nahihilo lang."sagot ko sa kanya.
"Gusto mo magpahinga muna sa kuwarto? O sa clinic? Samahan kita."tanong naman ni Eros sabay iling ko sa kanya.
"Wag na, kaya ko."sagot ko sa kanya.
"Sigurado ka? Samahan ka na namin."saad naman ni Alexa na ngayon ay nandito rin sa harap ko. Agad naman napatingin si Ma'am Joy sa amin pati na rin ang Ibang mga Major na ngayon ay halatang nagtataka.
"What happened?"tanong ni Ma'am Joy.
"Ma'am nahilo po si Amerie, dalhin no na lang po siya sa clinic."sagot ni Eros sabay tango ni Ma'am.
"Sure ka Eros? Kaya mo ba?"
"Yes Ma'am."
"Sasamahan po namin siya ni Alexa Ma'am."saad naman ni Shayra.
"Okay, sige."Saad ni Ma'am sabay alalay sa akin ni Eros habang seryoso naman na nakatingin sa akin sila Alexa.
"Juls? Anong masakit sayo?"takang tanong niya sa akin ng bigla kong hawakan ang dibdib ko.
"Wa-----."
"Fuck! Juls!
And everything turns into black.
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog, pero alam kong nandito ako ngayon sa clinic dahil sa amoy ng mga gamot na naamoy ko ngayon.
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at mukha ni Lecster na nag aalala ang bumungad sa akin.
"Amerie."Aniya sabay tango ko sa kanya.
"Tell me, anong masakit sayo? Nagugutom ka ba? Sabi Ng nurse na tumingin sayo, dahil daw sa gutom kaya ka nahimatay."wika niya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.
"Nasaan sila?"mahinang tanong ko sa kanya sabay upo ko ng dahan-dahan mula sa pagkakahiga agad niya naman akong inalalayan.
"Sila Eros?"takang tanong ko sa kanya. Akala ko sasagot na siya dahil bigla siyang natahimik sa tanong ko ng bigla niya akong yakapin na ikinatigil ko.
"You scared me love, you scared me. Damn! Kahit nagseselos ako, hindi kita matiis."Aniya na ikinagulat ko.
"Anong sinasabi mo?"tanong ko sa kanya ng bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin.
"I don't know what to do, ng nakita kitang dala-dala ng kaibigan ko kanina, gusto kitang kunin sa kanya pero naisip ko, bakit ko yon gagawin kung hindi mo naman ako gusto? Kung siya naman ang gusto mo? Ni hindi ka nga nag selos sa closeness namin ni Glaiza, napangunahan ako ng takot, pero kanina, hindi ko kaya, tumakbo agad ako dito pagkasabi ni Alexa kay Ma'am Helen na hinamatay ka. Kahit selos na selos na ako, hindi ko kaya love, hindi ko kayang may mangyaring masama sayo."sagot niya na mas lalong kinagulat ko.
"Hindi kita maintindihan Lecster."
"Anong hindi mo maintindihan? Na gusto kita? Sige, sasabihin ko para tumatak sa isip mo, gusto kita Amerie, gustong gusto kita, lunod na lunod na ako sa nararamdaman ko, sinubukan kong pigilan pero hindi ko kaya, hindi ko nakayang umahon sa nararamdaman kong 'to. Gustong gusto na kita."
"Lecster---"
"I like you Amerie, even if you don't like me, gusto kita kahit manhid ka, gusto kita kahit kaibigan ko pa ang gusto mo, gusto kita, at sorry kung hindi ko na kayang pigilan pa 'to."
Owshiee, umamin na siya, pero, pero, pero HAHAHA secret, abangan.
Good morning
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...