Bakit ba, hindi pantay pantay ang tao? Bakit may mayaman, bakit may mahirap? At bakit may Ibang tao na walang pagdalawang isip na saktan ang kapwa nila?
Mga tanong na gumugulo sa isip ko, e, di sana kung mayaman lang ako magagawa ko ang mga bagay na gusto ko, nabibili ko ang mga bagay na kailangan ko at higit sa lahat kung wala lang akong deperensiya sa mata ko edi sana hindi ako nagkamali sa desisyon kong yon.
"Juls, anong ulam mo? Bibili ako."tanong ni Alexa sa akin na siyang ikinatingin ko sa kanya.
"Kahit ano na lang."
"You sure?"
"Oo."
Hindi na ako pinilit ni Alexa tanungin pa tungkol sa ulam na gusto kong kainin ngayong lunch kaya nanahimik na lang akong nakaupo habang nag cecellphone ng nagsidatingan na ang mga kasama namin na ST para kumain, maliban kay Lecster na hindi daw dito kakain kasabay namin at kay Mary Ann na sinundo ng boyfriend niya.
"Okay, everyone is here na, let's eat na."saad ni Ate Cherry ng nakangiti.
"Sige lang, mauna na kayo, hihintayin ko lang si Alexa."sagot ko sa kanila.
"Okay, anyways si Lecster?"tanong ni Ate Cherry sa mga Mapeh Major.
"Kasama..."
"Nandito ako."putol ni Lecster sa sasabihin ni Glaiza na halatang ikinagulat nila.
"I thought sa labas ka kakain?"takang tanong ni Glaiza sa kanya.
"Nah, nakalimutan ko I made a promise to someone na dito ako kakain dahil ako ang bahala sa lunch niya bayad ko sa utang ko sa kanya."sagot niya dito habang nakatingin sa akin na ikinatigil ko.
Don't tell me? Ako tinutukoy niya? E, ako naman 'tong may utang sa kanya.
"What the seriously Bro, ikaw nagka utang?"hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Eros, kaibigan niya na Mapeh Major din.
"Yeah, nagkulang ako sa barya e."
"Silly, kanino naman?"tanong ni Eros sa kanya sabay lapit sa akin ni Lecster na halatang ikinagulat ng lahat pati na rin ni Alexa na kababalik lang.
"No way! Kay Julia ka may utang?"takamg tanong ni Glaiza sa kanya sabay ngiti ni Lecster.
"Yeah, and as a promise, ito na ang bayad ko."Aniya sabay abot sa akin ng Isang box ng chicken joy mula sa Jollibee.
"Para saan 'to?"tanong ko sa kanya.
"Utang ko nga."Aniya. Akmang hindi ko tatanggapin ng biglang unahan ako ni Alexa sa pagkuha nito sa kamay ni Lecster.
"Share na lang natin 'to sa lahat, right Juls?"
"Ah, oo."sagot ko na lang sa kanya dahil gulong gulo pa rin ako kung bakit sinabi yon ni Lecster.
Ano yon? Bayad? Para hindi ko sabihin sa iba ang nakita ko? Suhol? Ganoon?
Pero imbis isipin ko kung bakit ginawa yon ni Lecster ay kumain na lang ako at pagkatapos kong kumain ah nauna na akong nag out sa kanila dahil maaga daw bubuksan ni Ate ang lugawan niya ngayon.
Kalahating oras din ang byahe ko patungo sa lugawan nila at pagdating na pagdating ko doon ay nagsisimula ng magluto si Ate kaya agad na akong lumapit sa kanya.
"Hi ate!"
"O, Juls, nandiyan ka na pala."
"Opo, ako na po dito sa hugasan."sagot ko sa kanya sabay lapit ko na sana sa lababo ng bigla akong tawagin ni Nanay Senyang para kunin ang order ng isang lalaking kararating lang.
"Opo Nay, ako na ang bahala."sagot ko na lang sa kanya sabay lapit sa upuan ng lalaki.
"Good afternoon Sir, ano po ang order niyo?"tanong ko sa lalaki akmang isusulat ko na ang sasabihin niya ng bigla na lang akong nagulat ng humarap siya sa akin.
"What the hell?! Ikaw na naman?"
"Ano?"maang maangmaangan ni Lecster sabay upo ko sa harap niya.
"You know what? Stop! Itigil mo kung anong lintek na ginagawa mo ngayon nakakatakot ka."Saad ko sa kanya na ikinataas ng kilay niya sa akin.
"What do you mean Amerie? Nandito lang ako para kumain ng lugaw, wala akong ginagawa."sagot niya na mas lalong ikinainis ko.
"Really? Kakatapos mo lang kumain diba? At isa pa, maraming lugawan dito sa MC kaya bakit ka nandito? And don't answer me na matagal ka na kumakain dito, dahil matagal na ako dito at ngayon lang kita nakitang pabalik balik dito."
"I don't understand what you mean Amerie."
"Talaga? Alam mo Lecster, kanina pa ako inis na inis sayo, una yong sa school, really utang? Sa pagkakaalala ko, ako ang may utang sayo, pero ano yon? Chicken Joy talaga? Para saan yon? Suhol?"
"Gusto lang kitang bigyan, bakit bawal ba?"takang tanong niya sabay tango ko.
"Bawal, dahil hindi tayo close at kung inaalala mo ang nakita ko, don't worry wala akong balak ipagsigawan sa buong mundo yon, kung yon ang kinakatakot mo, hinding hindi ka masisira sa fans mo, naiitindihan mo?"sagot ko sa kanya.
"Amerie listen, wala akong pakialam sa iba, at tulad ng sinabi ko sayo kahapon, kung ipaalam mo sa iba ang nakita mo, wala akong pakialam, ang iniisip ko ngayon ay kung anong iniisip mo tungkol sa akin. And yes, about the Chicken Joy? Gusto ko talaga ibigay yon sayo for peace offering, hindi mo dapat nakita yon, and I swear hindi na mauulit yon."Aniya na ikinatigil ko.
Ano naman pakialam ko sa kanya kung ulitin niya yon?
"Tss, this is nonsense! Babalik na ako sa trabaho ko."Saad ko sa kanya sabay talikod sana sa kanya ng bigla niya akong pigilan.
"Sandali lang."
"May sasabihin ka pa? Kung wala na ihahanda ko na ang order mo ng makaalis kana."
"Eat with me Amerie, eat with me."sagot niya na ikinagulat ko.
"Tss, tapos na ako sabay pa nga tayo kanina diba? At isa pa pala, puwede ba, wag mo ako kaawaan, hindi ko kailangan ng awa mo, o ng kahit sino Lecster Jade kaya ko ang sarili ko."
"Hindi kita kinaaawaan Amerie."
"E, anong tawag sa ginagawa mo? For your information Lecster, kaya kong kumain tatlong beses sa Isang araw, binubuhay ako ng Nanay ko, sadyang kailangan ko lang talaga kumayod para sa sarili kong buhay."
"Okay you win, sorry about that, hindi ko sinasadya na yon na pala ang dating sayo, but believe me or not, hindi kita kinakaawaan. I just want us to talk Amerie I want to know you. Tsaka, pang dalawang tao ang order kong lugaw sayo, hindi ko yan mauubos." Aniya na ikinangisi ko.
"Well, that's not my problem anymore Sir! Goodluck."
Hindi ko din talaga maiwasan isipin na may sariling isip ang mga characters ko, kahit hindi ko plano na ito ang mangyari, biglang ito ang kalalabasan HAHAHAHA, but kahit anong mangyari sa kuwentong 'to trust me, especially my characters, trust them. Yon lang and Good morning everyone, happy reading.
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Hope (Yesterday #2)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Mapeh Major x Filipino Major Amerie Julia Cuevas 4th year college, the strong , independent woman. Kakaiba siya sa lahat ng babae (Unique) ika nga nila. Sanay siyang harapin ang lahat ng bagay ng mag-isa, hangga't kaya niya...