Infinity 8 - Changes & Feelings

11.5K 312 18
                                    

Adreanna's POV

"Oy bilisan niyo na! Bagal eh." sigaw ko sabay irap. Inihiga ko ang ulo ko habang nakadekwatro. Grabe ang init! Buti nalang may suot akong shades. Pwede ko namang e'change ang tempo ng panahon, pero hindi naman ako papayag na maglaban sila nang walang kahirap-hirap diba? Tsk.

"Sir— Maam! Kailan niyo pa po ba kami ipaglalaban-laban? Ansakit na po ng tuhod ko sa kakatakbo tapo ang init pa. Baka rayumahin—"

"Tumahimik ka nga!" saway ni ate Meciza sa kapatid at nagpatuloy sa pagtakbo.

Tatlong buwan na rin ang nakalipas. Nakapasok silang tatlo, mentioning ate Meciza, Jeanne at Jenica sa Special Class. Habang kaming tatlo ni Zerred at, uhh.. D-Dalliere ay nakapasok sa VSC.

Sinuri nila ako. Nakitaan ng potensyal hindi lang sa paggamit ng kapangyarihan kundi pati sa pakikipagdigmaan. Sabi nila magaling ako at masyadong kakaiba. Pati 'yung mga ginagamit ko daw'ng spells hindi kilala. Ngunit, hindi kalaunan ay nakilala nila kung sino ako.

"Ikaw ang isa sa mga nawawalang prinsesa." sabi ng isa mga tagasuri ng palasyo. Nang marinig ko ang mga katagang iyan ay lumaki ang mga mata ko. Ngunit, bigla na lamang sumingkit at pinagtawanan sila. Noong una ay hindi ko tanggap. Sumakit ang ulo ko sa kakaisip kung bakit at paano ako naging prinsesa. Isang sagot lamang ang palaging sumasagi sa aking isipan. "Hindi ko alam." tss, that pathetic thought.

Hindi ko man lubos maisip pero pinabayaan ko silang ituring akong prinsesa. Hindi akosanay at hinding-hindi ako masasanay.

Kalaunan ay nagsawa ako. Hindi ko gusto ang pakikitungo nila sa akin. Ni hindi ko pa nga nga nakikita ang hari at reyna eh. Psh.

Umalis ako sa palasyo. Gumawa ako sa kanila ng kasunduan. Hindi ako titira sa palasyo pero magiging instructor ako ng mga taga SC bilang kapalit.

Ako mismo ang nagdesisyon. Hindi ko man ito pinagsisihan sapagkat sa dalawang buwan kong nakatira sa palasyo, nabigyan ko ang sarili ko ng pagkakataon na makapagsanay at mahasa ang kapangyarihan kong matagal nang nakatago.

"Hey beautiful." bati ni Zerred. Mahirap mang isipin pero siya na ang aking—

"Maaaaaaaaaam! May hinimatay!" sigaw ng aking estudyante. Agad naman akong tumayo at mabilis na nakarating sa kanila. Hindi ko na nga nalaman kung teleportation, speed o levitation ang nagamit ko eh.

"What happened? Bakit siya nahimatay?" tanong ko habang hinahawakan sa noo ang babae.

"Dahil po sa sobrang init. Hindi po nakaya kaya na stroke—aray!" batok sa kanya ng kasamahan niya.

Heat stroke? Imposible.

"Eh hindi naman masyadong mainit ah." tugon ko habang ginagamot ang nahimatay kong estudyante.

"It's becauseyou can't be affected by so much heat. Naka sun-block kana, nag cast ka pa ng heat barrier sa katawan mo para di ka masyadong maapektohan. Ikaw talaga~" litanya ni Zerred sabay pingot sa tenga ko.

"Masakit ah!" sigaw ko sabay habol kay Zerred. Tapos ko nang gamutin ang pasyente ko. Inilagay ko naman sa katamtamang init ang temperatura. Hinahabol ko pa rin si Zerred.

"Blee!" inis niya sabay labas ng dila at lagay ng dalawang kamay sa ulo at nagsabi ng, "Nyenye nyenyenye!"

Ah ganun ah!

"Obturatio ibi" bulong ko na nakapag pahinto kay Zerred.

"AHAHAHAHA! Oh ang cuuuuuuute!" pisil ko sa pisngi niya. Kaya niyang igalaw ang mga mata at bibig niya, pero hindi ang katawan niya.

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon