Infinity 50 - Gone

2.7K 57 1
                                    

Adreanna's Point of View

Kung sino man 'tong ugok na lalaking 'to, better make sure na hindi siya ang dahilan kung bakit kami naging miserable ni Dalliere kundi makakatikim talaga siya saken.

Pero habang nags-sleeping beauty muna 'tong lalaking 'to, kailangan ko munang hanapin sina ate Meciza.

Please, teleportation, dalhin mo'ko kung nasaan sila ngayon.

*shing*

(AN: Haha, matagal na'ko hindi nakakapaglagay ng sound effect kaya bakit hindi? ;D)

Anong lugar 'to? Bakit ambaho? Pwe, ang dudugyot ng mga nakatira dito, parang amoy patay.

Di kaya. . .

Tama! Torture asylum nga! Wtf, bakit ako dinala ng teleportation ko dito?

Wait, baka nandito sila ate Meciza! Baka kung ano na ang nangyari sa kanila. Gods, 'wag naman sana!

"Ate Meciza?! Jeanne?! Jenica?! Nandito ba ka'yo?!" sigaw ko sabay tingin sa paligid. Nasaan ba ang ilaw dito? Hindi naman 'to horror, pa-echos pa ang kadiliman eh.

"Sabalí et light!"

Oh, ayan may ilaw na hehe. Nasa'an na kaya sila? Bakit walang sumasag---ay putangina ano 'yon?!

Tae may natapakan akong matigas! Mailawan nga. Grabe naman kasi pang-horror ang setup.

Ay hala naiwan ko nga pala yung lalaki kanina sa hinintuan ko! Babalikan ko ba? 'Wag nalang, mamaya pa naman siguro mawawalan ng gana ang spell.

Teka nga, ano ba 'yong natapakan ko?

"Ahh!" pakshet ulo ng bangkay 'yung natapakan ko wtf! Jusko kaninong bangkay 'to?! Hindi ko na makilala kasi tinanggal ang balat ng mukha wtf! Pero ang alam ko lalaki siya! Sinong walang hiyang psycho ang gagawa nito?! Malilintikan talaga siya saken, makikita niya!

Napahawak ako sa bibig ko bago pa ako masuka. Kailangan ko na talaga silang hanapin, baka nanganganib na sila ate Meciza ngayon.

Ayun, may isang kawarto!

"Ate Meciza---?!"

"YANA D'YAN KA LANG!" sigaw ng babae sa loob bago pa man ako makapasok. Boses ni ate Meciza 'yun ah!

"Ate ayos lang ba kayo?!" sigaw ko pabalik. Bakit ba ayaw nila akong papasukin?! Atsaka bakit andilim sa loob? Ano ba ang nangyayari?!

"'Wag kang papasok sa loob Yana! Hihigupin nito ang kapangyarihan mo gaya ng nangyari sa ame---*pak*"

"TUMAHIMIK KA!"

Wtf! Hihigupin?! Atsaka sino iyong sumigaw?! Bakit parang napakapamilyar?

"BWAHAHAHAHAHA! Natatakot ba ang pinakamakapangyarihang magus na pumasok dito sa loob? Ni hindi man lang mailigtas ang lahat ng kanyang mga kaibigan hahahahaha duwag! Duwag ka, Adreanna! Duwag ka!" sigaw ng babae atsaka biglang sumulpot sa harapan ko.

"B-Brianne?! Ba-bakit mo ito nagawa?!"

"Tsk, tsk, tsk. Inosenteng Yana, andaling mauto. Sa tingin mo ba ay matapos kong makulong sa katawan mo ay hahayaan ko lang na maging anino mo?!" sigaw niya at nanlilisik na ang mga mata. "Bobo ka! Hindi ko makakalimutan ang pagkulong nila sa akin sa katawan mo para lang mabuhay ka! Kakambal kita pero hindi man lang nila ako inisip! Kaya maghihiganti ako sa'yo! Kung hindi dahil sa'yo, hindi ako magkakaganito!"

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon