Adreanna's POV
Alas otso y medya na ng umaga nang magising ako. Ayoko pang bumakod, pero kailangan. Late na'ko ng isa't kalahating oras. Dalawang araw akong naka leave dahil dun sa party. Kaya ngayon, kailangan kong bumawi.
Sinuot ko ang aking damit matapos lumabas sa shower at nagpatuyo ng buhok. Isang fitted gray sando (na mas nagbigay buhay sa aking hinaharap. -If you know what I mean) at isang fitted black leggings with matching rubber shoes na gray and black ang aking suot.
Suot ko din ang aking hooded cape/cloak. Syempre para malaman nila na taga VSC din ako. Sumasayad ito sa sahig pero pinabayaan ko na lamang ito. Paki nila? Mas maganda tignan eh.
Parang si Elsa.
May uniform naman na required para sa aming mga instructors, pero dahil sa good girl ako, --note the sarcasm--, hindi ko susundin ang paraan ng pananamit nila. Duuuh, ayokong magsuot ng palda na hanggang tuhod. Hindi ako komportable. Mas maganda 'to kasi battle intructor naman ako, kaya dapat komportable ang mga damit na sinusuot ko.
Napangiwi ako nang tignan ang sarili sa salamin. Mugto at may eyebags sa ilalim ng aking mga mapupungay na mata.
Sus konting make-up lang 'to, balik na din ang beauty ko.
*Knock*Knock*Knock*
"Yana, mauna na'ko. May klase pa ang VSC. Kailangan kong bumawi kasi matagal tagal din akong absent. Lagot na naman ako sa prof natin neto." paalam ni Zerred sa labas ng pinto.
"Sige. Ingat ka boy friend." masiglang sabi ko. I tried my best para magmukhang masaya ang pagkakasabi ko 'nun.
Hindi na sumagot pa si Zerred at nagpatuloy na ako sa aking ginagawa. Naging brown na may highlights na blonde ang kulay ng aking buhok na bumagay naman sa kakulotan nito.
"Ang ganda mo girl!" puri ko sa sarili.
"Hindi ko alam kung bakit iniiwan ka eh halos perpekto ka naman na. Tsk." sabi ko sa sarili habang umiiling. Sabagay, nobody's perfect, nothing's perfect.
Kasama na 'dun ang lovelife ko.
Tsk. Ano bang silbi ng aking nag uumapaw na kapangyarihan kung broken hearted naman ako? Langya.
I somehow understand that life really is unfair. And because of that, a lot of people are suffering. A lot of them including me.
Minsan nga nahiling ko na sana nilipad nalang ako ng hangin. Para naman mabawasan ang sakit, kahit man lang sana konti.
"Minsan ka lang umibig. Kaya kung pwede, gawin mo lahat para rito. Maging selfish ka kahit minsan. Kasi hindi mo alam, baka wala na palang bukas. Hindi na nga kayo nagkatuluyan, hindi niyo pa ipinaglaban. Sayang."
Mukha akong loka-loka ditong nina-advise-an ang sarili ko. Okay na rin 'to, pampabawas stress.
Inilugay ko ang aking kulot at mahabang buhok na abot hanggang bewang. Para syempre, hindi ma-focus ang atensyon nila sa eyebags ko. In short, ang buhok ko ang madlang pepol's attention catcher for now.
-
Nasa gymnasium kami ngayon para mag training kasama ang SC. Wala ako sa mood kaya may naisip akong ipalaro sa kanila.
"Attention!" sigaw ko at nagsilapit naman silang lahat. Nang masiguro kong natipon na sila ay nag simula na akong magsalita.
"Sinong pamilyar dito sa larong Dodge ball?" tanong ko. Tinignan ko silang mabuti at may nagtaas ng kamay.
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
FantasyAdreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS HRISOVERHGI PETRIDIS - ...