AN:
Bukas pa dapat ang UD, pero dahil sa hindi ako busy ngayon, ngayon nalang xD Lovelots :*
Adreanna's POV
Kakagaising ko lang. Binuksan ko agad ang veranda ng kwarto ko para makalanghap ng sariwang hangin.
Napatingin ako sa labas. May limang kahoy na natumba't wasak-wasak ang mga halaman. Mga halamang bulaklak na nagkalat.
"Shit! Kakatubo lang 'nun ah!"
Napatakbo ako agad paibaba. Nasa mansion na'ko kasi hindi ko maatim na walang kasama dito si Zerred. Baka maglaslas ito, mahirap na. Mahirap walang audience. Pfft.
"Yana, sa'n ka pupun--" hindi na natapos ni Zerred ang sasabihin nang mag teleport ako papuntang likod-bahay. Naka night-gown kasi ako na hanggang sahig kaya mahirap tumakbo sa hagdan.
Pagkadating ko sa kung saan nagkalat ang mga halaman, tila nanlumo ako.
"Sino'ng may gawa nito?" nanghihinang tanong ko sa sarili. Para akong nawalan ng lakas nang makita na gutay-gutay ang mga halaman ko't puno. Nakakapanghinayang lang! Hindi ko kasi ito ginamitan ng kapangyarihan at ipinalaki sa sarili kong pawis. Jusko!
"Gagaling kayo." sabi ko. Para akong shunga neto na kinakausap ang mga halaman. Pero bahala na! Bubuhayin ko sila.
Ikinumpas ko ang kamay ko't pumikit sabay sabi ng spell, "Heal thy flowers and grow some trees."
Simple lang at maiksi. Hindi kailangan ng bonggang spell kung isa kang wizard. Makapangyarihan ang salita nila kaya walang dapat ipag-alala.
Gaya ko.
Other side: Talaga?
Oo, bakit?
Other side: wala lang. Bakit?
Wala lang din.
Other side: Ahh.. kk.
"Yana-- whoa!" manghang sulpot ni Zerred sa likod ko kaya napabalik ako sa reyalidad.
Bumalik na sa dati ang mga puno at mga bulaklak. Mas naging makulay ito't mas naging matibay.
Ikinumpas ko ang kamay ko't nag cast ulit ng spell, "Duplicate." saka nadagdagan ang mga halaman. Trumiple ang bawat isa sa kanila kaya ang ganda nang tignan. Ang mga puno ay nakahilera sa likod at ang mga bulaklak nama'y parang naging disenyo dito sa may unahan.
"Ang ganda na!" masiglang sabi ko. Tumango naman si Zerred at hinawakan ako sa balikat na ikinagulat ko."Oo maganda nga. Sobra. Pero siguro, dapat mamaya na 'yan." sabi niya. Binitiwan niya naman agad ako.
"Bakit mamaya pa? Eh pwede namang ngayon a--"
"First day mo ngayon sa VSC Yana. Maligo ka na't hihintayin kita." sabi nito habang tinutulak-tulak ako.
Shit nakalimutan ko! Kailangang hindi ako late!
"Sige boy friend. Salamat." sabi ko sabay halik sa pisngi niya saka lumipad papuntang veranda.
Bakit hindi ko naisipang tumalon nalang kanina?
Nagpanic ako masyado. Kailangan talagang mag-isip muna. Tsk.
Gaya ng sinabi ni Zerred, naligo ako agad at nagbihis. Sinuot ko ang uniform ng mga taga-VSC. Isang black na necktie, black na palda hanggang sa ibabaw ng tuhod, at isang white long sleeve.
"Infairness ngayon ah, hindi ako naka-rubber shoes." sabi ko sa sarili. Napatingin ako sa paa kong naka black shoes at naka thigh-socks o medyas na hanggang sa legs na color white. Sinuot ko na din ang aking cloack para sa finishing touch. Syempre, lahat kasi ng mga taga VSC may kapa na pang-wizard. Kaya dapat meron din ako.
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
FantasyAdreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS HRISOVERHGI PETRIDIS - ...