Third Person's POV
Pumasok na sa kanilang classroom si Adreanna sa kadahilanang hila-hila siya ni Dalliere. Nagtaka ng sobra ang prinsesa. Bakit ba daw siya nandito? at bakit sila pumasok sa klaseng ito?
Dahil sa pagpapakali, naisipan na niyang magtanong sa walang emosyong si Dalliere.
"Hoy!" pabulong na sigaw nito sa binata.
"Uy, Dalliere, bakit ba tayo nandito?"
Tumingin naman ang binata sa kanya ng nagtataka.
"Mag-aaral? Ano bang klaseng tanong 'yan?" walang ganang sagot nito sabay tingin ulit sa harapan.
Hindi sila napansin ng guro sapagkat madami itong ginagawa kaya't naisipan ni Dalliere na mag-hintay na muna.
"ANO?!" halos mabingi naman ang binata sa sigaw ng dalaga at nakakuha pa ng atensyon ng mga tao sa silid.
"Tsk! Ba't ka ba sumisigaw? Baliw." syempre hindi narinig ng dalaga ang huling sinabi ng binata.
Kumunot naman ang noo ng Prinsesa.
Adreanna's POV
Nakatingin naman lahat ng tao sa amin ngayon.
PATAY!
*takip bibig*
"Uy, Dalliere, sigurado ka ba? Di'ba iba 'yung paaralan ko? Tsaka, bakit ansama ng tingin ng mga babae sakin?"
" Oh my god! Why is it that she's with the monarch? She's so nakakainggit!!"
"Yeah! And the monarch even responds on whatever she says! WAAAHH!!"
Halah! Sino kaya 'yang pinag-uusapan nila?
"Soooo true! Eh hindi nga tumititig 'yang si monarch eh! Salita pa kaya! Andaya!"
"Psshhh!! -____-" rinig kong sambit ni epal. =__=
"Sino kaya 'yang si girl? Natalbugan ang beauty ko teh! HUHUHUHU!!" sabi nung babae na maganda naman.
"Tsss. She's not that beautiful. Wala pa nga siya sa kalingkingan ko eh!" ay antaray 'nung babaeng maganda ah! Maganda talaga siya! PRAMIS!
"She's maganda kaya! Look at her, she's so adorable!" wow ang cute naman 'nung babaeng 'yun! Wala bang may lahing unggoy dito?
"Tss! I'm gonna rip her face off!" sabi nung babaeng maganda. Halah! Grabe siya magalit!
"HAAAAYYY! Mas maganda pa kasi siya sayo Selene kaya ganyan ka!"
"SHUT UP!" Sabi 'nung babae na si, Selene siguro?
May napansin naman akong lumabas sa kamay niya.
Likido? Bakit pula?
"Acid." bulong ni epal.
Hindi naman nasindak 'yung cute na babae at may lumabas din sa kamay niya.
JUSMIYO!!!
May lumabas din sa kamay niya.
"L-lava?" takhang tanong ko sabay singhap.
N-nasaan ba'ko?
Feeling ko mahihimatay ako ilang sandali ngayon. Anong lugar ba 'to?
"Hey, are you okay?" rinig kong tanong ni Dallire pero malabo na. Parang umiikot na 'yung mundo ko.
"Uy. Yana, bakit amputla mo? HUY!" maputla na ba'ko? Tsaka bakit a-alam niya 'yung nick name ko?
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
Fantasi[ WARNING: UNEDITED. ] Adreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS H...
![[Infinity] Goddess](https://img.wattpad.com/cover/25515280-64-k190973.jpg)