Adreanna's POV
Naglakad ako sa hallway ng school papuntang Principal's Office.
Ano na naman kaya ang kailangan ni Spade?
Habang naglalakad ay napadaan ako sa isang glass wall kung saan kitang-kita ko ang kabouan ng aking katawan.
"Ay patay, hindi pala ako nakasuot ng uniform." bulong ko habang nakasapo sa noo.
Kaya siguro ako pinatawag?
"Aish, no choice," bulong ko ulit tsaka pinitik ang kamay sa ere para mapalitan ang suot kong jeggings na tinernohan ng isang white na hanging blouse na may nakalagay na 'rock on!' sa may parte ng dibdib para maging isang school uniform. Dumaan na din muna ako sa locker para kunin ang cloak na iniwan ko doon.
"Hey," bati ng isang pamilyar na lalaki. Nginitian ko ito.
"Tris, napadalaw ka?" tanong ko. Nakasandal siya kanina sa pader pero kalaunan ay sumunod naman na sa akin papuntang locker room.
"Namiss lang kita." aniya sabay ngisi.
Actually, hindi ko naman talaga siya nakitang ngumisi kasi nasa likuran ko siya. It's just that he's too obvious pag nagsasalita. Kaya yeah, sure akong nakangisi siya kanina.
"Talaga lang ah," bulong ko nang tuluyang makalapit sa locker. Ikinumpas ko ang aking hintuturo para mabuksan ang lock. Naiwan ko kasi yung susi sa bag, kaya no choice. Kailangang magic-in.
"Bawal yan," sabi ni Tris. Tinignan ko lang siya saglit tsaka binalik ang tingin sa locker ko na ngayon ay nakabukas na.
"Walang sign na nakalagay dito na 'Bawal-mag-isip-ng-ibang-paraan-para-mabuksan-ang-locker-pag-naiwan-ang-susi-sa-bag-at-naiwan-ang-bag-sa-classroom', Tris." pamimilosopo ko at tsaka sinuot ang aking cloak. As usual, nagmukha na naman akong si Hermoine sa pelikulang Harry Potter. Nagkataon nga lang na mas mas mas mas mas maganda ako sa kanya kaya hindi ako mapagkakamalang siya.
#Dyosa.
"Haha, alam ko. Inaasar lang kita." sabi niya.
Nakakaasar ka nga.
"So, nasa'n na pala si Kenneth?" tanong ko para maiba ang usapan. Naglakad na ulit ako para dumeretso sa principal's office.
"Nandun sa palasyo nila. Maraming ginagawa masyado. Hindi na nga yun lumalabas eh." sabi niya nang nagkakamot sa batok at nakalagay ang isang kamay sa bulsa.
Boys.
"Tris, alam mo bang may nanghypnotize saken? Nagpanggap siyang si Kenneth tapos nagayuma pa niya 'ko na magkagusto sa kanya. Galing niya rin eh." sabi ko. Pero hindi naman ako galit sa gumawa nun --which is si Jay-- kasi alam kong mabait siyang tao. Hindi ko lang talaga siya napapansin kaya nagkakaganoon siya.
"Nabalitaan ko nga." bulong ni Tris. Napatingin nalang ako nang diretso sa daan.
"Oh, pa'no. Dito na'ko, Tris. May kailangan pa kasi si Spade saken." sabi ko. Ngumiti naman siya nag malawak.
"Eh diyan rin ang punta ko eh!" masigla niyang sabi sabay tulak sa double door na pinto ng principal's office. Napailing nalang ako.
--
"ANO?!"
"I'm sorry, Adreanna pero kailangan mong pumunta sa lugar na iyon." sabi ni Spade. Napaupo ako sa sofa at hinilot ang aking sentido.
Masyadong malayo ang Magia Academia sa Hestizo.
"Ayokong pumunta, Spade." tutol ko. Napa-buntong hininga naman siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/25515280-288-k190973.jpg)
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
خيال (فانتازيا)[ UNEDITED ] Adreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS HRISOVERHGI...