Infinity 17 - Misunderstanding ♥

7.1K 207 20
                                    

AN:

Thank you nga pala sa gumawa ng aking napaka-adorable na cover na si Masquerblex :D Mahal kita! (Haha hindi tayo talo xD Peace :p)

Adreanna's POV

"~Ba't di pa patulan, ang pagsuyong nagkulang.

Tayong umaasang, hilaga't kanluran.

Ikaw ang hantungan, at bilang kanlungan mo.

Ako ang sasagip sa'yo~"

Pakanta-kanta lang ako habang nililibot ang hardin ng aking mansion. Sobra kasing tahimik, tapos ako lang mag-isa kasi wala ang aking pinakamamahal na kaibigang si Zerred. Wala din si Dalliere. Ewan ko ba kung nasa'n 'yun ngayon.

Nadapo ang tingin ko sa pinagbabawal na parte ng aking hardin. Pinagbabawal kasi puro delikadong halaman ang nandun. Ang iba kasi ay mababangis, 'yung iba naman ay nakakalason, tapos may halaman pa ngang nangangain. Kaya bihira lang ang mga nakakaligtas sa parte na 'yun, na ako pa lang mag-isa. Dahil sa kabutihang palad ay ako pa lang naman ang nakakapasok. Kaya 'wag kayong mag-alala. Wala pang namamatay diyan. LOL.

Naglakad agad ako papunta 'dun sa pinagbabawal na hardin nang may makita ako gumalaw. Pagkatapos kong makita ito sa malapitan ay nanlaki ang mata ko at agad na naalerto.

Jusko mapapahamak ang usa!

Agad akong nagteleport papunta sa loob ng hardin nang walang isip-isip. Pagkapasok pa lang ay napuruhan agad ako sa braso dulot ng mga tinik ng nakakalason na halaman kaya napangiwi ako sa sakit at hapdi habang hinahanap ang usa.

"Sanabit vulnerum" bulong ko at agad na naghilom ang aking mga sugat. Naglakad-lakad ako para hanapin ang usa nang biglang may humablot sa buhok ko.

WAAAAH KINAKAIN NG HALAMAN ANG DULO NG BUHOK KOOOO! AAAAAHHH!

Nagpanik ako to the highest power kaya nailabas ko ang aking ancient sword at inihiwa agad sa katawan ng bulaklak na kumain ng buhok ko.

Kawawang bulaklak.

"Mas kawawang buhok." nanghihinayang kong sabi habang hinihimas ito. Ambaho na kasi ng buhok ko. Idagdag mo pa ang laway ng halaman na nanatili sa mga hibla nito't dumidikit parati sa katawan ko.

Mahabang liguan ito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang mapatid ako sa sanga ng halamang gumagalaw. Mabuti nalang at nakapag-landing ako nang maayos kundi gasgas ang magandang mukha ng pinakamamahal na bida ninyo.

Hindi pa nakuntento ang halaman kaya sinubukan niya pang hablutin ang paa ko mula sa likod. Mabuti nalang at nakatalon ako agad bago pa man niya ako mahuli.

"Antiquis pugione" bulong ko at nagpaulan ng dagger sa lahat ng parte ng gumagalaw ng puno. Ang mga dagger na iyon ay kaya kang paralisahin sa loob ng apat na segundo at gawing abo sa panlimang segundo.

Umalulong ang malakas na tunog ng puno habang namimilipit sa sakit. Ewan ko ba kung saan 'yun nanggaling, wala naman siyang bibig. Basta umaalulong lang siya na hindi gumagalaw.

Baka dinapuan ng sakit na rayuma-disease.

Matapos ang malakas na sigaw ng puno ay naglaho na ito.

Pumunta ako sa may entrance ng forbidden garden ng may nakita akong gumalaw sa labas nito-- ng pinagbabawal na hardin.

"Shutengeners nakalabas ka na palang hayop ka?!"

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon