Adreanna's POV
Nakatingin lang ako sa harap ng salamin habang sinusuri ang aking repleksyon.
Walang kabuhay-buhay na buhok, inaantok na mga mata, uga-ugang mga labi at maputlang kutis.
Oh no.
Hindi na maganda 'to. Kailangan ko nang makapag-release.
But how?
Napatingin ako sa bintana. Full moon at tulog na ang mga nilalang sa Infinitus. Pumunta ako sa terrace at pinagmasdan ang kalangitan.
"Doon nalang kaya ako mag-release?" tanong ko sa sarili. Usually, sa mga panahon gaya nito, susulpot bigla si Dalliere sa kung saan at sasamahan akong tignan ang mga bituin.
Pero ngayon, kahit ipikit ko man nang matagal ang mata ko, alam ko na sa pagmulat ko wala parin siya dito.
Nakakamiss.
Ipinikit ko nang mariin ang mata ko at bumuntong-hininga. Wala akong magagawa kung tutunganga lang ako dito. Dapat, pagkatapos kong mag-release ay mahanap ko na ang paraan para makita si Dalliere. Sisiw lang 'to kung magpupursigi ako.
Lumipad ako paitaas. Ire-release ko lang ang kapangyarihang matagal nang hindi nagagamit at naipon na sa sistema ko. Kung hindi ko ito gagawin ay sasabog ako.
Take note, sealed pa ang kapangyarihan ko ne'to. Pa'no na kaya 'pag hindi na?
Nang makarating ako sa itaas ay pumikit ako. Ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat habang nililipad ang aking night gown. Ipinagdikit ko ang aking palad at nagsimula nang mag-cast ng spell.
"Dimittam te vitutem meam"
"Et fac me tuis potentes" sigaw ko.
Feeling ko nababali ang lahat ng buto ko sa katawan. Feeling ko, may gustong kumawala. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko na para bang kailangang umire dahil manganganak. Grabe!
"Aaaaah!" sigaw ko. Para talagang may lalabas sa sistema ko eh.
Other side: Malamang. Magre-release nga eh -_-
Shattap!
Matapos ang ilang pang minuto ay nahinto na ako sa pagsisigaw. Tinignan ko ang paligid mula dito sa itaas. May mga nahuhulog na puting liwanag, kapangyarihan ko na ata yun. Pinagmasdan ko ito hanggang sa madampi ito sa lupa.
Namukadkad ang mga ito at naging ancient plants! Mga halamang mahika lamang ng mga pinakamalalakas ang pwedeng makapag-palabas.
Aba aba! Haha ang galing ko! Nakakapagbigay ako ng buhay!
Tumingin ako sa may kaliwang bahagi ng ramuhan. Doon nakita ko ang isang usang may sugat sa paa kaya hindi ito makalakad. Hinintay kong may mahulog sa kanyang puting ilaw. Nang mahulugan siya ay biglang umilaw ang sugat niya at nung nawala naman ang ilaw ay napatayo agad siya.
"Wow." aniko nalang.
At dahil sa naka-night gown lang ako habang lumilipad ay napagdesisyunan ko nang bumalik sa loob ng mansion dahil sa lamig na dumadampi sa aking balat. Agad akong tumakbo sa salamin the moment na naka-apak ako sa terrace.
"W-whoa." manghang sabi ko habang tinitignan ang sarili sa salamin.
Perfectly curled ang aking golden blonde na buhok, mapupungay ngunit napaka-mapang-akit ang aking ginintuang mga mata, mamula-mulang pisngi at labi, tsaka makinis at maputing balat.
Isa lamang ang masasabi ko.
"Anak nga ako ni Aphrodite."
--
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
FantasyAdreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS HRISOVERHGI PETRIDIS - ...